CHAPTER 63

550 8 1
                                    

FINAL CHAPTER

-

Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa munisipyo ni Franco. Ang mga magulang niya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya siya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na niya ang apelyido nito at magiging may bahay na siya nito.

"Mahal are you okay?" untag sa kaniya ni Franco at hinawakan nito ang kamay niya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito ang polong binili niya noong nasa mall sila. Ang gwapo ng anak nila at bagay na bagay dito ang damit.

"Yes I'm okay Mahal ko," nakangiting sagot niya kay Franco.

"Hindi na ko makapaghintay na maikasal tayo." Ngumiti rin si Franco sa kaniya. Halatang excited ito.

"Ako ang magiging pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa oras na maikasal na tayo," dagdag pa nito at pinisil ang kamay niya.

"Ako rin mahal ko, masayang-masaya ako ngayon." Walang patid ang matatamis na ngitian nila ni Franco hanggang sa huminto na ang sasakyan nila sa munisipyo.

Maingat siyang bumaba mula sa sasakyan. Binuhat ni Franco ang anak nila at huminto na din ang sasakyan na nakasunod din sa kanila kanina. Sasakyan iyon ng Mommy at Daddy niya. Nakasunod din dito ang isa pang sasakyan at sa Mama naman iyon ni Franco.

"Halika na kayo," anang Mommy niya at sinundan na nila ito papasok sa loob.

Dumiretso sila sa silid ng mga ikinakasal.

"Good morning po!" bati sa kanila ng isang lalaki na may dalang camera. Kaagad na kinabig ni Franco ang baywang niya nang ngumiti sa kaniya ang lalaki. Kunot ang noo ni Franco habang nakatingin sa lalaki.

"Anong problema mahal?" tanong niya kay Franco.

"Kung makatingin sayo eh," anito sa inis na tinig. Sumulyap pa ito ulit sa lalaki pero hinila na niya si Franco. Nagseselos ba ito sa lalaki? Napailing na lang siya kay Franco, nakuha pa talaga nitong magselos ngayon.

"Hintayin lang po natin si Mayora," anang babae na nasa loob ng silid. Hindi niya alam kung sino ito pero malamang na tauhan lang din ito sa munisipyo.

Ngumiti siya sa babae. Halos limang minuto lang sila naghintay sa mayor na magkakasal sa kanila.

"Good morning!" nakangiting bati ni Mayor Sally sa kanila.

"Good morning po." nakangiting sagot niya.

Pumuwesto na agad ito sa harap at tumayo naman sila ni Franco kaharap nito.

Sa gilid nila ay ang mga magulang nila.

Sandali lamang ang naging seremonya, ang hininging payo lang sa mga magulang nila ang bahagyang nagpatagal.

Walang mapagsidlan ang kaligayahan ni Franco nang lumabas sila at tapos ng ikasal.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon