CHAPTER 45

6.1K 116 0
                                    

Ibinagsak ni Kamille ang katawan sa kama dahil sa pagod, alas-nuwebe na ng gabi at kauuwi lamang niya. Napatingin siya sa cellphone at nakitang marami na palang message doon. Meron ding missed calls mula sa unknown number.

Sino naman kaya ito?

Naalala niya si Mathew kaya mabilis siyang bumangon upang tunguin ang kwarto nito, pinihit niya ang seradura ng pintuan at tumambad sa kanya ang bagsak na katawan ni Franco at ng anak niya. Nakahiga ang dalawa sa kama habang si Mathew ay nakaunan sa tiyan ni Franco, si Franco ay bahagya pang nakanganga habang nakabuka ang mga binti na tila ba pagod.

Ilang saglit siyang naestatwa sa kinatatayuan bago gumuhit ang mapait na ngiti sa labi niya. Kaysarap pagmasdan ng mga ito.

Hindi niya namalayan si Sonia na kanina pa pala nakatayo sa gilid niya, pinagmamasdan siya nito. Nagkibit-balikat lamang ito nang lingunin niya.

"Kanina ka pa hinihintay ni Mathew Senyorita, umiiyak siya dahil gusto raw niyang kasabay ka kumain, mabuti na lang at dumating si Sir Franco, hayan nga at napagod sa kakalaro ang dalawa," sabi ni Sonia.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Minsan talaga iyakin si Mathew kapag hinahanap siya nito.

Iniwan na siya ni Sonia at muli niyang binalingan ng tingin ang mag-ama.

Humakbang siya at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang buhok ng anak, kitang-kita niya na payapa ang pagkakatulog nito. Siguro ay naramdaman ni Franco ang prisensya niya kaya gumalaw ito.

Pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya ngunit nanatiling nakapikit.

"Franco alam ko gising ka," sabi niya, napangiti naman ito.

"Nagising nga nung dumating ka," pilyong sabi nito at nagmulat ng mga mata.

Napakapilyo talaga nito. May ibang ibig sabihin na naman ang sinasabi nito.

"Manahimik ka nga," awat niya sa binata pero hindi nito pinansin ang sinabi niya, bumangon ito at naupo, ngayon ay magkaharap sila at malapit ang mukha sa isa't isa.

"Mahal na-miss kita..."

Kung titigan siya nito ay tila ba siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Parang pinag-aaralan nito ang mukha niya sa paraan ng pagtingin nito. Parang malulusaw siya sa ginagawa nito.

Inangat nito ang baba niya nang magtangka siyang ibaba ang tingin.

"Stop that, ayaw mo ba ng tinitingnan kita? Ikaw ang pinakamagandang tanawin para sa akin."

Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sinabi nito, ngumiti ito at inilagay sa tainga niya ang kumawalang buhok sa mukha niya.

"I love you!"

Dinampian nito ng halik ang labi niya at bago pa man iyon maging malalim ay pinutol na niya ito.

Baka mamaya ay magising pa si Mathew at bigla silang makita nito. Nakakahiya iyon.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon