CHAPTER 06

8.4K 145 2
                                    

"Kailangan po ba talaga na isprayin ang mga puno ng mangga?" tanong ni Kamille kay Mang Nestor.

Nakakalumbaba siya habang pinagmamasdan ang ginagawa nito at ng mga iba pang tauhan nila. May takip na tela sa ilong ang mga ito dahil sa amoy ng gamot na inilalagay sa mga puno.

"Opo Senyorita Kamille, para mas madaling magbunga. Lumayo ka Senyorita hindi mabuti para sayo ang amoy ng gamot," paalala nito.

Bahagya siyang lumayo pero nanatiling pinagmamasdan ang nga ito. Ang daming puno ng mangga na kailangan lagyan ng gamot para daw mas maging mabilis at maganda ang pamumulaklak ng mga ito.

"Hindi ba nakakasama iyan Mang Nestor?" tanong niya pa. Masyado kang curious sa ginagawa ng mga ito.

"Hindi naman po Senyorita, karamihan talaga ay gumagamit ng ganito," sagot nito.

Nakangiting tinanaw niya ang malayong sila Franco. Abala rin ang mga ito sa pagtatrabaho. Kasama nito sila Elmer at James. Kahit malayo ay natatanaw niya ang salubong na kilay ng binata. Ganoon ba talaga ito? Hindi yata marunong tumawa. Bukod sa napakasuplado nito ay ang laki yata ng galit nito sa mundo.

Bumuntong hininga siya.

Naglakad-lakad siya habang nakasuot ang malapad na sumbrero.

"Senyorita masyadong tirik ho ang araw para maglakad lakad kayo," nag aalalang sabi ni Aling Eba sa kaniya.

"Ayos lang po ako mamaya ay papasok na rin ho ako sa loob," nakangiting sagot niya.

Isang babae ang natanaw niya mula sa labas ng kanilang malawak na bakuran. Palinga-linga ito na tila ba may hinahanap. Simple lamang ang babae kaya nilapitan niya ito upang tanungin. Base sa nakita niyang kilos nito ay tila may hinahanap ito.

"Hello! Sinong hinahanap mo?" tanong niya kaagad sa dalaga. Bagsak ang itim na buhok nito at bumagay dito ang pagiging morena. Maganda rin ang mga mata nito at mahahaba ang pilikmata.

Tiningnan siya nito at tila ba namamanghang ngumiti ito sa kaniya.

"Ikaw ba si Senyorita Kamille? Ikaw ang anak nila Sir Ricky at Ma'am Verna di ba?" Ngumiti ito sa kaniya ng may pagkamangha, tila ilang saglit na kinabisado nito ang mukha niya.

Hindi siya nagtataka kung kilala man siya kaagad ng taong ito. Malawak ang lupain nila at mga magulang niya ang isa sa pinakamayaman na tao sa kanilang lugar.

"Oo ako nga." Ngumiti siya.

"Tama nga pala sila na napakaganda mo at mukhang mabait pa." Nakarehistro pa rin sa mukha nito ang matinding paghanga.

Ngumiti lang siya sa dalaga hanggang sa nagsalita muli ito.

"Ah, oo nga pala nariyan ba si Franco?"

Bigla siyang natigilan sa tanong nito. Tama ba ang narinig niya, hinahanap nito si Franco?

"H-hinahanap mo si Franco?"

"Oo, dinalhan ko kasi siya ng paborito niyang miryenda." Itinaas nito ang dalang plastic na may lamang kakanin para sa binata.

Unti-unting sumagi sa isip niya ang sinabi ni Elmer na may nobya na si Franco.

"Ikaw si Paula?" tanong niya. Biglang lumakas ang kutob niya na ito na nga ang babaeng tinutukoy ni Elmer.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon