Quote#1 📌
The days in school it's either you make it a great day or not, the choice is yours.📌Zerthea's POV📌
Second week na ng pasokan at wala pa dito si Ivan sa university. Ayaw daw niyang papasok kasi na-jetlog daw sa flight nila kagabi.
Ang dami na niyang absents at kailangang i-cope up na grades since graduating students na kami. Hindi na ako makapaghintay na magpapakasal na kami ni Ivan after naming maka-graduate.
Pero kaya lang, hindi pa siya nag properly proposed sa akin so hindi pa talaga kami magf-fiancè. Ok lang, I can wait that day that someday he would officially proposed to me.
Second week pa ng pag-aaral ko dito in my 4th year, ang sobrang daming mga gawain. May mga teachers pang walang awa talaga sa pamimigay ng mga assignments, projects, requirements, at kung ano-ano pang mga kailangan sa mga graduating students.
Dito sa building namin sa Pharmacy at sa Psychology, hindi madali ang mga subjects namin. Halos pinapatay ka sa dami ng chapters na daat babasahin in advance. Maraming mga gawain upang makapasa lang. Haysss
Pero, wala akong mga kaibigan since 1st year ko. Kasi daw, scholar lang ako. Ang sabi nga nila, kapag scholar ka, it means galing ka sa mahihirap na pamilya at hindi kagaya nila dito na wish granted na kaagad sa isang tawag sa kanilang mga magulang. Sa sitwasyon ko naman, kailangan ko pang mag-part time job upang may pambili at hihintayin ko pa ang mga padala ng mga magulang ko mula pa sa Davao.
Hindi naman ako maiinggit sa kanila. Ang sa akin lang eh respeto lang naman...sana. Lagi na lang akong pinag-uusapan dito. Kung gusto kong makipag-kaibigan, tawag nila dun 'Plastikan' daw. Kung gusto kong tumulong sa iba, tawag nila dun ay 'Pakitang-tao' daw. Tsaka kung magpa-participate ako sa classroom, tawag nila dun 'Sipsip or Pabibo sa mata ng mga guro'. Grabe, hindi naman ako ganun.
Over naman sila mag-isip, unsa man na uy hahay. Wala man lang magawa sa buhay kundi binabantayan ako lagi sa bawat sulok ng university. Minsan nga, ginawa pang-memes yung mga pictures ko na galing sa kanila na stolen shoots. At everytime kung may class picture kami, ako'y nasa hulihan lang at minsan half ng katawan ko ang nakunan. Tsaka, nahulog din na hanggang ngayon, class beadle ako. Kaya lang, pinapagalitan pa ako ng mga kaklase ko kapag mag-mark ako ng absent sa kanila. Pero, yung mga teachers namin, still kukunin pa rin sa akin ang original marks.
Eh pagpasok ko palang sa classroom namin, kung makatingin...akala niyo parang hindi kami mga classmates nito over the past 3 years. Tsaka, na-habbit na nilang lahat na pina-upo nila ako sa pinaka-sulok sa may bintana. Kasi, kung meron kaming earthquake drills, sinasadya nila ako iwanan para ako ang mag-mukhang biktima sa mga drill. Alam niyo kung bakit ako mahuli sa paglabas? Simple lang. Lalagyan nila yung upuan ko ng bubblegum or kundi nilo-lock nila yung pinto. Tanging yung Vice President namin sa classroom ang laging may hawak nun.
Nasanay na din ako. Minsan nga, ako na gagawa ng, instead of assigenments...nagiging 'Group Assignments' at hindi pa sila magsabi ng 'thank you'. Ipinagdasal ko na lang lahat ng mga nagawa nilang mali sa akin. Hindi ako papatol kasi ano ako? Scholar lang, kapag may magawa akong mali, siguradong maki-kick out ako sa school.
"Uy, Seerrteya!"- sabi ng classmate kong si Earl.
"Zerthea ang pangalan ko Earl. Hindi Seerrteya."- correction ko. At bigla niyang hinila yung buhok ko. "Hindi ako bata para korreksyonan mo ha! At hindi din kita Mommy upang turuan ako!"- sigaw pa niya sabay tulak sa akin pabalik sa upuan ko.
"Oh Zerthea, eto oh. Mga assignments ko. Galingan mo yang pag-compose mo ha. Kundi lagot ka sa akin."- ulat ni Lovie sabay hagis sa kanyang yellow paper sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Retaliate Chronicles - Revenge Of The Innocent {MAJOR EDITING}
Teen FictionSimple lang naman ang mga gusto kong makamit: 1. Kasiyahan tuwing nasa unibersidad 2. Makapagtapos sa College 3. I-ahon sila Mama at Papa sa kahirapan 4. Walang mga bullies at ang panhuli, 5. Mahalin kung sino man ako Yun lang at wala ng iba, pero k...