CHAPTER 25

5.5K 106 3
                                    

AFTER 3 YEARS...
 
 
 *****

Nakatitig lang si Franco sa kawalan habang nasa loob ng kaniyang opisina.
 
"So, totoo pala na kinasal ulit sila at this time sa simbahan na," sambit ni Yael mula sa gilid niya at inabot sa kaniya ang larawan ni Kamille at ng asawa nito.
 
Nilapag niya ang baso ng alak sa maliit na lamesa matapos itong salinan.
 
Yael looked at him without any words, as if observing what his reaction would be to the picture given to him.
Minsan niya pang pinasadahan ng tingin ang mga larawang nasa harapan niya ngayon.
 
Obviously, she's happy.
 
Clearly, Kamille is very happy in the world she chose, so she didn't bother waiting any longer.
 
"Well, we all know that Edward Lao is one of the richest man in this country, let's just be happy for Kamille at least hindi siya napunta sa kung sinong gunggong lang 'di ba?"
 
Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa mga sinasabi ni Yael. He's just listening to him. Wala yatang salita ang gustong tumakas sa bibig niya.
 
When tending to the last picture, he stopped for a moment upon seeing a cute little boy smiling and appearing very photogenic in the last photo.

Suddenly, he felt something he couldn't explain to himself. He didn't know...

A bitter smile crossed his face.
 
"Are you done? baka hinihintay ka na ni Mr. Lao," untag ni Yael saka lang siya muling natauhan.
 
Sinaid niya muna ang laman ng baso bago siya tuluyang tumayo sa kinauupuan niya.
 
Is he ready to face Edward? The man who used to be the husband of the woman he once loved deeply.
 
Naglakad sila sa kaluwangan ng building na iniwan sa kaniya ng kaniyang ama.
 
Tatlong taon na rin ang nakalipas buhat nang mapagpasyahan niyang ayusin ang buhay niya para sa kompanyang ito, at para sa lahat ng iniwan ng Papa niya.
 
Gusto niyang maging makabuluhan ang buhay niya lalo na at mayroong isang tao noon na dahilan kung bakit gustong-gusto niyang maabot lahat ng ito.
 
She brought him here, but at the same time, she's the one who shattered his heart.
 
Tatlong taon niyang tinupad lahat ng ito para kay Kamille pero hindi man lang siya nito hinintay. Masakit pa ay ang pakiramdam na iniwan siya nito bigla sa ere.
 
Siguro nga ay pinaglaruan lang siya nito and he's so fucking stupid dahil hindi niya man lang naramdaman iyon.
 
At ang pinakamalungkot, hindi niya makuhang magalit dito kundi mas marami siyang naging tanong sa saril kung ano bang mga pagkukulang niya, kung ano bang mga pagkakamali niya at ano bang mga nagawa niya? That was the most painful part, yung ikaw na yung nasaktan pero ikaw pa yung nagsa-suffer dahil pilit mong tinatanong yung sarili mo kung ano bang mali sayo.
 
Sa maiksing panahon na nakasama niya si Kamille ipinaramdam niya dito kung gaano niya ito kamahal. Sa mga simple at masasayang bagay na pinagsaluhan nila noon, ganoon din naman ang naramdaman niya kay Kamille nang mga panahong iyon, naramdaman niya ang init ng pagmamahal nito, kaya hindi niya lubos maisip kung bakit nagkaganito, na gigising siya isang araw wala na pala yung taong ipinaglalaban niya. Mayroon na palang ibang nag mamay-ari dito at ang masakit na katotohanan ay wala man lang siyang naging laban, dahil bukod sa hindi niya alam ang dahilan, pinaniwala na lang niya ang sarili maaaring nahulog nga ito sa taong iyon noong mga panahong wala siya at ngayon ay asawa na nga nito si Edward.
 
"I'll go ahead Yael ikaw na muna ang bahala dito," sabi niya kay Yael, matalik na kaibigan niya ito at kanang-kamay sa trabaho.

Mabilis siyang umalis upang magpunta kay Edward.
 
"Goodmorning Sir Franco!"
 
"Goodmorning Mr. Esquivel!"
 
"Sir coffee po?"
 
He simply passed by all the personnel in the building he traversed; he needed to reach Edward Lao. Ito ang unang araw na makikita ni Edward ang pinakamalaking investor sa kompanya nito.

Halos 15 minutes niya rin na tinakbo ang daan bago tumambad sa kaniya ang matayog na building na pag aari ng mga Lao. Ilang saglit niyang pinagmasdan ang kataasan nito bago niya napansin ang isang bagong hintong sasakyan.
 

Edward Lao descended from there, and he gazed at the familiar woman beside him. Next to her was a child holding onto the woman's hand. Even though she had her back turned, he knew exactly who that woman was.

Paano niya ba naman hindi makikilala ang nag-iisang babaeng bumihag ng puso niya sa Hacienda Monreal?
 
Ang nag iisang babaeng nagparamdam sa kaniya ng akala niyang tunay na pagmamahal?
 
Humalik si Edward sa pisngi ni Kamille at ng bata na sigurado naman niyang anak ng mga ito bago ito tuluyang nagpaalam sa mag-ina.
 
Sinundan niya lang ng tingin si Edward at hinayaan itong makapasok sa loob ng sarili nitong kompanya.
 
Isinuot niya naman ang shades at nang makaalis ang sasakyan na naghatid kay Edward ay sumunod na rin siya sa loob ng building.
 
Inilinga-linga niya ang paligid at halos iwasan siya ng mga tauhan roon.
 
"Kilala ko ang mukha na 'yan. Si Mr. Esquivel 'yan di ba? Anong ginagawa niya dito?"
 
"Di ba masungit 'yan?"
 
"Kilalang masamang tao 'yan at walang respeto!"
 
He heard consecutive whispers, but he chose to ignore them and walked confidently with his hands in his pockets.
 
"My god! Kahit na sinasabi nilang masungit kung ganyan naman kagwapo ang magiging boyfriend ko ay okay lang na magsungit siya araw-araw!"
 
"Ano ka ba? Mas gwapo kaya si Mr. Lao diyan."
 
"Duh! Maputi lang yung Edward Lao mo! Eh iyang si Mr. Devil na sinasabi mo paano pa kaya kapag pumuti 'yan? Walang panama yung amo natin 'no!"
 
"Ewan ko sayo. Tse!"
 
Napailing na lang siya sa mga bulungang iyon.
 
Wala siyang balak patulan ang ano mang mga pinagsasasabi ng mga ito. Ang kailangan niya lang ay ang maging CEO ng kompanyang ito, ang mapasakanya ito.
 
Bumukas ang pintuan ng opisina ni Edward at nakita niya itong prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine.
 
"Sir Edward nandito na po si Mr. Esquivel," sabi nung babae na sa tingin niya ay secretary ni Edward.
 
Mabilis na nagtama ang mga mata nila nang mag-angat ito ng tingin.
 
Parang gulat na gulat ito pagkarinig sa sinabi nang babae, mabilis itong umayos ng pwesto at hinarap siya.
 
"Mr. Esquivel ikaw na pala ‘yan."
 
Bahagya pa itong nagtanggal ng bara sa lalamunan.
 
"Ako nga," kaswal na sabi niya.
 
"Oh, please have a seat.”  Tila hindi ito magkamayaw pagkakita sa kaniya. Para bang nataranta.
 
Anong problema? Gusto niya tuloy matawa sa ikinikilos nito.
 
Nalaman niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagka-casino ang ama ni Kamille at ama ni Edward.
 
He feels sorry for them. His company is on the verge of being within his grasp because of the people around him who lack discretion. Technically, he could easily take control with just money, but he plans to handle things gradually.
 
Kahit ano pang pagsisikap ang gawin ni Edward napakadali lang ubusin ng pera lalo na kung walang mabuting iniisip ang magulang nito.
 
Pag-uusapan muna nila ang tungkol sa kompanya at pagkatapos ay sa hacienda ng mga ito na pinaplano niya ring mapa-sakaniya.
 
Hindi siya naghihiganti. Gusto niya lang mapabuti ang lupa kung saan siya dating nagtatrabaho. Balita niya kasi ngayon ay lugi na naman ito at pinaalis na ang mga matatandang tauhan.
 
Nalulungkot siya dahil maging siya ay sobrang napalapit na sa mga taong iyon. Gusto niyang ibalik ang dapat na sa mga ito. Gusto niyang maging masaya at bumalik sa dati ang mga ito dahil alam niyang mahal ng mga ito ang trabaho sa hacienda.
 
Sayang.
 
Kung nahintay lang sana siya ni Kamille hindi ito dadanasin ng mga tao roon.
 
Sana ay masaya pa ang lahat pero hanggang sana na lang ito.
 
Matagal rin ang naging pag-uusap nila ni Edward at ramdam niya ang pakikipaglapit nito sa kaniya. May paakbay-akbay pa ito at patapik tapik sa balikat niya. Hindi rin siya nito nakalimutang imbitahin sa birthday ng anak nito na malapit na pala.
 
"So finally, I meet you personally. I'm inviting you to my son's birthday; I hope you can make it."
 
Maluwag ang pagkakangiti nito kaya tumango naman siya bilang pagtugon bago siya nagpaalam dito dahil tapos naman na ang meeting nila.

"Sure. Expect me to be there," he replied with a smile. Little did he know, a part of him wanted to attend the birthday not just for the child but perhaps to see Kamille again. He pondered on what might happen if they crossed paths. Kahit anong mangyari isang bagay lang ang sigurado, aattend siya sa birthday party ng anak nito.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon