CHAPTER 04

8.1K 153 0
                                    

"Infairness ang lambot at ang sarap ng labi niya," bulong ni Kamille sa sarili at nakangising pumasok sa loob ng bar. Hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa niya kanina kahit na nilamon siya ng pagkapahiya dahil kay Franco. Wala siyang pinagsisisihan doon. Ibang-iba ang pakiramdam niya habang iniisip na matagumpay niyang nahalikan ang labi nito

"Kamille is back!" sigaw ng mga kaibigan niya nang makita siya ng mga ito.

Nag-iinuman ang mga ito sa isang table at alam niyang medyo lasing na ang iba. Nagsasayawan ang iba pa nuyang kaibigan na agad lumapit sa kaniya para hilahin siya patungo sa dance floor.

"Oh no! Later na lang guys," she rolled her eyes at naupo sa bakanteng upuan. Nandoon ang dalawang kaibigan niya na sina Farah at Cath kasama ang boyfriend ng mga ito. Masyadong matamis ang lovelife ng mga kaibigan niya, hindi katulad niya na madalas ay laro laro lang ang nangyayari. Iyon naman kasi ang gusto niya eh. Sawain siya sa isang relasyon kaya walang tumatagal.

"Hey Kams! Bakit mukhang late ka yata?" tanong ng mga ito.

Wala naman kasi talaga siyang planong gumimik pero inatake siya ng matinding pagkabagot. Mas okay na rin iyon, at least ay natikman niya ang labi ni Fraco. Napangiti na naman siya ng maalala ang bagay na iyon.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan Kams? Nababaliw na yata ang kaibigan nating 'to," biro ni Cath.

"Mukhang ang ganda ng ngiti mo ha? Anong meron?" pag-uusisa pa ni Farah.

"Nah. I'm just happy," tipid naman niyang sabi.

"Ows? Happy ka dahil?"

"Bakit ba masyado kayong matanong? Asikasuhin niyo na lang kaya ang mga boyfriend niyo." Pabirong inirapan niya ang mga ito at ininom ang alak na nasa table nila.

"Sus! Ang sungit mo naman friend, mag jowa ka na kasi ng seryosohan para hindi ka ganiyan." Tumawa si Farah, hindi niya iyon pinansin at inagaw ang isa pang bote ng alak.

"Woooo! Let's party!" sigaw niya at iwinagayway ang bote niyon bago tumayo at sumayaw-sayaw.

Nagsigawan din ang mga kaibigan niya at nagpadala sa agos ng tugtugin. Sayaw dito sayaw doon, hanggang sa hindi niya namamalayang napaparami na rin pala ang inom niya.

Nakaramdam siya ng bahagyang hilo kaya naupo muna siya at sumandal sa upuan. Iniinit na rin siya dala ng epekto ng alak.

Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya, akala niya ay kaibigan lamang niya ito pero pansin niyang amoy lalaki ang pabango nito.

"Alone?" tanong nito.

"Mind if I join you?" dagdag pa ng lalaki.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Hindi ito pamilyar sa kaniya. Lahat pala ng mga kaibigan niya ay nagsasayawan na at siya na lang ang bagsak sa upuan, nahihilo na siya.

"Who are you?" she asked. Lasing na siya.

Ngumiti ito bago inilahad ang kamay. Tiningnan niya naman iyon.

"I'm Mark," pagpapakilala nito.

"Mark?" ulit niya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon