CHAPTER 26

5.5K 107 0
                                    

"Mathew come here!" tawag ni Kamille sa kanilang anak na kasalukuyang naglalaro sa malawak na garden ng Hacienda Monreal.
 
"Mommy anong oras uuwi si Daddy?" tanong ng bata at lumapit sa kanya.
 
"Kakahatid lang natin kay Daddy kanina hindi ba? Mamaya pang 6PM ang uwi niya 'di ba alam mo naman na kailangan niyang mag work?" Pinunasan niya ang namuong pawis sa noo ng anak.
 
"But I want to play with Daddy!" Ngumuso ang bata na tila ba biglang nalungkot
 
Bumuntong-hininga siya at kinalong si Mathew.
 
"Sunday is family day right? Makakapaglaro na kayo ni Daddy sa Sunday at makakasama rin natin siya bukas dahil birthday mo na!" nakangiting sabi niya.
 
Biglang umaliwalas ang mukha ng bata dahil sa sinabi niya.
 
"Yehey!"
 
Tumalon-talon ito sa tuwa at nakangiting pinagmasdan niya ito habang masiglang tumatakbo  sa malawak na garden.
 
Ang bilis ng panahon.
 
Mag-aapat na taon na si Mathew parang kailan lang nang isilang niya ito.
 
Hindi biro ang mga pinagdaanan niya noon sa pagdadalang tao. Naging maselan kasi ang pagbubuntis niya. Sobrang hirap pa niyang maglihi dahil ang hinahanap niya ay yung mga wala o yung mga prutas na hindi naman nakapanahon.
 
Naalala niya nang isugod siya sa ospital at walang-wala sila, hindi niya alam kung paano sila makakalabas doon, maging mga ari-arian nila ay tuluyan na ring nawala sa kanila. Pero isang tao ang dumalaw sa kanya at nagpakilala ito sa mga nurse bilang ama ni Mathew, sinagot din nito lahat ng mga hospital bills, sa ilang panahon na nagtiyaga ito sa kanya aaminin niyang napamahal na rin siya kay Edward. Lalo na sa mga pinapakita nitong kabutihan, kailanman ay hindi nito itinuring na iba si Mathew. Tinanggap niya ito bilang isang tunay na anak kaya naman ganoon na lang ito kamahal ng bata.
 
Sa tatlong taon na tila naging hangin si Franco ay si Edward ang naging sandalan niya. Hindi sila nito pinabayaan. Kaya naman ganoon na lang ang sakit ng loob niya kay Franco, iniwan na lang siya nito ng basta basta at sinabing may nobya na ito sa Maynila. Pakiramdam niya'y napakatanga niya at hinayaan niya pa ang sariling mahalin ito noon ng lubos. Nagsisisi siya sa mga nangyari kung paano siya nagpadala sa pagmamahal na wala naman palang magandang idudulot. Ganoon pa man, isang biyaya ang ibinigay sa kanya ni Franco at iyon ang kailanman na hindi niya pagsisisihan, si Mathew. Ito ang naging lakas niya sa lahat ng bagay, ito ang naging inspirasyon niya para ituloy muli ang buhay, ito ang dahilan kaya nagagawa niyang maging matatag.
 
"Mommy si Daddy!"
 
Tumatakbo si Mathew sa kanya habang nakangiti, itinuturo nito ang malaking gate kung saan papasok ang sasakyan ng kanyang asawa.
 
Ala-una pa lang ng tanghali bakit nandito na si Edward?
 
"Hon ang aga mo," puna niya sa asawa nang makababa na ito sa sasakyan.
 
Kinarga nito si Mathew at humalik ito sa pisngi niya nang makalapit ito.
 
"Kinausap ko lang naman ang investor natin, wala naman akong masyadong trabaho sa opisina. Isa pa, bukas ay birthday na ni Mathew, tutulungan kitang mag-prepare," sagot nito.
 
Ngumiti siya dito, napakaswerte pa rin niya sa lalaki at napakabuti nitong ama kay Mathew.
 
"Ipaghahanda muna kita ng tanghalian," sabi niya at tumalikod sa asawa upang tunguin ang loob ng malaking bahay.
 
"Tamang tama gutom na ko, sige," nakangiting sabi nito at kinausap si Mathew.
 
"Anong gusto mong gift sayo ni Daddy ha?" tanong nito sa bata at bahagya pa itong kinakaladya.
 
Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng bata.
 
"I want robot!" sagot naman ni Mathew.
 
"Robot? Hindi ba ang dami mo ng robot?" Napangisi si Edward sa anak.
 
"Daddy gusto ko yung mas malaki pa sakin!"
 
Napalaki naman ang mata ni Edward sa sinabi nito.
 
"Sure baby basta para sayo bibilhin iyon ni Daddy!" 
 
"Yehey!"
 
"Naku masyado mo naman ini-ispoiled ang bata," sabat niya sa usapan ng mag-ama.
 
"Hon kaligayahan ko ang mapasaya si Mathew," sagot naman nito
 
Ngumiti lang siya at inanyayahan na ito sa loob upang kumain.
 
*****
 
Alas-otso na ng gabi nang matapos si Kamille sa pag-aayos ng mga souvenirs para sa kaarawan ni Mathew bukas.
 
Naupo siya sa kama at saglit na bumuntong-hininga.
 
Naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Edward sa balikat niya.
 
"Hon not now..." bulong niya at nilingon ito.
 
"I miss you..." Nagsusumamo ang mga mata nito at hinawakan ang pisngi niya.
 
Marahan nitong hinalikan ang labi niya, saglit na tumugon siya sa asawa ngunit batid niya sa sariling hindi niya ito mapapaligaya dahil ramdam niya ang pagod ngayong araw.
 
"Magpahinga na tayo maaga pa tayo bukas," sabi niya sa asawa.
 
Kita niya ang pagkadismaya sa mukha nito pero niyakap na lamang siya at hinalikan sa pisngi.
 
"I love you!" mahinang bulong ni Edward sa kanya.
 
Ipinikit na niya ang mga mata.
 
"Goodnight hon," tanging nasabi niya.
 
Matagal na rin sila ni Edward ngunit ni minsan ay hindi niya pa nabigkas ang mga salitang iyon sa asawa, ayaw niyang dayain ang sarili at ayaw niyang lokohin ang lalaki. Oo nagpakasal sila pero dahil iyon sa kapakanan ni Mathew, masyado na siyang nagiging unfair ngunit alam niyang dadating din ang araw na mamahalin niya ito ng buong puso at wala ng pag-aalinlangan. Hindi mahirap mahalin ang isang kagaya ni Edward, lalo pa ngayon na nakikita niya kung gaano ito kabuting haligi ng tahanan. Maibibigay din niya ang pagmamahal para sa lalaki, konting panahon lang siguro ang kailangan niya upang mas maging maayos ang lahat. 
 
Wala itong ginawang hindi nakapag-pabuti sa kanilang mag-ina. Minsan ay naaawa na rin siya sa asawa dahil sa kabila ng kabutihan nito, ang mga magulang naman nito ang problema kaparehas ng mga magulang niya. Nakabukod na sila at paminsan-minsan ay dumadalaw na lang ang mga ito sa kanila, ang magulang ni Edward ay katulad din ng Daddy niya na nalulong sa casino, mabuti na lamang at maraming pinagkukunan ang mga ito, nagagalit ang asawa niya sa bisyo ng mga ito ngunit wala din naman magawa. Tutal naman daw ay may edad na ang mga ito kaya't ibinibigay na lang ang hilig, aminado siya na minsan ay nag-aalala din siya dahil sa hindi magandang bisyo ng mga ito pero hinahayaan na lang niya si Edward, alam naman nito ang ginagawa at siguro nama'y hindi nito hahayaang masadlak sila sa lupa tulad ng nangyari sa mga magulang niya na ngayon ay bahagyang nagtanda na, ngunit batid niyang paminsan-minsan ay nagcacasino pa rin ang mga ito. Binalik na nga sa kanila ng mga Lao ang lahat ng lupain na nawala sa kanila noon kaya matinding pangaral ang ginawa niya sa Daddy niya upang magtanda na, sana naman ay naging aral na sa mga ito ang nangyari.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon