CHAPTER 40

5.9K 144 2
                                    

Gabi na at kakatapos lang kausapin ni Kamille si Sonia, ang Yaya ni Mathew. Bumalik ito sa kaniya dahil kailangan nitong tustusan ang pag-aaral ng kapatid. Umalis na ito sa kaniya noon matapos ilibing si Edward, balak sana nitong mangibang-bansa at pinayagan naman na niya ito, ang kaso ay hindi pala natuloy. Muli niya itong tinanggap dahil mabait at malapit talaga ito kay Mathew. Iniwan niya si Mathew at Sonia sa bahay, half-day lang naman palagi ang pasok ni Mathew kaya kayang-kaya pa niyang pagsabayin ang paghatid at sundo dito.

Marami ang kumakain sa bagong bukas na restaurant niya at natutuwa siyang makita iyon. Tila maganda ang simula niya.

Kasalukuyan siyang umiinom ng juice nang matanaw niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki, dire-diretso itong pumasok sa loob ng restaurant.

Hindi siya pwedeng magkamali, si Max iyon.

Naging malikot ang mata nito kaya huli na para makaiwas siya. Nakita na siya nito at agad nilapitan.

"Kamille!" Masaya ang awra ng mukha nito at mas lalo itong gumwapo ngayon. Hindi na ito mukhang patpatin mas lumaki ang katawan nito, siguro ay nag-gym ito.

"M-max? Anong ginagawa mo dito?" wari ay nagtatakang tanong niya.

"Ikaw talaga syempre ano pa eh ’di kakain! I heard about this and found out that you are the owner, so I tried to come here to have dinner, and luckily I found you."

Natawa siya sa sinabi nito.

"Syempre makikita mo talaga ako dito, pagmamay-ari ko kaya ito," biro niya.

"Hahaha yeah sabi ko nga!"

"Anyway thank you, kamusta ka na?" tanong niya sa lalaki.

Pansin niya ang singsing sa kamay nito.

"A father of two!" Itinaas nito iyon bago tumawa, hanggang ngayon ay napakamasayahin pa rin nito.

Mabuting tao si Max at swerte ang pamilya nito, lalo na ang babaeng nakatuluyan nito.

"Wow! naka-dalawa ka na pala agad," sabi niya.

"Syempre kailangan ipalaganap ang magandang lahi." Ngumisi ito.

"Sus! Ang yabang, maupo ka na nga dun!" pagtataboy niya rito.

"P’wede mo ba akong samahan? Just a friendly dinner," sabi nito.

Medyo ikinagulat niya iyon.

"Hmm, don't worry hindi ako papayag na ilibre mo ako baka malugi ka kaagad," pagbibiro pa nito.

"Loko! Talagang hindi ako papayag no! Ang yaman-yaman mo eh." Binuntutan niya ng tawa ang sinabi at pumayag sa nais nito.

 
Naupo sila sa isang bakanteng table, hindi naman siguro masama kung pagbibigyan niya ito, may pinagsamahan naman sila at isa pa'y na-miss niyang makipag-kwentuhan dito.

Umorder muna sila at nakangiti lang si Max habang nakatitig sa mukha niya.

"Ang ganda mo pa rin ha, kamusta ka na Kamille? Nabalitaan ko yung nangyari about kay Edward Lao, pasensya na hindi ako nakapunta sa burol niya galing pa ako sa Davao for bussiness transaction, kakauwi ko lang kahapon," paliwanag nito.

"Sa totoo lang masakit pa rin, pero hindi ako p’wedeng magmukmok lang sa isang sulok at umiyak ng umiyak, may anak kami at kailangan niya ako," sagot niya.

"Well, you really shouldn't just sulk. Keep fighting in life; surely God has a good plan for why this happened."

"Salamat Max, ikaw? Mukhang masayang-masaya ang buhay mo ngayon ha?"

 
"Oo masaya, pero nasa Batanes naman sila kaya madalang kami magkasama, ayaw ng wife ko dito sa Manila magulo raw."

"Naku ganoon? Eh bakit kasi hindi na lang kayo mag-bussiness doon? Masyado ka kasing nagpapayaman dito eh," biro niya ngumiti lamang ito.

"Soon Kamille," sagot nito.

Nang ilapag ang order nila ay sinimulan na nilang kumain, abot naman ang puri ni Max dahil sa sarap ng pagkain. Sinabi niyang dahil iyon sa Yaya Dahlia niya at namana niya na rin ang pagluluto nito.

Habang masaya silang kumakain at nagkkwentuhan ay hindi nila namalayam ang mga matang kanina pa mainit na nagmamasid sa kanila.

*****

Kung pwede lang na wag na lang tumuloy ay kanina pa sana umatras si Franco, pero isang bahagi ng pagkatao niya ang nagpipilit at parang mas gusto pang saktan ang sarili niya. 

Si Kamille, mayroon itong kasamang lalaki at kitang-kita niya kung gaano ito kasaya makipag-usap. Sino kaya ang mokong na iyon?
Kamamatay lang ni Edward mayroon na bang bagong dini-date si Kamille? Damn!

Ano pa ba nga bang tawag sa ginagawa ng mga ito ngayon? Hindi ba date itong nakikita ng mga mata niya?

Magkasama ang mga ito na kumakain at masayang nagku-kwentuhan. Parang tinatarakan ng libu-libong patalim ang dibdib niya. Gusto niyang sugudin yung lalaki at pagsusuntukin sa mukha pero malinaw pa ang isip niya at hindi niya iyon pwedeng gawin. Wala naman siyang karapatan.

Naiinis siya at gusto niyang magwala dahil sa nakikita. Bakit ba niya nararamdaman ang ganito?

Maybe he's fucking jealous!

He can't stand seeing Kamille with another guy right now.
 
Kahit kontrolin niya ang sarili ay hindi kayang itago ang katotohanan na hanggang ngayon mahal niya pa rin ito, at nagsisimula na siyang kainin ng pagmamahal dahil nagseselos siya. Oo tang*na nagseselos siya!

Wala siyang karapatan, pero hanggat may nararamdaman ka hindi mo ito kayang pigilan.

Sinimulan niyang kumain pero tila hindi naman niya malasahan iyon, nakatingin pa rin siya sa pwesto ng mga ito at alam niyang hindi siya mapapansin ng mga ito dahil medyo natatabingan siya ng ibang customer.

Ilang beses niyang tinangka na lumapit sa mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Baka mapahiya lang siya, sino ba siya sa buhay ni Kamille ngayon? He's not even her boyfriend.

EX.

Isang nakaraan.

Iyon lang ang maitatawag sa kaniya at masakit kung tuluyan niya na lang tatanggapin na iyon lang siya at hanggang doon na lang siya.

Pero hindi, lalaban siya. Ipaglalaban niya ang pag-ibig para kay Kamille. Mula noon hanggang ngayon ay wala siyang ibang babaeng minahal kundi si Kamille lang. Sa ilang taon na nagdaan, walang pumantay sa pagmamahal na hanggang ngayon ay Kamille niya pa rin patuloy na nararamdaman. Ito lang ang nakakapagparamdam sa kaniya ng pagmamahal na iyon kahit pa sobra ang naging sakit sa kaniya ng mga nangyari noon.

Noong una ay nag-aalangan  siya dahil sa kailan lang na pagkawala ni Edward, pero ngayong nakikita niya na mayroon ng pumoporma kay Kamille ay hindi siya papayag! Although alam niyang marami talaga ang magtatangka dahil sa kagandahan ni Kamille, lalo na at balitadong wala na itong asawa, malamang talaga na pormahan si Kamille ng mga kilalang bussinessman. Hindi niya yata hahayaan na mangyari iyon. Ngayon pa ba siya susuko? Dapat nga ngayon siya lumaban. Wala na si Edward hindi ba't mas dapat na mayroong mag-alaga sa mag-ina nito?

Sa ngayon ay hahayaan niya muna si Kamille at ang lalaking kausap nito, tumayo na siya sa table at nag-iwan ng tip sa lamesa.

Lumabas siya nang hindi napapansin ng mga ito at mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon