CHAPTER 62

536 16 2
                                    

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto niya ng civil wedding lang. Ayaw niya ng bongga, ang mahalaga para sa kaniya ay kasama niya ang mga taong mahal niya sa buhay.

Tumututol nga sa kaniya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit niya pa rin ang gusto niya. Ayaw niyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam niyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang niya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Iniwan muna nila ang Hacienda pero babalik pa rin naman sila doon dahil gusto niyang doon manirahan. Pinaplano na niya na ibenta na lang ang resto, siguro ay magfo-focus na lang ulit siya sa mga pananim nila. Alam niyang hindi siya tututulan ni Franco dahil mahal niya ang Hacienda noon pa man.

"Mommy gusto ko po ng cake." Kinalabit siya ng anak niya na kasalukuyang nanonood ng spongebob sa TV.

Kahapon ay gabi na siya nakauwi dahil marami siyang inasikaso sa resto niya. Naiwan si Mathew kay Franco. Ngayon ay si Franco naman ang wala at siya naman ang naiwan sa bahay kasama ng anak nila.

"Teka at ikukuha kita," sagot niya sa anak at tumayo sa pagkakaupo. Tinungo niya ang ref upang ipaghanda si Mathew ng cake. Kumuha na rin siya ng chuckie na paborito nitong inumin. Mahilig talaga sa matamis ang anak niya pero minsan naman ay pinipigilan nlya rin ito.

"Here," aniya at inilapag sa lamesa ang miryenda ni Mathew. Alas dos na kasi ng hapon.

"Thank you mommy!" sambit ni Mathew at mabilis nitong nilapitan ang cake na inilapag niya sa lamesa. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak. Hindi niya lubos akalain na mabubuo ulit ang pamilya nila ni Franco, aaminin niyang sobrang saya niya dahil alam niyang maibibigay niya kay Mathew ang buong pamilya na pangarap niya para sa anak niya. Kahit na nawala agad si Edward ay hindi hinayaan ng Diyos na lumaking walang ama ang anak niya at inilapit pa rin nito ang bata sa sarili nitong ama. Sa dami ng hirap na pinagdaanan niya at sa dami ng mga nangyari, sa huli tadhana pa rin ang naglapit sa kanila ni Franco, at bukas ay ikakasal na sila. Naayos na nila ang mga dapat nilang ayusin kaya excited na rin si Franco.

"Mommy anong oras po uuwi si Daddy?" tanong ni Mathew sa kanya. Nasanay ito na laging ka-bonding ang ama kaya sa tuwina ay lagi nitong hinahanap si Franco. Palibhasa ay inispoiled ito ni Franco kaya ganoon.

"Mamaya pa ang uwi ng Daddy mo, madami pa siyang dapat asikasuhin sa trabaho niya," sagot niya kay Mathew.

Humiga siya sa sofa at naghikab. Inaantok siya. Nitong mga nakaraang araw ay napansin niyang antukin siya.

"Surprise!"

Nagulantang sila nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Franco. May dala dala itong kahon ng doughnut.

"Daddy!" Mabilis na sumalubong ang anak niya kay Franco. Nakangiting niyakap ni Franco ang anak at binuhat ito.

"Ang aga mo Mahal?" puna niya kay Franco. Nanatili siyang nakahiga at hinihimas-himas ang ulo niya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon