CHAPTER 51

5.1K 32 1
                                    

Bumaba si Kamille sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kaniyang Mommy at Daddy, kasama niya si Franco at kinausap siya nito na ano man ang mangyari ay wag na wag siyang magtatanim ng galit sa ama niya. Napakabuti nito, kahit pa ito ang mas sobrang naapektuhan dahil sa mga ginawa ng Daddy niya ay ito pa rin ang umiintindi at nagpapakalawak ng isip ngayon.

"Halika na."

Ito pa ang humila sa kamay niya papasok sa loob.

Doon ay naabutan niya ang Mommy at Daddy niya, gulat na gulat siya dahil naroon din ang mga magulang ni Edward.

Anong ginagawa ng mga ito dito?

Parang may pinag-uusapan ang mga ito. Nakaramdam siya ng kaunting kaba pero minabuti na rin niyang tumuloy.

"K-Kamille?" gulat na sabi ng Mommy niya at napatayo pa ito sa kinauupuan pagkakita sa kaniya. Nasa kaniya ang atensyon ng mga ito ngayon.

Tinapunan siya ng tingin ng Daddy niya, hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Ganoon din ang mga magulang ni Edward.

"A-ano pong ginagawa niyo dito Mommy?" tanong niya sa isa pang ginang.

Malungkot na ngumiti ito matapos silang balingan ng tingin ni Franco.

"Hija, alam ko na ang totoo," sabi nito.

"H-ho?" Naguguluhan siya sa sinasabi nito.

"Alam ko na ang totoo na siya ang totoong ama ni Mathew."

Tumingin ito kay Franco, wala naman siyang mabasang ano mang galit sa mukha nito.

"Hija, hindi ako nagagalit, nandito ako upang ipaalam sayo na ang Mommy at Daddy mo ang nagsabi sa akin ng lahat. Tanggap ko na magkaroon ulit ng ama si Mathew lalo na kung totoong kadugo niya pa. Hindi ko man tunay na kadugo si Mathew ay mahal na mahal ko siya at itinuring ko siyang isang tunay na apo. Sana'y wag mong ipagkait sa amin si Mathew kahit magkaroon ka na ng bagong pamilya. Ibinibigay namin ang aming basbas sa iyo. Alam ko na gusto rin ni Edward na maging masaya ka, alam ko na rin ang totoong nangyari. Sinabi sa akin ng Mommy at Daddy mo ang lahat-lahat. Patawarin mo sila Kamille. Nagkamali man sila ay handa silang bumawi sa iyo. Anak ka nila at mahal ka nila," mahabang litanya nito. Punong-puno ng lambing ang boses nito. Malambing talaga ang boses ng ina ni Edward, malumanay ito palaging magsalita at parang hindi marunong magalit.

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, ngunit alam niyang luha iyon ng kaligayahan. Napakagaan ng loob niya sa mga sinabi nito. Nag-uumapaw ang kaligayahan at kapanatagan sa dibdib niya. Ang huling namalayan niya ay si Franco at ang kanyang ama na umiiyak. Humihingi ito ng tawad kay Franco at nagsisisi. Nakayuko ito habang ang isang kamay ay nakatakip sa mukha, tila ba nagising na ito sa mga kamaliang nagawa noon. 

Kitang-kita niya kung paano ito tinanggap ni Franco at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Pinahid ni Franco ang sariling pisngi dahil mayroon ding kumawalang luha doon. Hindi na kailangan pang magsalita ni Franco dahil malinaw na napatawad na nito ang kanyang ama. Napakabuting tao ni Franco kaya mas lalo siyang humahanga dito.

Napangiti na rin siya kahit hilam sa luha ang mga mata. Alam niyang luha ng kaligayahan iyon at masaya siya sa nasaksihan ng mga mata niya. Niyakap niya ang Mommy at Daddy ni Edward bago nagpaalam ang mga ito sa kanila. At sa huli, ang kanyang ina na kanina pa rin naluluha ang sinalubong niya ng sobrang higpit na yakap. Mahal na mahal niya ang Mommy niya at kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit dito kahit dumadating sa punto na sumasama ang loob niya.

"Salamat Mommy salamat!" umiiyak na sabi niya sa balikat nito. Sunod-sunod ang pag-agos ng masaganang luha sa mga mata niya habang nakayakap siya sa kanyang ina.

Alam pala nito na nagkamabutihan ulit sila ni Franco at sa huling pagkakataon ay bumawi ang mga ito. Alam ng Mommy niya na mangangamba siya pagdating sa mga magulang ni Edward kaya ito ang gumawa ng paraan para makausap ang mga ito, kahit man lang sa ganoong paraan ay makabawi ang mga ito sa kankya. Mabait ang mga magulang ni Edward kaya hindi naging mahirap para sa mga ito ang mapaliwanagan. Sobra siyang nagpapasalamat sa Mommy niya, at least naging sunud-sunuran man ito sa ama niya noon ay nagawa nitong bumawi dahil mahal siya nito.

Nilingon niya ang kanyang ama at naroon ang luha sa mata nito. Parang mas lalong tumanda ang itsura ng Daddy niya ngayon. Ilang saglit na tila natigilan sila sa isa't-isa bago siya sumuko sa mga bisig nito at yumakap. Kumawala muli ang kanyang mga luha. Nanginginig ang katawan ng Daddy niya at ramdam niya iyon.

"Patawarin mo ako anak sa lahat ng kasalanan ko sayo, patawarin mo ang Daddy pangako ko na gagawin ko ang lahat para makabawi sa inyo!" Hinawakan niya ang mukha ng Daddy niya at pinahid niya ang luha sa mga mata nito. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"Huwag mo ng isipin iyon Daddy, mahal na mahal ko kayo ni Mommy at napatawad na kita."

Muli itong yumakap sa kanya at mas mahigpit iyon habang hinahagod nito ang buhok niya. Na-miss niya ang Daddy niya, matagal din na naging mailap sila sa isa't isa dahil sa mga nangyari. Nawala ang bonding nila at aaminin niyang nangulila siya rito.

"Salamat anak salamat!" kahit basag ang boses nito ay pinilit rin nitong ngumiti sa kaniya.

Nilingon niya si Franco sa gilid niya at napakatamis ng ngiti nito habang pinagmamasdan silang mag-ama. Nag thumbs-up pa ito kaya ginantihan niya ito ng ngiti.

Nagdesisyon sila ni Franco na huwag munang umuwi at sa bahay ng mga magulang niya sila matutulog. Masayang-masaya naman si Mathew dahil na-miss nito ang Lolo at Lola nito. Gusto niyang magkasama-sama muna sila ngayon sa bahay ng mga magulang niya. Napakasaya niya at walang mapagsidlan ang kaligayahan sa puso niya. 

"Mommy may bakanteng kwarto pa naman ho sa itaas hindi ba?" tanong niya sa Mommy niya.

"Oo anak doon ay p’wede kayong matulog. Mas mabuti na dito muna kayo para naman makasama namin si Mathew," sagot ng Mommy niya.

"Wala na ho talagang problema sa inyo?" biro niya sa Mommy niya habang nakangiti.

"Bakit naman magkakaproblema samin eh siya naman ang tunay na ama ni Mathew." Lumingon ang Mommy niya sa Daddy niya at tumango naman ang ama niya.

"Sige na anak, gamitin niyo na ang kwarto doon at dagdagan niyo na rin ang apo namin." Tumawa ang Daddy niya at nakita niyang medyo nahiya si Franco. Siniko niya ito sa tagliran.

"W-why?" nangingiting tanong nito.

"Okay lang sayo na dito muna tayo matulog ngayong araw?"

"Yeah, gusto ko 'yon, hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Kamille." Hinawakan ni Franco ang pisngi niya. Tumalikod na ang Mommy at Daddy niya. Iniwanan na sila nito.

"Mommy maglalaro muna kami ni Lolo please?" Kinalabit siya ni Mathew kaya napatingin sila ni Franco dito.

"Sure baby sige maglaro kayo ni Lolo basta huwag ka lang masyadong magpapagod," paalala niya sa anak.

"Yes mommy!" Mabilis na itong nagtatakbo at naiwan sila ni Franco. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya.

"I love you mahal ko."

"I love you too mahal ko," nakangiting sagot niya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon