CHAPTER 07

9.5K 190 4
                                    

Kinabukasan ay maagang nagtungo si Kamille sa rancho upang mamasyal at sumakay sa kaniyang kabayo na pinangalanan niyang Jewel. Na-miss niya ang ganitong gawain. Hindi muna niya inisip si Franco at iwinalang-bahala niya muna ang pagngingitngit ng kalooban niya.

Sa ngayon ay hinihiling niyang sana ay hindi niya muna makita ang binata.

Ang kaniyang kuya Roger na nag-aasikaso sa mga kabayo ang nakita niyang nag iisang tao sa rancho. May munti itong bahay doon at isa rin ito sa katiwala nila.

“Senyorita ano hong ginagawa niyo rito?” nagtatakang tanong nito at agad na sinalubong siya.

Nagulat siguro ito dahil ngayon na lang ulit siya nakapasyal sa rancho. Dati kasi ay halos tatlong beses sa isang linggo siya kung magpunta dito. Hindi kalayuan ang rancho sa kanilang hacienda.

May edad na rin si Roger at mas matanda pa ito kila Mang Nestor.

“Gusto ko lamang pong makasama ngayon si Jewel,” nakangiting sabi niya.

Nakasimpleng puting bestida lamang siya na hanggang tuhod at nakalugay ang kaniyang natural at kulot na buhok.

Napangiti siya habang pinapanood si Roger na pinaliliguan ang mga kabayo. Parang gusto niya ring subukan ang ginagawa nito. Naaaliw siyang makita ang pagpapaligo nito sa mga kabayo.

“Kuya Roger, puwede bang subukan ko rin na paliguan sila?”

Takang tiningnan naman siya ng matanda.

“Naku Senyorita! Marurumihan lamang kayo,” sagot nito.

“Hindi po. Gusto ko lang subukan mukha kasing nakaka-enjoy,” pangungulit niya. Sa huli ay pumayag rin naman ito at ibinigay sa kaniya ang hose.

“Stallion shampoo,” basa niya sa bote kung saan ginagamit iyon para sa mga kabayo.

Nakangiting pinaliguan niya ang dalawang kabayo. Si Jewel ay tapos na daw paliguan kanina pa.

Nag-eenjoy siya kahit na nababasa na siya ng tubig at tumatalsik na sa puting damit niya ang nagpuputik na lupa.

“Ang saya po palang magpaligo ng mga hayop. Parang nag-eenjoy din sila,” manghang sabi niya sa matanda.

“Oo naman Senyorita parang tao lang din sila. May isip, damdamin at pakiramdam rin,” malalim na sabi nito.

Hinubad niya ang suot na tsinelas at parang batang nagyapak na lamang. Tapos na niyang paliguan ang ibang kabayo kaya naman nilapitan niya si Jewel.

“Hello Jewel! Na-miss kita kaya mamasyal tayo,” tila taong kinakausap niya ang kabayo at hinimas-himas pa ang ulo nito.


Hindi alintana ni Kamille ang isang lalaking kanina pa siya pinagmamasdan habang nakasandal sa isang malaking puno.

Si Franco. Nakangiti ito habang pinagmamasdan siyang nagpapaligo ng mga kabayo. Pilit nitong itinatago ang kasiyahan habang tinitingnan ang dalaga pero hindi kayang alisin sa labi nito iyon.

Hanggang sa sumampa ang dalaga sa kabayo na muntikan pang ikalaglag nito ay kulang nalang takbuhin nito ang kinatatayuan ng dalaga.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon