CHAPTER 36

5.6K 121 0
                                    

"Ma, baka next week na po ako umuwi, may mga inaasikaso pa po ako sa opisina," sabi ni Franco sa kabilang linya.

Alas-singko pa lang ng umaga at tinawagan na siya ng kaniyang ina.

Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito kahit pa nasa kabilang-linya ito.

"Franco baka naman masyado mo ng inaabuso ang sarili mo ha? Sinasabay mo pa ang pag-aasikaso sa Hacienda," sabi nito na halatang nag-aalala.

"Ma, pangako ayos lang po ako. Isa pa ay sila Mang Nestor at Aling Eba naman ang namamahala ng Hacienda, tumutulong lamang ako. Alam kong nasa mabuting kamay ang lupaing iyon," sagot niya sa ina.

"Nami-miss na kita, ang tagal mo naman kasing dumalaw dito." Parang batang nagtatampo ang kaniyang ina.

Bumangon siya sa higaan at nakangiting isinuot ang damit niya.

"Don't worry Ma, dadalawin kita diyan relax ka lang okay? I love you!" 

"Sige na nga, basta ha? Bilisan mo ang pagdalaw sa akin. I love you anak!" 

Pinatay na nito ang kabilang linya.

Tumunog muli ang cellphone niya at may isang text message na pumasok roon.

Si Yael, tinatanong nito kung makakapasok siya. Sinabi niyang hindi dahil bukas pa siya makakaluwas, alam naman na nito ang gagawing pamamahala sa opisina.

Hindi siya natutulog sa mansyon ng Hacienda, nagpagawa siya ng isang munting bahay-kubo sa gilid ng malaking puno kung saan siya pwedeng matulog at magpalipas kapag umuuwi siya dito.

Mas malamig at presko kaya iyon ang gusto niya.

"Franco nakahain na ang almusa," tawag sa kaniya ni Aling Eba.

Tumingin siya sa isa pang kubo, mas maluwang ito. Dito sila kumakain nila Kamille noon. Doon pa rin sila kumakain ng mga tauhan ng Hacienda hanggang ngayon.

Itlog, tuyo, okra, bagoong at talong ang nakahain sa lamesa. Na-miss niya ang ganitong pagkain kaya naman agad siyang pumwesto sa isang upuan.

Nagkatabi sila ni Mara, pansin niyang maaliwalas ang mukha nito ngayon.

"Goodmorning Franco!" medyo nahihiyang bati nito sa kaniya.

"Good morning" nakangiting tugon niya dito.

Sabay-sabay silang kumain ng almusal habang si James naman ay abot pa rin ang pangungulit kay Mara kahit palagi itong binabara ni Mara at pinagsusupladahan.

"Ano bang ayaw mo sakin Mara? Sabihin mo lang ayaw mo na ba akong maging gwapo? Sige magpa-papangit ako para wala kang kahati," nakangising sabi nito kay Mara.

"Lubayan mo nga ako James kay aga-aga ay kahanginan mo na naman ang naririnig ko!"

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon