CHAPTER 22

5.6K 99 2
                                    

Alas kwatro pa lamang ng umaga, nakaimpake na si Franco upang lumuwas sa Maynila. Kailangan na niyang harapin ang mundo, lalo na kung para ito sa mga taong mahal niya.

Nag-iwan siya ng sulat kay Elmer para kay Kamille. Biglaan ang pag-alis niya dahil tumawag ang kanyang ina at binalitang inatake ang Papa niya sa puso. Hindi maganda ang kalagayan nito kaya pinipilit siyang umuwi ng Mama niya. Halos magmakaawa ito, at nababasag ang puso ni Franco kapag naririnig ang iyak nito.

Malaki ang galit niya sa ama, ngunit hindi maitatanggi ang katotohanan na kahit baliktarin pa ang mundo, mananatili itong tatay niya.

Naglakad siya patungo sa abangan ng mga sasakyan paluwas ng Maynila.

Kalahating oras din siyang naghintay bago masakay.

Habang lulan siya ng bus, hindi niya maiwasang isipin si Kamille. Naaawa siya sa dalaga at masakit sa kanya ang lumayo rito, lalo't hindi pa maayos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Mahal na mahal niya ito, nirerespeto ang Daddy ni Kamille, kahit matindi ang galit nito sa kanya.

Kung ang inaakala ng ama ni Kamille na ang pagiging salat niya sa yaman ang dahilan kaya ayaw nito sa kanya para kay Kamille, gagawin niya ang lahat at haharapin ang mundong para talaga sa kanya, na matagal na niyang tinatakbuhan. Bilang isang ESQUIVEL, haharapin niya lahat ng hamon para kay Kamille.

Bumuntong-hininga siya at tumanaw sa bintana.

Itutuloy niya ang pag-aaral at susulat siya para kay Kamille. Ilang taon lang naman iyon, para rin sa kanilang dalawa ang gagawin niyang desisyon.

Ganoon pala talaga kapag may isang taong mahalaga sa iyo, handa mong harapin ang mundo at balikan ang lahat, kahit pa mapapait na pangyayari sa buhay mo. Para kay Kamille, ang gagawin niya. Para maging karapat-dapat siya sa dalaga.

Nang makarating siya sa kanilang bahay, kinalabit niya ang guwardya na mahimbing na natutulog sa labas ng kanilang malaking gate.

Pupungas-pungas itong nagmulat ng mga mata.

Wala pa rin itong pinagbago. Tulugin pa rin talaga ang guwardya nilang si Oman.

"Nakailang panaginip ka na?" biro niya sa may hindi katandaang lalaki.

Gulat ang rumesitra sa mukha nito nang makita siya. Matagal din siyang nawala, kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito sa kanya.

"Sir Franco? Sir Franco ikaw nga!" masiglang sabi nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Natawa siya sa reaksyon nito dahil para itong nakakita ng multo.

"Nandyan ba si Manang Rona?" tanong niya, at tinutukoy ang isa sa mga katulong nila.

"Naku, Sir, nandyan po silang lahat!" sagot naman nito.

Pito ang katulong nila sa mansion, at kanya-kanya silang mga gawain.

"Sige, pasok na ako. Kukunin ko lang ang susi ng sasakyan sa loob." Tinapik niya ang balikat ng guwardya bago tuluyang pumasok sa loob.

Ganoon din ang reaksyon ng mga katulong nila nang makita siya, at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat.

"Sir Franco, bumalik ka na!" sabi ni Manang Rona.

"Manang, nasaan ho ang susi ng mga sasakyan?" tanong niya sa matanda, na siyang tagatago ng mga susi nila.

Noong mga panahon na iyon, hindi siya hinahayaang magmaneho nito kapag nakainom siya. Parang nanay pa nga ito sa kanya. Sobra itong mag-alala sa kanya.

"Manang, hindi ho ako nakainom, kaya ibigay n'yo na sa akin," biro niya.

Tila nais pa nitong mag-usisa sa kanya, ngunit batid nito na nagmamadali siya dahil kailangan na niyang pumunta sa ospital. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga katulong nila.

"Sir Franco, mag-iingat po kayo at ikamusta n'yo na lang po kami kay Sir Philip," sabay tingin kay Manang Rona.

Papa niya ang tinutukoy nito. Marahan siyang tumango sa matanda at nagpaalam na.

Mabilis siyang pumunta sa kanilang malawak na garahe at kinuha ang isa sa mga sasakyan na naroroon. Agad niyang pinaharurot ito papunta sa nasabing ospital ng kanyang ina.

Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba sa isipan na nag-aagaw-buhay na ang Papa niya. Naroon pa rin ang kirot dahil dugo pa rin nito ang nananalaytay sa kanya kahit na maraming mapait na karanasan ang dinanas niya sa kamay nito.

Humahangos na niyakap niya ang kanyang ina matapos siyang salubungin nito. Umiiyak ito at namumugto na ang mga mata.

"Ma, ano nangyari? Kamusta si Papa?" tanong niya.

Nagpunas muna ito ng luha gamit ang likod ng palad bago ito sumagot.

"He's in coma, at maliit na ang tyansang mabuhay pa siya. Tinapat na ako ng doktor, anak," muli itong humagulgol.

Napapikit na lamang siya ng mariin, kasabay ng paghagod niya sa likod ng kanyang Mama.

Sinilip niya ang ama sa loob ng kwarto nito. Dumaloy ang kirot sa dibdib niya nang makita ang maraming aparato na nakalagay sa katawan nito upang mabuhay.

Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata, na mabilis niyang pinalis upang hindi makita ng Mama niya.

Gumalaw ang panga niya, ang kanyang puso'y nasasaktan nang makita ang kanyang ama na naghihirap sa sakit. Kitang-kita niya ang hirap sa mukha nito.

Noon, halos itakwil na niya ito, pero hindi siya kasing tigas ng bato para hindi maramdaman ang nararamdaman niya ngayon. He still cares, ama pa rin niya ito.

Maaaring masalimuot ang buhay, ngunit ang lahat ng nilalang sa mundo ay may pagmamahal. Kahit pa ang mga taong sobrang nasaktan na, nananatili pa ring nagmamahal, at hindi sila masisisi roon. Kahanga-hanga sila dahil matapang silang harapin ang lahat para sa kanilang mga minamahal, kahit na hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa dulo. Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal, kahit itago at pilitin ang sariling hindi na dapat, walang magagawa sa bugso ng damdamin.

Niyakap niya ang ina.

"Shhh, everything will be fine, Ma. Stop crying," alo niya sa Ginang.

Sunod-sunod ang paghikbi nito. Hindi niya dapat ipakita sa Mama niya na mahina siya. Sino pa ang magpapalakas sa loob nito kung pati siya'y panghihinaan din?

Kahit ano pa ang nagawa ng Papa niya sa kanyang ina, alam niyang patuloy pa rin itong minamahal ng Mama niya. He can't blame her. Yes, he can see the pain in her eyes, but he could also feel the love in her heart. Palagi nitong iniisip ang ama niya, at masasabi niyang napakaswerte ng Papa niya rito. Punong-puno pa rin ito ng pag-asa, at nababasa niya iyon sa mga mata nito, na kahit ganoon ang mga nangyari, umaasa pa din ito na magiging maayos ang lahat para sa kanilang pamilya. Again, he felt guilty for leaving his mom alone. Nag-iisa itong lumalaban para sa kanila. Sana ay sinamahan niya ito at dinamayan. Sana nagpakatatag siya, sana hindi siya naging duwag. Sana, pagmamahal pa rin ang sinukli niya sa kanyang ama, at inayos niya ang pamilya nila.

"I'm sorry, Ma!" halos mabasag ang boses niya nang yakapin niya ang kanyang ina at halikan ang ulo nito.

Tumingala siya sa itaas, at sa unang pagkakataon, he prayed for his father. He prayed for his recovery.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon