CHAPTER 08

8.5K 164 0
                                    

Madilim na ang paligid at nagising si Kamille sa mahihinang tapik ni Franco mula sa tabi niya. Naalimpungatan siya at napagtantong hindi pa pala sila nakakauwi. Nakita niya ang sariling wala pa rin saplot kaya naman napabalikwas siya ng bangon.

Baka hinahanap na siya ng Yaya Hilda niya!

Hinagilap niya agad ang bestida na suot-suot kanina at inabot naman iyon sa kaniya ni Franco.

Nakahubad pa rin ito at kahit madilim ay kita pa rin niya ang matipunong katawan ng binata. Napakagat siya sa ibabang labi nang maalala ang nangyari sa pagitan nila kanina.

Wala siyang pinagsisisihan doon at kakaibang kasiyahan ang naramdaman niya.

Pansin niyang tahimik ang binata at malalim ang iniisip nito.

Nahihiya ba ito sa nangyari kanina?

“Franco, okay ka lang?” tanong niya. Hawak hawak pa rin niya ang sariling damit.

Nilingon siya nito. Malamlam ang mga mata at tila ba may nais ipahiwatig.

“Anong problema?” nag-aalalang tanong niya. Hinawakan niya ang kamay nito.

Matagal bago ito nagsalita.

“Kamille, a-ayokong mapalapit sayo...”

Parang biglang nawasak ang puso niya dahil sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Ayaw nitong mapalapit sa kaniya?

Natahimik siya.

Sinasadya ba nitong sabihin iyon ngayon para ipaalam na wala lang para rito ang nangyari ngayon sa pagitan nila?

Nagdilim ang mukha niya dahil doon.

“Bakit—”

Bago pa man siya makapagtanong ay nagsalita na ulit ito.

“Ayokong mapalapit sayo dahil alam kong kapag nangyari iyon, hindi ko na gugustuhin pang lumayo.”

Nakatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung nananaginip lang siya pero base sa nakikita niya ay punong-puno ng pag ibig ang sinasabi ng mga mata nito. Nangangarap lang ba siya? Kung gayon ay ayaw na niyang magising.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot dahil sa binitawan nitong salita.

Nagsisisi ba ito sa nangyari sa kanila?

“A-anong ibig mong sabihin?” wari ay naguguluhang tanong niya.

Bumuntong-hininga lamang ito. Tila gusto niyang yakapin ang binata.

“Franco wala akong pinagsisisihan sa nangyari satin,” paglilinaw niya.

Hinarap niya ito upang magtama ang mga mata nila. Aaminin niyang nasiyahan siya sa nangyari sa kanila ni Franco at tila napunan nito ang matagal ng kulang sa kaniya.

Hinalikan niya ito at hindi ito tumutol bagkus ay ginantihan nito ang maalab na halik niya. Bigla na namang nag-init ang katawan niya dahil sa halik nito. Halos ayaw na niyang maputol ang halik sa pagitan nilang dalawa pero ito ang unang bumitaw.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon