CHAPTER 16

6.2K 120 0
                                    

Mahimbing pa rin ang tulog ni Franco sa tabi niya kaya naman nang magising siya sa pagtilaok ng manok ay dali siyang nag-unat.

Minabuti rin niyang magluto ng agahan para sa kanilang dalawa. Nagsangag siya ng kanin at nag-prito ng itlog.

Ang bestidang suot suot niya kahapon ay lalabhan niya mamaya at patutuyuin sa hangin, mukhang sisikat na rin naman ang araw. Kailangan ay matuyo iyon agad upang makauwi siya. Hindi naman siya pwedeng umuwi nang damit ni Franco ang suot-suot niya. Magtataka ang Yaya Hilda niya at siguradong pag-uusapan sila ng mga tao sa hacienda.

“Ay itlog na nabasag!”

Gulat na gulat siya sa biglaang pagyakap ni Franco mula sa likuran niya. Inaamoy amoy siya nito na tila ba siya isang baby.

“Hindi naman basag ang itlog ko ah?” nakangising sabi nito kaya naman mahina niya itong siniko. Tumawa lamang ito.

“Ang galing-galing naman magluto ng Kamille ko. P’wedeng pwede na,” tudyo nito sa kaniya at inilagay ang mukha sa gilid ng leeg niya habang pinapanood siya nito sa kaniyang ginagawa.

“Pwede ng ano?” tanong niya.

“Puwede ng mag asawa,” sagot naman nito.

Ilang minuto rin sila na nasa ganoong posisyon at hinihiling niya na sana ay wag ng lumakad ang oras. Gustong-gusto niya ang mga bisig nitong palaging yumayakap sa kaniya.

“Ikaw talaga! kumain na tayo,” sabi niya at humarap dito.

Nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.

“Iba yata ang gusto kong kainin...”

Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya at nagpatuloy sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Hayan na naman ito sa mga ganoong panunukso.

“Franco!” mabilis na suway niya habang pinandidilatan ito ng mga mata. Alam niya ang ipinapahiwatig ng bawat hagod ng tingin nito sa kaniya.

Inilayo niya ang katawan sa binata pero mabilis din siyang hinapit nito sa baywang.

Napasinghap siya ng muling maramdaman ang namumukol sa binata.

Bakit ba parang palagi na lang itong susugod sa gyera? Hindi yata ito nakakaramdam ng panlalambot man lang.

Napapikit siya ng sadyain ni Franco na idikit iyon sa kaniya, hinalikan siya nito sa labi at isinampa siya sa lamesa habang ang baywang nito ay nakakulong sa mga hita niya ngayon.

Malalim ang bawat halik nito, at nanghihina siya dahil hindi niya kayang pigilan ang damdamin sa bawat panunukso ng labi nito.

Ikinawit niya ang mga kamay sa batok ng binata at tinugon ng mas maalab ang halik nito, matagal malalim at mapusok. Hinding-hindi siya magsasawa sa labing iyon na nagdadala sa kaniya sa rurok ng kaligayahan.

Nagsimulang maglikot ang mga kamay ni Franco at ramdam niya ang paglalaro nito sa ilalim niya.

Napahigpit ang kapit niya sa batok ng binata.

Wala siyang pang-ibabang saplot dahil t-shirt na mahaba lamang nito ang suot niya. Mahaba dahil malaking tao si Franco at maluwag iyon sa kaniya.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon