Kabanata 27
Call
Pinagmasdan ko si Zael habang nanginginig dahil sa galit, hinawakan ko ang mga braso niya para mapakalma siya
"Maybe, God has a better plan for you, it's just part of His plan for you to be strong enough to face whatever it is..."
"Sinusubukan niya tayo, para makita kung hanggang saan tayo..."
Suminghap siya bago nagsalita...
"Ikaw ba... Have you seen your worth?"
Parang punyal na tumarak sa akin ang tanong niya, Nakita ko na nga ba?
"Worth in our family, yes. Pero sa love..." hindi ko tinapos ang sasabihin ko
"It's easy to say, but it's harder to do it.." aniya bago pinaandar ang sasakyan pauwi
Hinatid ni Zayn si Reece na ngayon ay lasing na lasing na din wala siya sa katinuan at panay ang daldal niya sa kung anu-anong bagay
Pinagmasdan ko si Zayn na namumungay ang mga mata na inaalalayan si Reece papuntang kwarto tinulungan ko siyang buksan ang isang kwarto para maipasok niya si Reece
Tinanggal ko ang sapatos niyang suot "Hmmm..." protesta niya tiyaka dumapa
Umiling ako at nag-angat ng tingin kay Zayn na ngayon ay nakatingin sa akin nagtama ang mga mata namin kaya umiwas ako ng tingin
"U-Uh... Sa isang kwarto ka na matulog, you’re drunk... and tired for sure." nauutal kong sabi at nag-iwas muli ng tingin
Humalakhak siya ng kaunti at sinabing,
"You’re tense.... easy." bulong niya sapat na para marinig ko
"I...I’m not!" giit ko at lumabas na ng kwarto
Pumunta ako sa veranda at pinagmasdan at kalangitan hindi inalinta ang lamig na bumabalot sa buong katawan. Matagal na ang bahay na ito na pinagawa nina Daddy at Mommy noong mga bata pa kami madalas kami dito tuwing pasko.
"I thought hindi na kita makikita pa..."
Sumunod pala siya sa akin...
"Nasabi na sa akin ni Zael ang nangyari sa’yo." utas niya
"Close talaga kayo 'no?" tanong ko at hinarap siya
Napangiti siya, Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nababaliw na yata ang isang ‘to!
"Mas close tayo, Zal..." humalakhak siya
"Really?" nanlaki ang mga mata ko
"Uh-hmm..."
May sasabihin pa sana ako pero nakita ko siyang nakahilig na sa railings at naka-pikit. Tulog na siya?
"Zayn... Huy!" tinapik ko siya ng bahagya sa mukha pero hindi siya nagsasalita. Tulog na nga...
May biglang nag-vibrate sa bulsa niya at umiilaw bahagya pa akong napatulala bago iyon kunin sa bulsa niya
"Perrie..." I whispered ng mabasa ang pangalan sa screen
Sasagutin ko na sana ng biglang namatay ang tawag, Nag-kibit balikat ako kaya ilalagay ko na sana sa bulsa pero muling umilaw iyon at isang text ang dumating galing din sakanya...
Perrie:
Please, Let’s talk....
Kaya siguro naglasing ang isang ito...
"Hey!"
Muntik ko nang maihagis ang cellphone dahil sa gulat!
"Ba’t ka ba nanggugulat?!" pinanlakihan ko siya ng mata
"Eh, bakit na sa’yo cellphone ko?" tanong niya pabalik
Natahimik ako kaya wala akong nagawa kung ‘di ibalik sakanya ang cellphone na hawak ko
"M-May tumawag... Perrie yung pangalan, g-ginigising kita but—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong higitin sa bewang at yakapin ako ng mahigpit...
"Let me hug you for a minute... I just missed you." bulong niyaHinayaan kong ganoon ang posisyon naming dalawa...
"I’ll never forgive Louis for hurting you,"
Kumunot ang noo ko, My legs are trembling... Dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya..
"Mahal kita, Zal. Pero nagkataong kailangang kang ipakasal kay Louis, Na-engage kayo noong mga high school pa lang tayo... I was wreck, Wala akong nagawa dahil mga bata palang tayo... I-I thought this feelings will fade... Pero mali ako habang tumatagal mas lalo lang kitang minamahal... I dated so many girls ‘til someone caught my attention. Nalaman niya ang tungkol sa iyo at nag-away kami, Ang gulo Zal... Mahal ko siya... Mahal din kita— fuck! I am a jerk! I know!"
Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa mga nalaman ko. We are engage! at ngayon ko lang nalaman kung saan malayo na ako sakanya?
How cruel!
"Now tell me, Zalestra Eunyce Mahal mo ba ako dahil wala kang maalala o sadyang mahal mo na ako dati pa bilang fiancee ako?"
Bigla kong naaalala ang sinabi ni Louis noong nag-usap kami!
Kaya pala akala ni mommy na nagpapanggap lang ako?
Now it makes sense...
Parang tinutusok ang puso ko dahil sa mga nangyayari, Kahit gusto kong bumalik hindi na muna p’wede dahil wala pa akong mukha na ihaharap kay Louis...
Nalaman na din ni Mommy na andito ako sa London. Of course nagalit siya dahil padalos-dalos daw ang desisyon ko...
"Oh my god, Zalestra! Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo!" bulyaw niya sa telepono
"Mom..." tanging nasabi ko
"Kailangan mong bumalik dito!" aniya
"Babalik ako, Mom. Pero h-hindi na muna ngayon—" nagulat ako ng bigla niya akong babaan ng telepono!
Argh! Sinubukan ko siyang tawagin ulit pero hindi niya sinasagot... She really wants me to go back there!
"I need to go..." nabasag ang boses ni Zayn
Pinigilan ko na bago pa makaalis dahil lasing na talaga siya, hindi na mapirmi ang mga mata niya kaya nasisiguro kong lasing na talaga siya
"Y-You can use the guest room... g-gabi na baka kung ano pang mangyari sayo." nag-iwas ako ng tingin
Bahagya siyang napahalakhak.. Nababaliw na yata ang isang ‘to! Kumunot ang noo ko kaya umiling siya
Marami pa akong gustong malaman pero napagdesisyunan kong ipagpabukas nalang dahil gabi na isa pa’t kadadating lang namin kaya pagod na din ako
Nagising ako dahil sa alarm clock na nasa ibabaw ng mesa nakapikit pa ako habang pinapatay iyon dahil sa ingay.
May naririnig akong mga boses sa sala kaya bumangon na ako para makapaghilamos at makalabas na din, Nang matapos mag ayos sa sarili ay lumabas na ako. Nadatnan ko namang nagluluto si Zael habang si Zayn naman ay nag-aayos ng lamesa, bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil sa pag-amin niya kagabi, si Reece naman ay nakabusangot at nakapangalumbaba...
"Good mornin'." bati ni Zayn
Ngumiti ako at naupo sa tabi ni Reece
"By the way, tumawag nga pala si Louis."
————
Please, Vote and Comment! ♥
Follow me on:
IG: @janineacastro

BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?