CHAPTER 39

5.9K 132 5
                                    

Nagising si Franco at nakita ang sariling nakahiga sa isang couch habang nakasandal sa kaniya si Mathew na nakatulog din pala mula sa paglalaro nila kanina.

Hindi niya na namalayan ang oras, madilim na pala.

Maingat niyang inangat ang ulo ni Mathew at inayos ang pagkakasandal ito sa kaniya, may kung ano sa pakiramdam niya na hindi niya maipaliwanag. Basta ang alam niya lang masaya siya at magaan ang loob kapag nakikita niya ang batang ito. Kahit naman yata sino ay maaaliw dahil sa pagkabibo ni Mathew, nakakaaliw at nakakatuwang bata.

Maya-maya ay nalanghap niya ang nakagugutom na amoy, alam niyang adobo ang amoy na iyon kaya bigla na lang kumalam ang tiyan niya. Ang hilig niya pa naman kumain, iyon nga lang ay hindi halata dahil pinapanatili niyang fit ang katawan niya. Araw-araw siyang nag-eexercise at hindi napapabayaang pumunta sa gym.

Maingat niyang inihiga si Mathew sa couch at hindi niya napigilang tumayo sa kinauupuan para puntahan ang kusina at silipin ang nagluluto.

Namalayan niya na lang ang sarili niyang nakatayo sa likod ni Kamille at pinapanood itong magluto.

Napako ang mga mata niya sa katawan nito na wala pa ring pagbabago kahit na nagkaroon na ito ng anak. Yeah she's still sexy and hot. Damn hot!

Pakiramdam niya ay may biglang tumayo sa harapan niya, kitang-kita pa naman ang hubog ng katawan nito dahil sa suot nito na humahapit sa magandang kurba ng katawan nito.

Tang*na Franco,nagiging manyak ka na!

Tila natauhan siya nang lumingon ito at kitang-kita naman ang pagkagulat sa mukha nito.

"Oh, Franco kanina ka pa diyan?"

Bakit parang nanuyo ang lalamunan niya? Shit!

"H-ha? Ah, hindi naman naamoy ko lang kasi yung niluluto mo kaya sinilip ko, mukhang masarap ha."

Tila naman nagtataka ito sa kaniya dahil nakita niyang kumunot ang noo nito. Hindi ba ito naniniwala? Hindi pa naman talaga siya ganoon katagal sa kakapantasya este kakatingin dito kanina.

"Tulog pa ba si Mathew?" biglang tanong nito at kumuha ng pinggan. Sinalin nito roon ang niluto nitong adobo.

"Oo, pasensya ka na Kamille hindi ko namalayang nakatulog pala ako."

Sinusundan niya lang ito ng tingin habang nakapamulsa siya mula sa likuran nito.

Lumingon namn ito sa kaniya.

"Wala iyon, pasensya ka na rin kung napagod ka ni Mathew, ang kulit kasi talaga ng batang 'yon," sabi nito.

"Maliit na bagay lang iyon Kamille ang importante masaya siya," sagot niya.

Tumango ito at naghain sa lamesa.

"Dito ka na kumain," sabi nito.

Napatingin naman siya dito dahil di siya makapaniwala sa biglang pag-anyaya nito sa kaniya. Tila kasi walang pader sa pagitan nilang dalawa ngayon.

"S-sure ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit naman hindi?" balik nito sa kaniya.

"S-sige hindi ako tatanggi dahil mukhang masarap yung niluto mo. Kanina ko pa kasi naaamoy. Salamat," nakangiting sabi niya.

Para ang gaan ng loob nito ngayon sa kaniya, siguro dahil si Mathew na lang ang tinitingnan nito, ayaw nitong magkaroon ng di maganda kapag nakaharap ang bata.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon