CHAPTER 02

12.5K 226 2
                                    

"Hi Kamille!"

Mabilis na napalingon si Kamille sa tinig ng lalaking bumati sa kaniya habang naglalakad siya sa hallway. Kadarating lamang niya sa eskwelahan at itong mukha agad ni Max ang bumungad sa kaniya. Well kung hindi ninyo naitatanong eh isa ito sa mga lalaking naging biktima lang ng paghahanap niya ng thrill sa buhay. Aminado naman siyang may pagkamaharot siya pagdating sa lalaking natitipuhan niya sa umpisa ngunit kapag nagsawa na siya ay iniiwan na lang niya ito ng basta.

"Oh! Hi there, Max," wari ay bati niya rin dito.

Sumunod ito sa kaniya habang naglalakad siya. Mayaman ang lalaking ito at isa sa mga sikat na estudyante sa kanilang eskwelahan, lolo kasi nito ang nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa lugar nila. Nag-iisa itong apo kaya naman sunod sa luho. Masasabi niyang magandang lalaki talaga ito, matangkad at maputi, may pagkasingkit at mapula ang labi, mestizo ang datingan nito dahil tulad rin niyang anak mayaman.

Bagay na bagay nga daw sila sabi ng karamihan. Halos parehas kasi sila ng estado sa buhay. Kilala rin ang pamilya niya dahil sa yaman nila at sa lawak ng lupaing pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang, hacienda, bukirin, rancho at may kompanya pa na siyang pinamamahalaan ng kaniyang ama.

Pero hindi naman siya naging seryoso kay Max. Hindi niya rin ito minahal at parang naging palipas oras lamang niya ito.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya, pwede?" pangungulit nito sa kaniya.

Nilingon niya ito, umangat ang isang sulok ng labi niya.

"I'm sorry Max, pero hindi ba't malinaw na sa atin ang lahat? Tapos na tayo right? So para saan ang lunch?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Pansin niyang nalaglag ang balikat nito.

"Kahit ngayong araw lang. Huli na ito promise," pagmamakaawa nito.

Hindi pa ba ito maka-move on sa kaniya? Samantalang para sa kaniya ay balewala lang ang lahat. Naging boyfriend niya ito ng halos dalawang buwan. Wala lang trip lang niyang makipagrelasyon dito at pagkatapos na magsawa ay ganoon lang niya kadaling iniwan.

Saglit na nag-isip siya bago tumango sa lalaki. Para na rin matigil na ang kakulitan nito sa kaniya ay pagbibigyan niya ito.

"Hmm, fine!" Pinilit niyang tumango dito. Kita naman niya ang pagsilay ng malawak na ngiti sa labi nito.

"Dadaanan kita mamaya." Hahalik sana ito sa pisngi niya pero mabilis siyang umiwas.

"Oops!" sambit niya at agad na tumalikod dito. Iniwan niya itong nakatanga sa hangin.

Bago pa mag alas dose ay dumating na nga si Max, natanaw niya itong naghihintay sa labas ng room niya. Ang ibang babae ay pinagtitinginan ito, sino ba namang hindi mapapatingin sa lalaking ito? Gwapo ito pero walang dating para sa kaniya. Wala siyang maramdaman dito.
Nagpahid lang siya ng bahagyang foundation sa mukha bago lumabas at sinalubong naman siya nito,

Napakalawak ng ngiti nito sa labi.

"Tayo na?" sabi niya at nakangiting inalalayan siya nito.

Lumabas sila at tumambad sa kaniya ang mamahaling sasakyan ng binata, hindi nakapagtataka, barya lang para dito ang halaga ng mustang na iyon kahit para sa kaniya ay nakakalula na ang presyo. Binuksan nito ang pintuan para sa kaniya.

"Thanks!" sabi niya bago pumasok sa loob.

Sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nito sila huminto, syempre ito ang pinakasikat na kainan sa lugar nila kaya hindi na nakapagtatakang dito sila hihinto. Palagi naman siyang dinadala nito dito kahit noong sila pa, at aaminin niyang masarap talaga ang mga pagkain dito.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon