CHAPTER 46

6.7K 101 0
                                    

Pag-mulat ng mga mata ni Kamille ay wala na si Franco sa tabi niya, tiningnan niya ang cellphone niya at may iniwan itong mensahe roon. Sinabi nito na kinailangan nitong dalawin ang magulang ngunit balikan lamang ito at uuwi din mamayang gabi. Kay Franco pala ang unknown number na nagtext at tumawag sa kanya kahapon.

Napatingin siya sa pader kung saan nakasabit ang larawan nila ni Edward. Ang malaking larawan na kuha pa noong kinasal sila. Mapait siyang ngumiti at inalala ang pumanaw na asawa.

Kung nakikita lang siya nito ngayon hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito dahil sa pagkakamabutihan nila ulit ni Franco. Hindi rin niya alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito at ayaw na niyang isipin pa iyon, gugulo lamang ang isip niya. Ang tanging alam lang niya, lahat ng nangyayari ay may dahilan at itaas lamang ang nakakaalam.

*****

Nasa eskwelahan na si Kamille at ibinaba niya ang anak kasama si Sonia, humalik muna siya kay Mathew bago tuluyang magpaalam at pumunta na sa Restaurant. Tumunog ang cellphone niya at rumehistro doon ang number ni Franco, text lamang iyon at binasa niya ito.

(Sa restaurant mo ako kakain mamaya, hintayin mo ko, uuwi ako kaagad. Miss na kita.)

Hindi niya maiwasang mapangiti, para siyang teenager na kinikilig dahil sa mensahe nito. Ilang oras pa lang silang hindi magkasama ay namimiss na raw siya nito agad, parang gusto niya tuloy matawa, ngunit hindi niya rin maiwasang malungkot kapag sumasagi sa isip niya ang kaniyang ama. Hanggang ngayon ay hindi niya pa ito nakokompronta, hindi pa siya handa. Baka hindi niya mapigilan ang sarili, plano niya na sa sabado ito puntahan kasabay ng pagdalaw sa kanyang ina. Sa totoo lang gusto niyang isantabi muna ang isipin tungkol sa kanyang ama, pero hindi maiwasan iyon dahil hindi niya kayang pigilan ang isip na wag isipin lahat ng mga nangyari noon.

Pagdating niya sa restaurant ay pilit niya pa ring inaalis ang bagay na gumugulo sa utak niya, hindi niya dapat dalhin iyon sa trabaho, siya lang din ang maaapektuhan kaya ipinilig niya ang ulo at nag-focus sa ibang bagay.

******
 

"Ma, aalis na po ako," paalam ni Franco sa kanyang ina. Bumiyahe pa siya para bisitahin ito dahil nangako siya na dadalaw siya dito. Nagtatampo na nga ito sa kanya, aaminin niyang madalang na niyang mabisita ang ina dahil naging busy siya sa trabaho.

"Hindi ba talaga p’wedeng dito ka muna kahit mga ilang araw lang anak?"

Kanina pa ito humihiling sa kanya, bitin ang oras sa kanilang mag-ina pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya agad bumalik sa trabaho.

"Ma, promise kapag mahaba ang bakante ko sa trabaho ay mag-stay ako dito at kasama ko na si Kamille." Ngumiti siya sa ina.

Naikuwento na niya rito ang tungkol sa kanila ni Kamille. Kilala nito si Kamille at alam din nito na kasintahan niya ito dati.

"Hihintayin ko ang araw na iyon anak mag-iingat ka..."

Humalik ito sa pisngi niya at pagkatapos ay tuluyan na siyang nagpaalam sa ginang.

Saktong alas-syete na ng gabi nang makarating siya sa restaurant ni Kamille, tanaw niya ang mga kumakain na kitang-kita sa malinaw na salamin nito. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na humakbang papasok sa loob.

Nakita niya agad si Kamille abalang-sbala ito habang kausap ang ibang mga tauhan, ngunit ang isa pang nahagip ng mga mata niya ay ang lalaking kasama nito noon na kumakain sa mismong restaurant ni Kamille. Nandoon na naman ito at mag-isang kumakain, hindi nakaligtas sa kanya ang mga sulyap na ibinibigay nito kay Kamille.

Parang biglang sumama ang timpla niya pagkakita sa lalaki. Napapadalas yata dito ang mokong na ito? Mukhang binabalawlawan nito ang nobya niya.

Mabilis siyang naglakad patungo kay Kamille at gulat na gulat naman ito pagkakita sa kanya.

"Franco!" Namilog ang mga mata nito.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka? Sabi ko naman sayo ’di ba na pupunta ako dito?"

Kumunot naman ang noo ni Kamille nang mapansin na tila matabang ang pananalita niya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Ang sama yata ng hangin sa labas ha?" biro nito sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

"Gutom ka na ba? Halika kumain tayo," anyaya nito sa kanya.

"Sa bahay na lang tayo kumain nawalan ako ng gana dito."

Naningkit ang mga mata ni Kamille sa kanya ng mahinuha kung ano ang dahilan ng pagkakaganoon nya. Sumulyap ito sa pwesto ni Max kung saan mag-isa itong kumakain at pagkatapos ay bumaling ito ng tingin sa kanya.

"Stop staring at him."

Mas nakaramdam siya ng irita dahil sinulyapan pa nito ang lalaki.

Bigla itong nagpigil ng tawa dahil sa nakitang reaksyon niya.

"What's funny?" tanong niya at sinamaan ng tingin ang lalaking mag-isang kumakain.

Kung nakamamatay lang ang tingin niya malamang na naghihingalo na ito ngayon.

"You're jealous?" bulong ni Kamille sa kanya hindi niya alam kung patanong iyon, mas mukha kasi itong nang-aasar.

"Bakit ka ngumingiti? Hindi ako natutuwa Mahal. Bakit nandito na naman yung unggoy na iyon? Ikaw lang yata ang pinupuntahan niyan dito, at ’di mo pa sinasabi sakin kung sino ’yang lalaki na ’yan." Pigil niya ang sarili na magsalita ng malakas dahil maraming tao.

"He's just a friend—"

"A friend? Tss, kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang lalaki?"

Kumapit si Kamille sa braso niya.

"Halika na nga sa bahay na tayo kumain," pag-iiba nito ng topic.

Wala siyang nagawa ng hilahin na siya nito palabas ng restaurant, nagpatianod siya ngunit nanatili ang mga tanong niya tungkol sa lalaki. Sinagot naman iyon ni Kamille at sinabing ex nito iyon. Naningkit ang mga mata niya kahit pa pinaliwanag nito na pamilyado na ang lalaki.

Naghiwalay pa sila ni Kamille ng sasakyan dahil may sarili itong service na dala.

Tinext niya ang dalaga at sinabing sundan nito ang sinasakyan niya.

Sa bahay niya siya dumiretso at nakasunod naman si Kamille sa kaniya.

"Akala ko ba sa bahay tayo kakain?" nagtatakang tanong nito sa kaniya pagkababa nito sa sasakyan.

"Bakit? Bahay naman to ah," sagot niya.

"Franco, ano ba?"

"What? This is my house, and it will become yours as well because once we get married, you and Mathew will live here," saad niya sa mahinahong tinig.

Pumasok na siya sa loob at wala namang nagawa si Kamille kundi ang sumunod sa kaniya.

Hindi pa man niya naisasara ang pintuan ay siniil na agad niya ng halik si Kamille. Sobrang na-miss niya ito agad, ganoon ba talaga kalakas ang epekto nito sa kaniya?

"Franco..." anas nito.

Rinig niya ang mahinang pag ungol nito sa pagitan ng halik niya, isinandal niya ito sa pader at kusa na rin itong nagpadala sa init ng halik niya na sumasalakay sa labi nito.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon