Kabanata 49
Yes
I helped him cooked our breakfast for that morning. Syempre kung mag-isa lang siya at walang tumutulong ay paniguradong hindi siya kaagad matatapos lalo na’t maagang nagigising sina Mommy at Zael dahil may mga trabaho ang dalawa.
Nagising na din ang aming mga kasambahay kaya mas lalong napadali ang pagluluto at may mga idinagdag pa kaming mga iba’t ibang uri ng pagkain sa hapagkainan
I watched Louis so closely, he is so very serious for something that I cannot tell. Parang kagabi lang ay kausap ko siya sa telepono at pinapakinggan ang mga daing ko tapos ngayon ay nandito na at nag-aayos para sa pagkain namin ngayon!
He even prepared our dining table! What the hell?! This is just a breakfast!
Kumunot ang noo ko at hinayaan nalamang siya sa ginagawa, siguro magpapa-impress? I don’t know! plus he is in a formal attire today!
Pinilig ko ang ulo ko at inabala ang sarili, binigyan ako ni Manang ng tsaa I mouthed Thank you before she goes to Louis at may ibinulong, Sumulyap si Louis sa akin pagkatapos ng sinabi ni Manang at muling bumaling kay Manang pagkatapos ng isang sulyap na iyon.
Hindi ko siya pinansin sa halip ay pinagpatuloy ko ang pag-inom ng aking tsaa
"Bakit hindi ka pa nagbibihis?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita! Tinignan ko siya, pagkatapos ay ang kinaroroonan niya kanina.
I glanced at myself to look if there’s something wrong with my robe, Hm wala naman ah?
"Why? May ibang mga bisita pa bang pupunta rito?" tanong ko pabalik
Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago ngumisi at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos niya ang daliri ko kung saan nilalagay ang sing-sing
"This day could be the most special one." he whispered tila may iba pang kahulugan ang sinabi
"Hmm, you think?" parang tanga kong tanong!
Nakakahiya! Iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil sa kahihiyan!
I heard him chuckled kaya tiningnan ko siya ng masama itinaas niya ang dalawa niyang kamay, ipinapahiwatig na suko na siya
Inubos ko na ang tsaang iniinom bago umakyat ng kwarto upang makapag-palit ng damit
Pagkapasok sa kwarto ko ay bumungad sa akin ang isang champagne dress na nasa ibabaw ng kama ko kasama ng isang pares ng stilletos
Nagtataka man ay hinayaan ko nalang at pumasok sa banyo para makaligo. Sa kalagitnaan ng aking pagliligo ay naisip ko si Louis, Makakasama ko siya sa breakfast!
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Lora na nag-aayos ng kaniyang mga gamit. Sa gulat ko ay napako ang tingin ko sa kaniya na busyng busy sa pag-aareglo ng kaniyang mga gamit sa pangmake-up. Bigla akong napatanong sa isip ko kung ano ang ginagawa niya dito
Napatikhim ako at isinantinig ang nasa isip
"Lora? What are you doing here?" tanong ko walang bakas na gulat sa aking boses
"Good morning princess!" he said happily
I rolled my eyes at tiningnan ang sarili sa salamin para sana ayusin ang sarili pero naunahan na niya ako.
"Hey! Hey! That’s my duty!" inagaw niya ang make up na hawak ko at pinaupo sa high chair kung saan katapat ng salamin na may ilaw
"Ano ba kasing meron?" tanong ko habang nilalagyan niya ng concealer ang mukha ko
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?