CHAPTER 29

5.7K 110 0
                                    

Kahit bahagya pang masakit ang ulo ni Franco dala ng hang over kagabi ay pinilit niya pa rin na pumasok sa opisina.
 
Hindi naman lingid sa lahat na ilap sa kaniya ang mga tauhan ng kompanya dahil isa raw siyang MASAMANG TAO.
 
Kaya kapag dadaan na siya ay halos mag una-unahan nang umiwas ang mga ito wag lamang siyang makatagpo. Well hindi naman lahat ay ganoon, may mangilan ngilan pa rin namang malakas ang loob na kausapin siya ng normal.
 
Masama ba siyang tao dahil nagpatalsik siya ng dalawamputlimang tauhan dahil sa katamaran ng mga ito at walang disiplina?
 
Masama ba siyang tao dahil pinatanggal niya ang guwardiya sa kadahilanang hindi nito pinapasok ang dalawang pulubi na kinausap niyang pumasok sa loob ng building para bigyan ng tulong?
 
Ang nangyari tinulak-tulak pa nito at itinaboy.
 
Masama ba siyang tao dahil sinibak niya ang driver niyang nambastos at pumito sa isang dalagang tumatawid?
 
Kung pagiging masama yun ay tatanggapin niya na lang na masamang tao nga siya.
 
Ayaw niyang maging abusado at hindi disiplinado ang bawat tao sa kanilang trabaho.
 
Ganoon talaga siya, kahit husgahan pa siya ng maraming tao ipaglalaban niya kung ano ang sa tingin niya ay tama.
 
"Ang aga namang lukot ng noo mo?" puna sa kanya ni Yael.
 
Bumuntong-hininga lang siya.
 
Naupo siya sa swivel chair at sinariwa sa isip ang nangyari kahapon.
 
Nalasing siya pero malinaw pa rin sa kaniya ang nangyari.
 
Kung paano sila nagkasagutan ni Kamille at kung paano niya ito kinausap. 
Mahirap para sa kanya iyon dahil hindi magaan sa loob niya na ganunin ito, ayaw lang niyang magmukhang mahina sa harap nito dahil siya ang nasaktan nito noon. Ayaw niyang magpakalugmok pa lalo sa harap nito.
 
Aaminin niyang hanggang ngayon ay walang nababago sa pakiramdam niya kapag si Kamille ang kaharap niya, hindi niya rin alam, mahirap magpigil ng damdamin sa isang taong kahit sinaktan ka na ay paulit-ulit mo pa ring minamahal. Matatawag na nga siguro siyang tanga ngayon pero anong magagawa niya? Tanggap niya naman din na hanggang dito na lang siya. Masaya na siya, hindi niya gugustuhing masira ang pamilya nito kaya wala itong dapat ikabahala roon.
 
Ang rason niya kaya siya nag invest sa kompanya ng asawa nito, aaminin niyang noong una na hindi niya pa nakikita ang pamilya nito, ang gusto niya talaga ay maghiganti at mapa sa kaniya ang kompanya ni Edward Lao. Gusto niyang mapalapit sa mga ito. Halos lahat ng bussiness ng pamilya Lao ay gusto niyang pasukin at guluhin. Gusto niyang makita ni Kamille na ang taong sisira sa kanila ay yung taong sinaktan niya ng sobra. Gusto niya itong magulat at mabigla, gusto niyang ipakita rito na heto na siya ngayon. Pero noong nakita niya kung gaano kasaya at kaayos ang pamilya nito, tila naglaho ang lahat ng iyon.
 
Masaya na si Kamille, maganda na ang buhay nito at ng anak ng mga ito, wala na siyang balak pang guluhin iyon, ang sa kaniya lang ay yung makita niyang maayos ito ay sapat na sa kanya. Ang kasiyahan nito ay kasiyahan rin niya.

Siguro ay yung sa Hacienda Monreal na lang ang gagawan niya ng paraan para maibalik sa mga tao.
 
 
 *****
 
 
 
Pag gising ni Kamille kinabukasan ay masamang balita naman ang bumungad sa kanya. Masakit pa ang ulo niya dala ng alak na nainom kagabi. Ayaw na niyang isipin pa kung anong mga nangyari.
 
"Wala akong magawa anak ang hirap kontrolin ng Daddy mo," sabi ni Mrs. Monreal mula sa kabilang linya 
 
"Paano hong binenta na naman ni Daddy ang lupa? Akala ko ba madalang na siya mag-casino? Mommy naman sana wag niyo kunsintihin si Daddy!" Halos manlumo siya nang malamang binenta na naman pala ng Daddy niya ang lupa nila.
 
"Anak sinubukan ko naman pero napasubo na siya, wala na kong nagawa dahil late na naman niyang sinabi!" 
 
Halata rin ang labis na pag aalala sa ginang. Batid ni Kamille na nagagawa itong paikutin ng Daddy niya mapagbigyan lamang ang bisyo nito.
 
Napabuntong hininga siya sa labis na frustration.
 
"Kanino ho nabenta ang lupa?" tanong niya.
 
Matagal bago sumagot ang Mommy niya sa kabilang linya. Ilang saglit itong nanahimik.
 
"Mommy?" untag niya sa pag-aakalang wala na ito
 
"K-kay Franco Esquivel..."
 
"A-ano?!" gulat na bulalas niya.
 
Paanong nabenta kay Franco ang hacienda nila? At paanong pumayag ang ama niya roon?
 
"Hindi ko rin alam anak basta ang alam ko lang isang araw, nagpunta ang tauhan ni Franco doon at ‘yun ang kausap ng Daddy mo. Hindi rin niya inakalang si Franco pala ang nasa likod ng tao na iyon."
 
Naningkit ang mga mata niya. Sinasadya ba ni Franco ang lahat ng ito?
 
Una sa kompanya nila, nagulat na lang siya dahil investor pala ito roon.
 
Pangalawa itong lupa nila binili din ni Franco, ano bang binabalak nito?
 
"Napasubo na ang Daddy mo noon anak, nagkataon din na malaki na ang natatalo niya sa casino kaya gusto niyang bumawi."
 
"At ibinenta niya na naman ang lupa? Mommy naman!"
 
Nasapo niya ang ulo. Wala na talagang pagbabago ang ama niya. Akala niya ay madadala na ito ngunit hindi pa rin pala. Tuloy pa rin ito sa bisyo nito.
 
"I'm sorry anak!" 
 
Hindi siya nagsalita at ibinaba na ang telepono. Paano na ngayon? Siguradong hindi na niya mababawi ang lupang iyon. Nahihiya na siya kay Edward, isa pa paano kung hindi na din talaga hayaan ni Franco na mapunta ulit sa kanila ang hacienda? Sinasadya nito ang mga nangyayari. Hindi niya alam kung anong binabalak nito, basta namumuhi siya sa lalaki.
 
Sinamantala nito ang ama niya para makuha ang hacienda. Napakawalanghiya talaga ng lalaking iyon.
 
"Hon?"
 
Naramdaman niya ang mainit na pagyakap ni Edward mula sa likod niya, sana ay hindi nito narinig ang usapan nila ng Mommy niya. Mahimbing ang tulog nito kanina.
 
"Good morning!" Maluwag ang pagkakangiti nito habang pinupugpog ng halik ang gilid ng leeg niya.
 
Napansin yata nito na tulala siya kaya bigla itong napaayos at tinitigan siya sa mga mata.
 
"Hon, what's wrong?" tanong nito.
 
Pinilit niyang ayusin ang sarili.
 
"H-ha? Wala," sagot niya at ngumiti.
 
Nawala ang pag-aalala nito ng makita ang pagngiti niya, hinila siya nito pahiga sa kama at umibabaw ito sa kaniya.
 
Napatitig na lang siya sa asawa, sa masayahing mukha nito.
 
"I love you!" sabi nito habang nakatingin lang din sa mukha niya.
 
Hinaplos niya ang pisngi nito at hinuli naman nito ang kamay niya. Masuyo nitong hinalikan iyon.
 
"I--"
 
"Mommy Daddy!"
 
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at tumatakbong pumasok roon si Mathew.
 
Sabay pa silang napatingin sa anak nila.
 
Napatingala si Edward at nakangising napabuga na lang ito ng hangin.
 
"Hey baby." Kinarga ito ni Edward matapos itong umalis sa ibabaw niya.
 
Nakasanayan na ng anak nila na sila ang unang pupuntahan kapag gising sa umaga.
 
"Daddy wala ka pong work?" tanong ni Mathew dito.
 
Pinagmasdan lang niya ang mga ito, tila totoong mag-ama ito at napaka-perpektong tingnan.
 
"Meron, pero mamaya pa papasok si Daddy halika buksan muna natin ang ibang mga gifts mo." 
 
Tiningnan siya ni Edward na tila nagpapaalam ito, tinanguan niya naman ang asawa bilang pagtugon.
 
"Magluluto na rin ako ng breakfast niyo," sabi niya sa asawa at nginitian ito.
 
"Thank you hon!" sagot nito at nagtungo na sa kabilang silid habang buhat buhat si Mathew.
 
Bumaba siya ng hagdan at sinabi sa katulong na siya na ang maghahain ng agahan para sa kanyang mag-ama.
 
Gusto niyang pinagsisilbihan ang mga ito, nasa bahay na nga lang siya ano pa ba ang gagawin niya?
 
Ayaw niyang mag piling donya na hainan at silbihan, hindi siya ganoon lumaki, pinag-aralan niya ang mga bagay-bagay kahit pa lumaki siya sa karangyaan noon.
 
"Ang swerte-swerte po ni Sir Edward sa inyo Ma'am Kamille mabuti kayong may bahay," puri sa kanya ni Sonia.
 
"Naku, hindi naman. Ako nga ang maswerte sa kanya dahil tinanggap niya kami ng buong buo pati si Mathew."
 
Alam ng mga ito na hindi talaga si Edward ang tunay na ama ni Mathew, ngunit ang pagiging ama nito ay hindi matutumbasan.
 
"Opo, napakabait po ni Sir at mahal na mahal niya ang pamilya niyo," sabi naman nito.
 
Ngumiti lamang siya at nang matapos ang kanyang paghahanda para sa almusal ng mag-ama niya ay tinawag na niya ang mga ito sa taas.
 
"Hon breakfast is ready!" sabi niya.
 
Mabilis naman na lumabas ang mag-ama
 
"Nandyan na hon, salamat gutom na ako," nakangiting turan nito.
 
Bumaba na ang mga ito at sabay-sabay silang kumain.
 
Nagpaalam siya kay Edward na dadalawin niya ang mga magulang niya mamaya. Ang totoo gusto lang niyang mapuntahan ang hacienda kahit sa huling pagkakataon.
 
Malamang na umuupa na lang ulit ng apartment ang mga magulang niya ngayon. Nagsisisi siya na ibinalik pa niya sa mga ito ang lupa, sana ay hinayaan na lang niya kay Edward yun at hindi ipinaalam na ibinalik na nito iyon sa mga magulang niya.
 
"Isasama mo si Mathew hon?" tanong sa kanya ni Edward.
 
"Yes," tipid na sagot niya, ayaw niyang mahalata nito ang lungkot na nagbabadya na naman sa mukha niya.
 
"Yehey! Dadalaw kami kina Lola at Lolo!" masiglang sabi ng anak niya.
 
Ngumiti lamang siya at tumango rito.
 
"Yes baby, kaya kumain ka ng kumain" sabi naman niya, nginitian lang siya ni Edward.
 
"Ako na ang maghahatid sa inyo."
 
"Hindi na hon, kaya ko naman mag-drive tutal malapit lang naman iyon, dumiretso ka na sa opisina mo," mabilis na sabi niya kay Edward
 
"Are you sure?" paniniguro nito.
 
"Oo naman." Ngumiti siya at pinisil ang kamay ng asawa. Napangiti na rin ito dahil doon.

"Sige hon," sagot nito at hindi na nagpumilit pa.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon