CHAPTER 53

970 9 1
                                    

"Mahal kinakabahan ako." Nag-aalangan na tiningnan ni Kamille si Franco habang lulan sila ng sasakyan patungo sa bahay ng magulang nito. Pinisil nito ang kamay niya kahit abala ang mga mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Wag kang kabahan magugustuhan ka niya."

"Pero paano kung—"

Pinutol ni Franco ang sasabihin niya sa pamamagitan ng mabilis na pagdampi ng halik sa labi niya.

"Daddy naman baka mabangga po tayo niyan eh," reklamo ng anak nila sa backseat. Nakatingin pala ito sa kanila ni Franco.

"Sorry anak," ani Franco at napakamot sa batok nito habang umiiling. Hindi niya maiwasan ang matawa, medyo nahiya pa siya sa anak nila dahil sa ginawa ni Franco.

Ilang oras din ang naging biyahe nila bago huminto ang sasakyan ni Franco sa tapat ng isang magarang mansyon. Napakalaki niyon at binuksan ng guwardiya ang gate, binaba ni Franco ang bintana ng sasakyan at tumango ito sa guwardiya na naroon.

"Sir Franco magandang umaga po!" bati ng guwardiya.

"Magandang umaga naman Oman," anito at ipinasok na ang sasakyan sa loob. Ipinarada nito iyon at nakatingin lang siya kay Franco. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya.

"Franco," tawag niya sa pangalan nito. Ito na ang nag-alis ng seatbelt niya.

"Halika na sa loob mahal ko," anito at bumaba. Pinagbuksan siya nito ng pintuan pati si Mathew.

Nang makababa siya ay inakbayan siya nito habang si Mathew naman ay mabilis na kinarga ni Franco.

"Are you ready to meet your Mama Lola?" nakangiting tanong ni Franco sa anak nila. Agad naman itong tumango.

"Yes Daddy I'm so excited!" masiglang sagot ni Mathew. Napabuntong-hininga na lang siya at pilit na inayos ang sarili. Pakiramdam niya ay ang daming kabayo na naghahabulan sa dibdib niya.

Iginiya na siya ni Franco papasok sa loob ng mansyon.

Napakaganda ng bahay na pag-aari nila Franco, hindi niya talaga lubos akalain na ganito pala karangya ang buhay nito, pero humahanga siya kasi tulad niya kahit lumaki din pala ito sa karangyaan ay hindi mahirap para dito ang makisama sa mga taong hindi ganoon karangya ang buhay.

Nang makapasok sila sa loob ay napansin niya agad ang isang may katandaang babae. Nakaupo ito sa malaking sofa at may hawak na libro. Nagbabasa ito roon. Mayroon ding mga katulong na sumalubong sa kanila at bahagyang yumuko.

"Magandang umaga po Sir Francom" Tumigil ang mga katulong at pagkatapos ay tumingin sa kaniya.

"Magandang umaga po Ma'am," anito. Pinilit niyang ngumiti kahit kinakabahan pa rin siya.

Napukaw ang atensyon ng ginang na nagbabasa ng libro at nakangiting lumapit ito sa kanila. Gulat ang rumehistro sa mukha nito at tila hindi makapaniwala.

"Franco!" masayang sambit nito, natigilan ito sa kanila ni Mathew. Punong-puno ng katanungan ang mga mata nito habang nakatingin kay Franco.

"Ma, this is Kamille and this is Mathew, sila ang mag-ina ko," puno ng pagmamalaking pakilala nito sa kanila.

Napatakip sa bibig ang Mama ni Franco matapos sila nitong ipakilala. Hindi makapaniwala ang tingin na ibinigay nito sa kanila.
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan at inabot ang kamay ng ginang.

"Magandang umaga po," aniya at iniabot naman nito ang kamay sa kaniya.

"K-kamille? Totoo ba ang sinasabi ni Franco?"

Medyo nagulat siya sa sinabi nito. Parang kilalang-kilala na siya nito sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya. Nakangiting tumango siya dito.

"Opo," nahihiyang sagot niya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon