Kabanata 31
Married
Suminghap ako at pumikit. Dinadama ang simoy ng hangin na nanunuot sa akin at ang init ng panahon ngayon sa Pilipinas
Napangiti ako. It’s been three years simula nung iwan ko ang Pilipinas, Walang nagbago ganoon pa din.
"Susunduin tayo ng Driver ko." binaba ni Zayn ang cellphone niya at humarap kay Zael na blanko naman ang ekpresyon
Kami lang dalawa dapat ang uuwi ni Zayn pero sumama siya dahil wala daw siyang makakasama kung sakali.
Ilang minuto lang ang tinagal bago dumating ang naturing na driver ni Zayn sinakay namin ang mga luggage sa compartment, sa driver seat ako at si Zael habang nasa harapan naman si Zayn
Walang nagbago sa Pilipinas, Ganoon pa din. Grabe! tatlong taon lang akong nawala pero miss na miss ko na ang mga tao dito...
May biglang sumagi sa isipan ko pero binalewala ko na muna iyon at nagpatuloy sa panonood ng mga building na nadadaanan namin.
Hindi ko pa alam kung mananatili muna ako dito o babalik ulit sa London. Undecided.
"Welcome home!" nagulat ako sa biglaang pag-sigaw ng mga tao sa bahay
Kumpleto lahat ng pamilya namin na nandito, Mga tita’t tito ko sa side ni Mommy at Daddy ay kumpleto pati na rin ang mga pinsan ko
"I miss you, guys!"
Nagyakapan at nagkamustahan kami pinagsabihan pa ako dahil bakit hindi daw ako nakapag-paalam bago umalis. Sinabi kong nagpahinga lang ako doon. Ayoko namang sabihin na umalis ako para kay Louis!
Sa harap kami ng pool kumain dahil hindi kami magkakasya sa dinning area
"Zal..." may biglang tumawag sa akin nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Pams
"Cous!" niyakap ko siya ng mahigpit
"You... remember me, now?" hindi makapaniwalang tanong niya
Tumango ako at abot tenga ang ngiti
"Oh my! Shit! Shit!" nagtatalon siya dahil sa tuwa
"Finally, ‘diko na pagtitiisin ang ugali ni Cole!" she snorted
Cole is the second version of Reece, palibhasa magkapatid. Kung masungit si Reece doblihin mo ang kay Cole. Now I know kung kanino nagmana si Zael. Haha!
"Bakit paano ba ang kasungitan niya?" naupo kami sa gitna ni Reece at Carrie na kapwa pinsan ko
"Hay! nako, napaka-protective niya lalo na sa damit! Akala mo naman siya yung bibili like—Argh!"
Napangisi ako at napatingin sa bandang gilid kung saan nakaupo si Cole na kausap ang mga tito ko.
Masungit nga siya, but he’s the most sweetest among my cousins. Naaalala ko pa noong regaluhan niya ko ng VIP ticket para sa concert ng LANY dalawang VIP tix iyon at sakaniya daw ang isa dahil sasamahan niya ako.
I don’t know kung bakit nasabi ni Pams na masungit siya, Pero sabagay laging nag-aaway ang dalawa simula noon at hanggang ngayon.
"Stop it you two, lagi nalang kayong ganiyan." umirap ako
"Tsk! but anyway. Ba’t magkasama kayo ni Zayn?" bulong niya
Napatingin ako kay Zayn na pinagkakaguluhan ng mga pinsan kong babae. Gwapo kase!
"Dahil taga London siya!" giit ko
Tinusok naman niya bigla ang tagiliran ko kaya napasandal ako kay Reece na seryosong kumakain, I mouthed sorry after that.
"Ay nako sa tatlong taong pagkawala mo marami kang ‘di naikukwento!" humalikipkip siya
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain ko.
Pansin ko ‘din na medyo okay na kami ni Mommy, kinamusta niya ako kanina at halatang napakasaya niya
"How’s your studies there, hija?" tanong ni Tito Von
Sumimsim ako sa wine bago siya sinagot
"Fine, Tito. The professors there are so professional." I chuckled
"Ganoon talaga. Noong nag-aral ako doon napaka mean ng mga prof." tumawa si Tita Adele na asawa niya
Sang-ayon ako doon. Minsan na nga akong mapahiya sa klase dahil zero ako sa quiz at kung anu-ano nalang ang sinabi niya kesyo ‘di daw ako nag-aaral ng mabuti!
Hindi naman kase tulad dito sa Pilipinas ang doon kaya malaking adjustment ang ginawa ko
"Well, I hope hindi ka na babalik doon sa U.P kanalang matutulungan ka pa ni Cole dahil business din ang kurso niya." Tita Michelle interrupted. Cole and Reece’s mom
"Pinag-iisipan ko pa po." sagot ko
The topic went on and on... Lalo na’t umiinom na silang lahat.
Pinuntahan ko naman ang mga pinsan ko na nasa pool at nagsu-swimming na!
"C’mon Zal! Strip and Let’s swim!" sigaw ni Graciel
"She’s not allowed." sabay pa sina Zayn at Zael
Nagkatinginan sila at napailing tiyaka tumawa.
"Looks like Zael will having an enemy." inakbayan ako ni Cole
Siniko ko siya kaya napadaing siya may pa-arte-arte pang nalalaman na kunyare nasaktan eh ang hina lang naman iyon
"Ang arte! Pero kay Pams ang sungit!" tukso ko
"What?!" kumunot ang noo niya
"Wala!" sabi ko ng nakangiti, sarap niyang pagtripan sa totoo lang
Iniwan ko na siya doon at binabad ang mga paa sa pool. Nagbabasaan na sila kaya tawa ako ng tawa
"Drink?" naupo sa tabi ko si Zayn at inabutan niya ako ng whiskey tinaggap ko iyon at nagpasalamat
"I’m having fun with your family!" tuwang-tuwa niyang utas
"Na-miss ka siguro nila, lalo na si Graciel." matagal na siyang crush ni Gracial inamin niya noong minsang magselos siya sa aming dalawa
"Really? Parang ‘di naman yata lagi siyang may kausap sa telepono." nakita ko si Graciel na naka-ahon na at may kausap nga sa telepono
Ngiting-ngiti siya at kumikislap ang mga mata niya masasabi mong in-love nga siya. Ang pagkakaalam ko ay kakauwi lang din niya galing States doon kasi sila naglalagi at nag-aaral, Hindi siya nagpapaligaw kaya masasabi kong NBSB siya.
"The boy must be lucky!" tuwang-tuwa kong sabi
"Yeah!" lumagok si Zayn sa hawak niyang whiskey
"Nakausap mo na ba si Perrie?" I asked him
"Not yet. Nasa probinsya sya ngayon..."
Tumango ako at pinagmasdan ang mga pinsan kong pinagkakaguluhan si Graciel
"Pakilala mo na kase!" pilit ni Pams
"Oo nga! Unless bungi siya!" humagalpak ng tawa si Cole
"Oy! He’s not bungi kaya!" umirap si Graciel
Nag-usap pa sila hanggang sa lapitan ako ni Pams. Nawala na din sa tabi ko si Zayn dahil tinawag siya ni Zael. It’s already 10:30 in the evening at wala pa silang balak umuwi pero ang mga tita’t tito ay kanina pa.
"Have you heard the news?" kumalabog ang puso ko dahil sa tanong niya
"W—What news?" nauutal kong tanong
"Allysxha is married..."
———————
Please, Vote and Comment! ♥
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?