Kabanata 36

588 15 0
                                    

Kabanata 36

Unless

Hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating o sabihin. Ilang segundo ko pa siyang tinignan bago umalis at lagpasan siya.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at kung ano man iyon ayokong mahulog sa patibong niya. Sana.

Natigilan ako ng makita ko si Graciel na nakatingin sa direksyon namin ni Louis!

Pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang makita niyang nakatingin ako sakanya

Bumalik ang tingin ko kay Louis at nakita ko siyang nakikipag-kwentuhan na kina Brix.

Sumimangot ako at bumalik sa puwesto ko kanina at umimom ng juice

"He’s a good man." hindi na ako nagulat ngayong nasa gilid ko na si Graciel

"He is?" napataas ang isang kilay ko

"Yup! I’m happy when I’m with him, yung may sparks kapag talaga kapag kasama ko siya?!" kilig na kilig niyang kwento

Pumangalumbaba ako walang panahon sa lovelife na ‘yan!

"Ikaw? Did you feel it na with Zayn?" maarteng tanong niya

"Oo naman ‘no!" sabi ko at kunware ay tinampal ko siya sa braso

"Good. Because Louis is mine." nagkasukatan kami ng titig

Nakaramdam ako bigla ng tensyon

"Uy! Edi sa’yo na walang umaagaw sayo. You know kung the more na hinihigpitan mo ang taong mahal mo the more na kakawala iyan!" I said

Ngumiti siya pero alam kong peke iyon, Naintindihan ko siya dahil unang lalaking minahal niya si Louis pero sapat ba ‘yung dahilan para manakit ka?

Masyado siyang binubulag ng pag-ibig. Nakakasama 

"Are you okay?" Cole asked

"Hmm... Oo naman, bakit mo naitanong?" pinagmasdan ko ang baso ko na walang laman

"Uh, because of Graciel and Louis." nagkibit balikat siya

"What about them?" patay malisya kong tanong

"Tch! You knew what I mean..."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, Sinasabi ko na nga ba!

"Are you both okay?" tanong niyang muli

Hinarap ko siya at napayuko at muling tumingin sa harap

"Yes. We’re okay." I answered

"You know what Zalestra, If you love him let him go—"

"I let him go! can’t you see? Hindi ko sila ginugulo!" sinabunot ko ang sarili kong buhok

Mukha na yata akong desperada sa inaasta ko ngayon!

Humagalpak siya bigla kaya napatalon ako! Lasing na yata ang isang ‘to!

"Hay nako! You can’t hide it from me! I know you too well!" halakhak niya

"Ewan ko sayo!" tumayo na ako at nagpaalam na matutulog na

Anong alam niya sa lovelife ko? Fix marriage lang naman ang alam niya sa aming dalawa ni Louis noon, He expected me to not love Louis kaya bakit siya nag-iisip na kung naka-move on na ako?

Hindi ko alam pero matalas ang pakiramdam ng lalaking iyon

"I’ll tell Tita that you already have Luke." Cole worried face caught my attention

"NO!" sigaw ko dahil siguradong pagagalitan ako kapag nalaman nila

Cole and Pams is the only person I can trust for now!

Nakipag-break kaagad ako kay Kid na two years boyfriend ko nang malamang kong ipapakasal ako sa iba because of business

Seventeen years old pa lang ako anong alam ko sa buhay, kailangang maging praktikal sa buhay ngayon paano ko mapapakain ang sarili ko kung naghihirap kami, paano ko mabibili ang mga bagay na gusto ko kung hindi ko sila susundin.

"But you don’t love him." aniya

"Cole... Hindi tayo mapapakain ng pagmamahal na iyan!" saad ko

Kanina pa ako iyak ng iyak sa kotse niya dahil hindi ko na mapigilan ang natatago kong emosyon

"Yes. Love will not feed us, but love can make us strong enough to live I think. Hindi lang basta pera ang umiikot sa mundo, Zal. If you truly love Kid fight for what it deserve. Baka pagsisihan mo na hindi mo siya naipaglaban unless you already love that Tomlinson?"

Hinawi ko ang mga luhang lumalandas sa mukha ko at tiningnan siya ng masama

"I will never love that boy!" I said in disgust

Humagalpak siya sa tawa hawak-hawak pa niya ang tiyan dahil sa sobrang pag-tawa. Kung unang beses mo siyang makikita napaka-seryoso niya at mukhang suplado pero 'pag nakilala mo na ganito siya kabaliw!

"Madali lang ang magmahal Zalestra Eunyce baka kainin mo iyang mga salitang binitiwan mo kung sakali. Bata ka pa and of course si Louis ang makakasama mo hanggang sa maikasal kayo you will learn how to love him and if you do, you will live happily ever after!" nanunuya niyang wika kaya tinampal ko ang braso niya

"Okay na sana ba’t may ganoon pa!" I glared at him

"Because it's true..."

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa couch bigla kasi akong nagising dahil sa mga tawanang nagaganap sa labas kaya tumayo ako at bumaba para matingnan kung ano na ang nangyayari sakanila

Nakita ko silang lasing na lasing na, Si Zael nakaupo lang doon at nakangisi habang nakatingin kay Reece si Carrie at Graciel naman ay tulog na tulog na. Tanging ang mga lalaki nalang ang gising but oh I forgot Pams nasa pool siya tulala at umiimom.

Nahagip ng tingin ko si Louis na mariing nakatingin sa akin nag-iwas ako ng tingin at bumaling kay Cole na nakangisi sa akin ngumuso ako at inirapan siya

Napansin kong paubos na ang iniinom nilang JD's kaya dumiretso ako sa kusina para makakuha ng bago

"Why are you still awake?" I startled when I saw Louis behind me

Hindi ko siya pinansin at kumuha ng panibagong  Jack Daniels sa ref

Aalis na sana ako ng bigla niya akong higitin sa braso dahilan para maharap ako sakanya

"Broke up with him and be with me!"

Ilang segundo akong natulala bago humagalpak ng tawa

"At sino ka para sabihin kung ano ang dapat ‘kong gawin?! And what the fuck are you talking about—be with you?!"  I exclaimed

Marahas siyang lumapit sa akin at sinakop ang labi ko... I cannot breathe!

—————
Please, Vote and Comment! ♥


Thank you so much for reading! Sana basahin niyo din yung mga ibang nasa works ko. Love y’all!

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon