CHAPTER 14

7.2K 140 0
                                    

“Franco mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Senyorita ha? Akala mo ba ay hindi ko nahahalata?”

Kasalukuyang umiinom ng tubig si Franco nang bigla siyang komprontahin ni Elmer. Alam naman niyang may alam na ito pero hindi niya akalaing magiging ganoon ito kausyusero.

Tiningnan niya lang ito sa gilid niya habang nagpapaypay gamit ang sumbrerong pangbukid.

“Hindi ba puwede? Akala ko pa naman eh boto ka samin,” sagot niya.

“Naku! Kahit pa crush na crush ko si Senyorita eh magiging boto naman talaga ako sa inyo. Ikaw ang inaalala ko. Paano kung malaman ng mga magulang ni Senyorita ang pagiging malapit ninyo?”

Napalunok siya dahil sa sinabi nito. Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa isiping magiging hadlang ang mga ito sa kaniya, lalo na dahil sa estado ng buhay nila. Trabahador lamang siya ng mga ito, paano nga naman siya magugustuhan ng mga ito para sa kanilang nag-iisang anak?

“Alam mo Franco, hindi naman sa nangengealam ako pero kasi mahirap ang sitwasyon eh. Lalo na at alam nating matataas na tao sila.” Naramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya.

Tama naman ito, pero ngayon pa ba siya panghihinaan ng loob? Handa niyang gawin ang lahat maging karapat-dapat lang para sa dalaga.

Naalala niya bigla ang buhay na tinakasan niya. Kamusta na kaya ang Mama at Papa niya? Matapos niyang takasan ang ama dahil sa pagpaplano nito na ipatapon siya sa ibang bansa upang doon tapusin ang pag-aaral ay lumayas siya sa poder nito. Mas pinili niya ang buhay kasama ang kaniyang Lolo Isko. Hindi niya kasi kayang mapalayo sa matanda dahil ito ang laging tumatanggap at nakakaintindi sa kaniya noon pa man. Ito ang sumbungan niya at takbuhan sa tuwing madilim ang mundo niya. Mahal siya nito, at mas tatay pa niya ito kung ituring. Tatay ito ng kaniyang ina, kinukuha na rin ito ng Mama niya noon pero ayaw nito. Mas gusto nito ang tahimik at simpleng buhay sa probinsya. 24 na siya ngayon, ilan taon na rin siyang wala sa poder ng sarili niyang mga magulang. Disi-otso anyos lamang siya nang lisanin niya ang lugar na iyon at napunta siya sa kung saan-saan. Namuhay siyang mag-isa hanggang sa puntahan niya ang lolo niya at doon niya unang nasilayan si Kamille. Matagal na niya itong nakikita ngunit hindi siya nito kilala, palagi kasi siyang wala sa bahay ng lolo niya at nagmemekaniko siya sa bayan kaya tuwing gabi lang halos ang uwi niya. Hanggang sa pumanaw ang lolo niya at nagpasya siyang pumalit na dito. Aaminin niyang ayaw niya talagang mag-aral kaya niya nagawang tumakas. Maraming eskwelahan na rin ang nagkick-out sa kaniya dahil sa mga kalokohan niya. Nagrebelde kasi siya dahil wala naman pagmamahal sa kaniya ang ama. Ipatatapon siya nito sa America at pagkatapos ay parang wala lang. Hahayaan na lamang siya nito doon at bahala na siya sa buhay niya. Ganoon naman ito, wala itong pakealam kaya nga mas gusto niya palaging umuuwi sa Lolo Isko niya, pero ngayong wala na ito ay sinisikap niyang mabuhay mag-isa. Bukod pa roon ay ang palaging pag-aaway ng kaniyang ama at ina, babaero kasi ang ama niya at malapit na siyang mapundi sa araw araw na pagtatalo ng mga ito. Lumaki siya ng hindi alintana ng mga ito kung paano siya naapektuhan sa lahat ng nakikita niya. Hindi masarap maging mayaman kung walang pagmamahalan sa loob ng isang tahanan.

Hindi maituturing na tahanan ang isang marangyang tirahan kung ang mga taong nandoon ay wala namang pag-ibig.

Napabuga siya ng hangin. Wala na pala si Elmer sa tabi niya at iniwanan na siya nito.

Alas-singko ng hapon nang matanaw niya si Kamille na nagdidilig ng mga halaman, napangiti siya ng masilayan ang dalaga. Kakatapos lamang ng trabaho nila. Nakasimpleng bestidang bulaklakan lamang ito at lalo lamang itong pumuti dahil sa tingkad ng kulay niyon.

Napatingin ito sa direksyon niya at saglit na natigilan. Ang sarap nito pagmasdan dahil napakasimple lang nito. Natutuwa rin siya dahil nakikita niyang hindi ito maarte, sinusubukan nito ang lahat ng trabaho sa hacienda, kaya siguro ganoon na lang ito kamahal ng mga tao roon, at isa na siya doon. Lalo kasi syang humanga rito. Malugod itong makipag-usap sa mga tao. Akala nga niya noong una ay pakawala ito dahil sa nakita niyang pagpunta-punta nito sa mga gimikan. Siyempre ay mayaman ito kung kaya't buong akala niya ay spoiled ito at suplada, pero nagkamali siya. Nakikita niya kung gaano kabusilak ang puso nito pagdating sa mga tao, isa iyon sa pinaka-hinangaan niya sa dalaga.

Lumapit siya at pumitas muna ng isang bulaklak bago iyon inilagay sa tenga nito.

“Huy bakit mo pinitas?” gulat na sabi nito sa kaniya. Tumawa lang siya.

“Ano naman? bagay na bagay sayo.” Ngumiti siya at napansin niya ang pamumula ng pisngi nito.

“Hmm, bolero...” sagot nito.

“Ako dapat ang gumagawa niyan di ba?”

Ang tinutukoy niya ay ang pagdidilig ng mga halaman.

“Ano ka ba? Madali lang naman ito. Isa pa ay nag eenjoy-ako,” sagot nito.

“Bahala ka, kapag ang mga 'yan eh namatay isa lang ang ibig sabihin no'n—”

Hinampas siya nito sa balikat.

“Nakakainis ka ha! Huwag ka nga ganiyan, malamig ang kamay ko pagdating sa mga halaman.” Umirap ito sa kaniya pero hindi mataray ang dating niyon, maamo pa rin ang mukha nito kahit na pinipilit magtaray.

“Talaga? Hmm pahawak nga?” Tumingin siya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Napataas ang isang sulok ng labi niya.

“Franco!” nanlalaki ang mga matang suway nito sa kaniya.

“Sabi ko pahawak ng kamay mo kung malamig,” natatawang bawi niya at humalakhak.

Nanggigigil tuloy siya sa inaakto nito ngayon, para bang ang sarap sarap nitong lambingin kapag ganitong naaasar ito.

“Bakit hindi kapa umuuwi?” bigla ay tanong nito sa kaniya.

“Ayaw mo na ba kong makita?”

Hinarap siya nito at binasa ng tubig.

“Nagtatanong ako ng maayos.”

“Ako rin naman nagtatanong ng maayos.”

Kumunot ang mukha nito na mas lalong nagpatawa sa kaniya.

Muli siyang binasa nito kaya naman inagaw niya ang hose ng tubig at binasa niya rin ang dalaga.

“Franco!” sigaw nito bago siya hinabol dahil sa asar. Tumakbo siya at para silang mga bata na naghahabulan.

Dumilim ang kalangitan at bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingala ito.

“Hahaha! Wrong timing ka magdilig uulan naman pala,” pang-aasar niya lalo rito.


Hindi na sila sumilong at naligo sila sa ulan, parang mga batang nagtatampisaw lamang sila at napangiti na rin si Kamille dahil sa tuwa. Nakikita niyang ini-enjoy nito ang ulan.

Hinawakan niya ang kamay nito at patakbo silang naglakbay palabas ng hacienda. Dumidilim na ang paligid kaya naman wala ng tao sa labas.

“Saan tayo pupunta Franco?” tanong nito sa kaniya.

“Sumama ka na lang,” sagot niya.

“Ang sarap maligo ang lamig ng tubig,” parang batang sabi nito habang hawak-hawak niya ito sa kamay.

Pinahinto siya nito at nagulat na lamang siya ng bigla itong pumasan sa balikat niya saka tumawa.

“Sige na lakad na,”  sabi nito.

Naiiling man ay hinayaan niya lang ito at napangiting naglakad siya habang masaya itong nakasampa sa likod niya. Naririnig niya pa ang mga pag-huni nito na tila ba ibong kumakanta.

Nagugulat ito sa bawat kidlat at kulog at siya naman ay napapatawa dahil sa reaksyon nito.

Huminto sila sa tapat ng munting bahay kubo kung saan siya tumutuloy.

“Dito ako nakatira,” sabi niya bago ito bumaba mula sa likod niya.

Pumasok sila sa loob at kumuha siya ng tuyong tuwalya para sa dalaga.

“Maganda rito,” sabi nito habang nililinga ng tingin ang munting tahanan niya.

“Magpunas ka muna baka magkasakit ka,” sabi niya.

Hinubad niya ang suot na t-shirt pang itaas. Nakatingin lang ito sa kaniya.

“Bakit?”

“Paano ako magbibihis?”

Oo nga pala wala itong damit kaya naman dali niya itong kinuhanan ng t-shirt niya.

“Talikod ka muna,” sabi nito.

Napangisi siya, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila ay nahihiya pa rin pala ito sa kaniya.

“Nakita ko na lahat yan,” aniya

“Franco!” suway nito at muling nangamatis ang pisngi.

“Talaga naman di ba? Ngayon kapa nahiya. Sige na magbihis ka na.”

“Eh tumalikod ka nga muna kasi—”

“Oo na hayan na tatalikod na nga eh...”

Tumalikod siya upang hayaan itong magbihis pero kunwari lang niya iyon. Napatili ito nang biglaan siyang humarap dito. Magka-krus ang dalawang kamay nito sa dibdib.

“Hindi pa ko tapos!” nanlalaki ang mga matang sabi nito sa kaniya.

“Sino ba nagsabi sayong hahayaan kong tapusin mo yan? Mamaya mo na isuot yan.” Umangat ang isang sulok ng labi niya bago ito nilapitan.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon