CHAPTER 56

522 9 4
                                    

Abala si Kamille sa pagsasalansan ng mga skin care products niya. Hindi niya pinapansin si Franco na prenteng nakaupo sa kama nila habang nakatutok sa laptop nito. Siguro ay may inaayos ito sa trabaho. Abot ang sulyap nito sa kaniya kanina pa pero hindi niya ito binibigyang pansin. Kasalukuyan siyang nagpapahid ng cream sa mukha nang bigla itong nagsalita.

"Wala ka ba talagang balak kausapin ako?" tanong nito. Nakatalikod siya rito habang nakaharap sa salamin. Hindi siya kumibo sa tanong nito.

Nakita niyang isinarado ni Franco ang laptop dahil mukhang hindi naman ito makapag-focus doon. Lumapit ito sa likod niya at niyakap siya nito.

"Mahal naman sorry na," paglalambing nito habang ang mukha ay pilit na isinisiksik sa balikat niya. Naiinis pa rin siya kay Franco kapag naaalala niya ang nangyari kaninang umaga.

"Nakakainis ka kasi eh," nakangusong sabi niya.

"Hindi ko naman sinasadya iyon, nagseselos lang ako sa mga lalaki kasi nakatingin sila sayo kanina. Ayokong may ibang tumitingin sayo gusto ko ako lang..."

Hinarap niya si Franco at sinalubong ang mga mata nito.

"Seryoso ka ba diyan Franco? Paano mo mapipigilan ang mga iyon na hindi ako tingnan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kaya nga sorry na, nadala lang naman ako ng inis at selos."

Kumunot ang noo niya at muling tumalikod kay Franco.

"Ewan ko sayo, napakaimposible mo."

Bumaling ulit siya ng tingin sa salamin habang pinapahidan ang mukha niya ng cream. Pinapanood lang siya ni Franco at punong-puno ng paglalambing ang mukha nito. Para itong maamong tupa ngayon, samantalang kanina kung sermonan siya nito ay wagas.

"Mahal," tawag nito sa kaniya.

"Ano?"

"May alam akong paraan para mawala ang galit mo."

Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ni Franco habang unti-unti nitong tinatanggal ang pagkakatali ng suot niyang roba.

"Franco tigilan mo ’yan," saway niya rito dahil busy siya sa ginagawa niya.

"Mahal ko..." Sinadya nito na lambingan ang boses at hindi talaga ito nagpatinag sa ginagawa.

"Franco!" Pinandilatan niya ito sa salamin pero tumawa lang ito sa kaniya.

Umalis ito sa kama at nagtungo ito sa harapan niya. Nagulat siya rito ng bigla itong lumuhod sa sahig.

"Anong ginagawa mo?" takhang tanong niya kay Franco.

Sinimulan nitong halikan ang paa niya habang hinahaplos nito ang mga binti niya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon