Kabanata 43
Torture
Nagising ako bigla ng may nagbuhos ng tubig sa akin! Balot ng tattoo ang katawan niya at malaki din ang pangangatawan niya. Bigla namang sumakit bigla ang katawan ko, huli na nang malaman kong puro pasa pala ako!
"Ang tibay mo rin!" hinampas niya sa akin ang kahoy na hawak niya dahilan para mapa-aray ako ng sobra
Isang suntok ang pinakawala niya sa mga kamao niya at tumama agad sa labi ko kaya tumulo ang dugo Pumasok sa loob si Uriel at isang suntok din ang pinakawala niya mula sa mga kamao niya, bago siya ngumisi
Sinabunutan niya ako para maiharap ako sakaniya
"Kulang pa ang lahat ng ito!" sigaw niya
"M-Make it enough, then...." ngisi ko
Sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas, bigla yata akong nabingi sa ginawa niyang iyon!
"Surely, I will." hagalpak niya "Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" dugtong niya
Ang pagkamatay ba ng anak niya ang tinutukoy niya? Kung ganoon pagbabayaran ko kung ako talaga ang may kasalanan, Napaka-bata ko pa noon. Naive.
Kaya siguro ito na ang tamang panahon para mag-bayad ako...
Sinipa niya ng malakas ang mga paa ko kaya napanganga ako sa sobrang sakit!
Kinuha niya ang bakal na malapit doon sa lalaki at hinampas sa kaliwang tuhod ko! Napaiyak ako sa sakit!
"Ahhh!" iyak ko, dahil sobra na ang sakit
Halos sarado na rin ang kanang mata ko kaya nahihirapan na akong maka-kita.
Nang mapagod siya sa kakasuntok ay tinigilan din niya ako
"Magpahinga ka muna dahil kakailanganin mo ng lakas para mamaya." aniya bago tumawa
Iniwan na nila akong mag-isa at duguan sa kwartong iyon.
I felt so numb because I couldn’t feel the pain I had while their torturing me!
Masakit? Oo. Pero habang tumatagal tila nawawala na ang sakit, nakaukit na kase iyon sa puso ko.
Mabilis ang paghinga ko paggising ko pawis na pawis din ako! Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko nakatakas na ako sa mga kamay ni Uriel...
Pero nagkamali ako,
Nandito pa rin ako sa madilim na kwartong ito. At nandodoon pa rin ang mga pasa na galing sa mga kamay ni Uriel
Nakagapos pa rin ang mga kamay at paa ko. Nahihilo din ako dahil siguro sa sugat sa ulo ko.
Namamanhid din ang mga tuhod ko at kumikirot ang isa dahil sa hampas kanina.
"I will send it tomorrow..." Napalingon agad ako sa pintuan kung saan may narinig akong tinig na matagal ko ng hinihintay
"Louis—" hindi ako makasigaw dahil sa sakit ng katawan ko. tumulo ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay mamamatay na ako ngayon
Biglang may nag-putukan ng baril kaya naalarma ako! Pinipilit kong makatakas kahit na nahihirapan ako!
"Dito! Dito!" umalingaw-ngaw ang boses ni Louis
Nakiramdam ako ng ilang sandali... Nang biglang may sumipa sa pintuan at iniluwa nun si Louis at Zael!
Natulala ako at bahagyang napangiti. Tumakbo si Zael at niyakap ako ng mahigpit.
"Akala ko ‘di na kita makikita ulit." niyakap niya ako ng napaka-higpit
Kinalas ni Louis ang lubid na naka-gapos sa akin.
"Bilis! Wala na tayong oras!" sigaw niya
Tumayo ako pero hindi ko talaga kaya kaya naman inalalayan ako ni Zael para maka-tayo! Pero bago pa man kami makaalis ay nasa harap na namin si Uriel na duguan at nakatutok ang baril sa amin!
"Traydor!" hiyaw niya "Sa tingin niyo makakalabas kayo ng buhay dito?!"
Kumalabog ang puso ko dahil sa takot! Nag-angat ako ng tingin kay Zael na seryosong nakatingin kay Uriel
"Pwede naman nating pag-usapan ng maayos ‘to Uriel. Matagal ng patay sina Allysxha at Akira!" Zael said
Nanlaki ang mga mata ko! Alam niya! May alam siya noon pa!
"Pag-usapan ng maayos? Nahihibang ka na talaga! Paano mo nagagawang sabihin sa akin iyan bagkus ay nandoon ka sa pangyayaring iyon!"
Bumuhos ang mga luha ko! Marahas akong nag-angat ng tingin kay Zael na seryoso pa din nakatingin kay Uriel!
"Anong ibig niyang sabihin Zael?!" halos nagmamaka-awa na ang boses ko
Tumawa si Uriel "Hmm mukhang hindi alam ng kapatid mo, I guess this is the right time to tell her the truth... Kulang pa pala ang mga detalyeng nasabi ko sakanya."
"Napaka-hayop mo talaga!" nanginig sa galit si Zael
"Hayop ka din Zael! Baka nakakalimutan mo, hayop na din ang tawag sa mga miyembro ko!"
"Tell me, what’s going on?!" sigaw ko
"Do you really wanna know the truth huh?" panunuya ni Uriel
"Don’t Uriel!" matigas na sabi ni Zael at nakatikom na ang kaniyang kamao dahil sa galit
Humalakhak si Uriel at diretso ang tingin sa akin - tagos hanggang buto.
"Let me tell her the truth! Anong klase kang kapatid!?" patuloy pa rin ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko "If you don’t mind Zalestra... Tauhan ko ang kapatid mo, nandoon siya sa mga panahon kung paano ko patayin si Akira!"
Natulala ako sa rebelasyon niya, Nangatog ang mga binti ko at lalong bumuhos ang mga luha na kanina pa umaagos...
"I-is it t-true...." halos ‘di ko na makilala ang sarili kong boses at halos hangin nalang ang lumalabas
Nagulat ako ng biglang may pumutok na baril at dumating ang mga pulis...
To be continued...
———
Please Vote and Comment! ♥GL: Happy 2.88k reads!!! Salamuch! <3
BINABASA MO ANG
Unwanted
De TodoIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?