CHAPTER 32

5.3K 112 2
                                    

"Mommy bakit naman hindi ninyo sinabi sa akin agad na ganoon na pala ang nangyari at bumalik na naman si Daddy sa pagca-casino?"

 
Nanlulumong tiningnan ni Kamille ang kaniyang ina habang abala naman ito sa pagyakap at pagyapos sa apo nitong si Mathew.

Bumaling sa kanya ng tingin ang ina at nagsusumamong humingi ulit ng pasensya.

"Anak pasensya ka na, hndi ko rin talaga alam. Hindi ko pinagtatakpan ang Daddy mo ngayon, wala talaga akong kaalam-alam sa nangyaring pagbebenta niya na naman ng mga ari-arian natin. Diyos ko! Nakakahiya kay Edward!" Malungkot itong yumuko.

Nakaramdam siya ng awa sa ina. Hanggang ngayon tila wala man lang itong kapangyarihan para kontrolin ang ama niya. Hindi niya ito masisisi, masyadong makasarili ang Daddy niya at hindi iniisip ang kinabukasan ng pamilya nila. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ito.

"Anak..."

Tinawag siya ng Mommy niya at seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Si Mathew ay tumakbo at naglaro sa itaas. Naging pagkakataon iyon para kausapin siya ng ina.

"Ano po iyon Mommy?" tanong niya.

"Tungkol kay Franco, alam na ba niya?" 

Tila pumait ang panlasa niya dahil sa tanong ng Mommy niya. Nakaramdam na naman siya ng kunsensya sa parteng iyon.

"Anak, hindi ba't may karapatan pa rin siyang malaman ang katotohanan?"

"Mommy naman!" mabilis na agap niya sa sinasabi nito.
 

"Alam mo kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ko sa loob ng ilang taon na pag-abandona sa akin ni Franco, kung may hinanakit man ako sa kaniya at tinago ko ang katotohanan kasalanan niya iyon! Unang-una ay wala siyang karapatang maging ama sa isang buhay na hindi niya man lang nalaman na nabuo dahil sa biglaan niyang pagkawala," sagot niya sa ina.

Ayaw niyang umiyak ngunit nararamdaman na niya ang sakit habang nagsasalita. Basag na rin ang boses niya.

Niyakap siya ng ina at hinagod nito ang likod niya.

"Naiintindihan kita anak pero alam nating walang sikretong hindi nabubunyag."

"Mommy, gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang si Mathew."

"Sa kaniyang totoong ama anak? Kailangan mo nga ba siyang protektahan?"

Bumuntong-hininga siya.

Mahirap pero kakayanin niya, lalo pa ngayon at narito si Franco, masyadong maliit ang mundo ngayon para sa kanilang dalawa. May parte na ito sa kompanya nila at ito pa ngayon ang nagmamay-ari ng lupain nila. Hindi niya alam kung paano niya magagawang kumilos ng tama kung tadhana na rin mismo ang kumikilos para mapalapit ito sa anak niya. Ano bang pagkukulang niya? Ano bang kasalanan niya sa mundo? Bakit kailangan pang magkaroon ng koneksyon ang pamilya nila kay Franco?

"Oo Mommy at sisikapin kong hindi nila malaman ang katotohanang iyon!" mapait na sagot niya.

Sabay silang napatingin sa pintuan ng biglang bumukas iyon at iluwa niyon ang kaniyang ama.

Napangiti ito ng makita siya ngunit hindi niya man lang ito magawang tapunan kahit isang ngiti.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon