CHAPTER 50

6.8K 100 6
                                    

"Lower your voice my love, ohh shit ahh!"

Walanghiyang Franco ito, lower your voice raw eh ito nga ang walang sawa sa pag-ungol habang umuulos ito sa pagitan ng mga hita niya.

Buhat-buhat siya nito habang naglalabas masok sa loob niya, kanina pa niya pinipigil ang bawat ungol niya. Baka mamaya ay marinig sila ni Mathew.

Kagat-kagat niya ang ibabang labi at tinatanggap ang bawat pagbaon nito sa pagkababae niya, nababaliw na naman siya sa sensasyong nararamdaman.

"Ahh! Fuck I-im c-coming—"

Halos magkanda-paos ang boses nito, binilisan pa nito ang paggalaw at sa isang malakas na ulos ay muli itong nagpakawala ng mainit na likido sa loob ng pagkababae niya. Hinihingal na napasubsob siya sa balikat ni Franco.

"Ang sarap mo mahal ko," nakangising wika nito, namumuo pa ang pawis nito sa noo.

"Ibaba mo na ako," sabi niya at pinulot ang panty na nakakalat sa ibaba.

Mabilis na isinuot niya iyon.

Nagniningning sa kapilyuhan ang mga mata ni Franco, hindi niya tuloy maiwasan ang pamulahan ng mukha. Ginawa na naman nila ang bagay na iyon sa kung saan lang. Hindi maitatanggi kung gaano niya kamahal si Franco. Hindi yata nauubusan ng lakas ang katawan niya pagdating sa binata, lagi na lang siyang nangangailangan dahil sa mga pang-aakit nito.

"Mommy?"

Rinig niya ang boses ni Mathew at ang mga yabag nito pababa sa hagdan. Nagkatinginan sila ni Franco at nagmamadaling pinuntahan ang anak. Thanks God at hindi sila nito naabutan. Magaling talaga itong si Franco, ang galing ng timing, pati sa kama ay magaling rin.

Ipinilig niya ang ulo sa isiping iyon, bakit ba kung ano-anong pumapasok sa utak niya? Nagiging perv na siya.

"Baby I'm here," sabi niya at sinalubong si Mathew, nasa likod na rin niya si Franco.

"Mahal, dito na kayo matulog ha, sabay-sabay na tayong uuwi bukas sa Manila."

Tiningnan niya si Franco dahil sa sinabi nito, para na tuloy silang mag-asawa talaga. Well hindi pa ba? Eh ginagawa na nga nila ang isang bagay na nagpapatibay sa relasyon ng mag-asawa at paulit-ulit pa. Pakiramdam niya tuloy ay muli na naman pumintig ang nasa pagitan ng mga hita niya.

"Mommy, Daddy ko na po ba si Tito Franco? I heard him calling you Mahal. Doesn't Daddy also call you that? Mahal mo po ba si Tito Franco? Mommy gusto ko siya maging Daddy, gusto ko na magkaroon ng Daddy ulit!"

Tiningnan niya ang anak, alam niyang hindi pa nito nauunawaan ang mga bagay-bagay pero ramdam na ramdam niya kung gaano ito kalapit sa totoong ama. Si Franco ay mataman lang na nakatingin sa kaniya at tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon niya.

Ito na yata ang tamang oras para ipagtapat niya kay Franco ang totoo. Karapatan nitong malaman iyon at iyon naman talaga ang gagawin niya. Humahanap lang siya ng tiyempo.

Tinitigan niya ito sa mga mata kita niyang masaya ito dahil gusto ito ni Mathew para sa kaniya, hindi ito mahihirapan pagdating sa bagay na iyon. At mas lalong magiging madali ang lahat kapag nalaman nito ang katotohanan.

Naluluhang nagpapalit-palit siya ng tingin sa mag-ama, kitang nkyang rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Franco.

"Mahal what's wrong?" tanong nito at hinawakan ang likod niya.

"Umiiyak ka ba? May nasabi ba akong hindi maganda? Tell me what's wrong?" Niyakap siya nito habang si Mathew ay nakakapit naman sa isang kamay niya.

Kumalas siya sa yakap ni Franco at hinarap ito, hinawakan niya ang dalawang kamay nito habang titig na titig ito sa mga mata niya, tila naguguluhan, nag-aalala at nagtatakha.

"Franco, patawarin mo ako kung nilihim ko sayo ang totoo. Patawarin mo ako kung nagalit ako sayo dahil hindi ko alam ang lahat ng katotohanan noon..."
 
"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

Tumikhim siya at sinalubong ang mga mata ni Franco.

"Franco, anak mo si Mathew ikaw ang totoong ama niya, noong umalis ka ay buntis ako sa iyo, akala ko iniwan mo ako, nagalit ako sayo at namuhi. Itinaguyod ko siyang mag-isa at itinuloy ang pagbubuntis ko, hanggang sa dumating si Edward at inako niya ang responsibilidad na maging ama ni Mathew," umiiyak na sabi niya.

Nanginginig na nilingon ni Franco si Mathew sa gilid nila, kitang-kita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

Dahan-dahan itong lumuhod sa bata at buong pagmamahal na niyakap nito si Mathew.

"A-anak ko..."

Halos mabasag ang tinig nito at doon nagsunod-sunod ang pag agos ng luha niya habang pinagmamasdan ang mga ito.

Ilang saglit na tila tumigil ang paligid, matagal na nakayakap ito sa bata bago muling nagsalita

"Kaya pala, kaya pala ganoon na lang kagaan ang loob ko sa kaniya, kaya pala nandoon ang lukso ng dugo noong una ko siyang makita, kaya pala palaging sumasagi sa isip ko minsan na parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya, Mathew a-anak ko!" Hirap na hirap si Franco at parang mauubos ang hininga nito ng banggitin ang mga katagang iyon sa anak nila.

Walang imik si Mathew sa mga yakap na ibinigay ni Franco dito, tiningnan siya ni Mathew at kagat ang labing ngumiti siya sa anak kahit pa hilam sa luha ang mga mata niya. Tumayo si Franco at ang sunod na ginawa nito ay niyakap siya. Mahigpit at ramdam na ramdam niya ang emosyon nito.

"I understand, Kamille, it's not your fault. You didn't know how happy I am now that I know, I'm already a Dad. That's why I feel it so strongly when it comes to Mathew. Mahal na mahal kita... Mahal na mahal ko kayo!"
 

Tinugon niya ang yakap nito sa kaniya at nang humiwalay ito ay naroon na ang matamis na ngiti nito. Hinalikan nito ang labi niya.

"Napakasaya ko mahal!" ani Franco at bakas ang tunay na kaligayahan sa mukha nito. Hinawakan niya naman ang pisngi nito at hinalikan ito ng paulit-ulit sa labi. Hindi nila alintana kung nakikita man sila ng anak nila. Masyado lang silang masaya sa mga nangyari.

"Mahal, huwag naman ganyan baka hindi na naman ako makapagpigil eh..."

Kinurot niya ang tigliran ni Franco dahil sa biro nito sa kaniya. Napatawa naman ito at hinawakan ang kamay niya. 

Binuhat nito si Mathew at pinakatitigan ito.

"From now on, tatawagin mo na akong Daddy," bulong nito kay Mathew.

Rinig ni Mathew ang lahat ng sinabi niya kanina at alam niyang kahit papaano ay nakaunawa ito.

"Daddy, totoong Daddy pala kita," nakangiti at parang manghang-mangha ito habang nakatingin sa ama.

Umakbay si Franco sa kaniya at sumandig naman siya sa matipunong balikat nito.

Lumabas sila ng mansyon at sinalubong ang sariwang hangin. Tila sila isang masayang pamilya at ito ang kaharian nila. Akala niya ay hindi na matutupad ang pangarap niya na bumuo ng isang masayang pamilya sa piling ni Franco, ngunit mabait pa rin ang Diyos dahil tinupad nito ang pangarap niya.

Handa niyang harapin ulit ang mundo na kasama si Franco, haharap ulit siya sa mga magulang niya at hindi siya matatakot sa kung ano man ang maging reaksyon ng mga ito. Hindi nawala ang pag-ibig niya para kay Franco at babawi siya upang ipaglaban ito sa pangalawang pagkakataon.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon