CHAPTER 38

5.5K 138 4
                                    

Napapatulala na lang si Kamille sa isang sulok kapag naiisip niyang wala na si Edward, ang bilis ng mga pangyayari at sobrang sakit ang maiwan.
 

"Mommy let's play!" nakangiting sabi sa kaniya ni Mathew.

Hindi niya man lang maasikaso ng maayos si Mathew, wala siyang gana gumawa ng mga gawain, ni pag-ligo nga ay hindi niya magawa. Gusto niya lang mapag-isa at magmukmok. Hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit si Edward pa. Bakit ang asawa niya pa?

"Mommy are you okay?" Tila lumungkot ang boses ng anak niya kaya naman pinahid niya ang luha at umalis sa pagdungaw sa bintana.

Hinarap niya ito at pinilit na ngumiti. Hindi dapat siya ganito. Hindi magugustuhan ni Edward kung ganito siya, napapabayaan na niya ang anak nila. Hindi dapat ito naaapektuhan dahil lang sa pagmumukmok niya.

"I'm sorry baby, yes I'm okay." Tumango siya kay Mathew.

"Why are you crying again Mommy?"

"Nami-miss ko lang si Daddy, but I'm okay now. Gusto mo bang ipag-bake kita ng lemon pie?" Pinilit niyang maging masigla.

"Yes mommy! Gusto ko ng lemon pie yehey!"

Kinuskos niya ang buhok nito at pilit na ngumiti.

"Sige, maliligo lang si Mommy ha?"

Tumango naman sa kaniya si Mathew kaya mabilis niyang tinungo ang banyo upang maligo.

Paglabas niya ay bumungad sa kaniya ang isang bulto ng lalaki na masayang kausap si Mathew habang nakatalikod at may bitbit na pizza.

Hindi niya na kailangan pang kilalanin kung sino ito. Hinding-hindi niya malilimutan ang tindig na iyon.

Paano ito nakapasok sa loob?

Malamang na si Mathew ang sumalubong dito at pinagbuksan ito ng gate.

"Mommy nandito na si Tito Franco!"

Nakangiti si Mathew na tila ba tuwang-tuwa sa bisitang naroon ngayon. Humarap sa kaniya si Franco at natigilan ito. Huli na nang mapagtanto niyang nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya.

Agad siyang napaatras.

"Ah, b-bihis lang ako..." Napapasong nagpaalam siya kay Franco bago pa man ito makapagsalita.

Jeez Kamille!

Hiyang-hiya siya sa sarili dahil pakiramdam niya hanggang ngayon ay nakapakat pa rin ang tingin sa kaniya ni Franco kanina.

Napahilamos siya sa mukha, bakit ba kasi bigla na lang itong nandoon? Ang makulit niyang anak na naman ang salarin.

Yung tingin na iyon. Hanggang ngayon hindi niya kayang kalimutan. Ano bang nangyayari sa kaniya? Mas gusto pa niyang magmukmok kesa isipin ang buong mukha ni Franco na kusang pumapasok sa utak niya.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya at naabutan niya si Franco na nakikipaglaro ng video-game kay Mathew.

Masayang-masaya ang anak niya at kitang-kita niya iyon sa mukha nito.

Saglit na pinanood niya ang mga ito bago siya tumalikod at sinimulang mag-bake.

Natatanaw niya pa rin ang mga ito mula sa maluwang na sala.

Napalingon sa kaniya si Franco at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang kinabahan.

Unti-unting bumilis yung pagtibok ng puso niya lalo na nang makita niyang palapit ito sa kaniya.

"Kamusta ka na?" tanong nito. Lalaking-lalaki ang dating ng boses ni Franco.

"Ito, nagdaramdam pa rin sa pagkawala ni Edward." Iniwas niya ang tingin sa lalaki ngunit ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya.

"Siya nga pala, pasensya ka na kung pumasok ako kaagad dito, hinila-hila na kasi ako ni Mathew nang makita niya ako sa labas kanina."

Alam niya naman na makulit talaga si Mathew kaya hindi naman bigdeal sa kaniya ang pagpasok nito bigla ng walang paalam.

"Okay lang wala ka bang trabaho ngayon?" balik na tanong niya.

"Wala naman akong masyadong trabaho sa kompanya kaya hinayaan ko na lang muna si Yael doon. Isa pa ay nangako ako kay Mathew, baka magtampo siya sa akin."

"Ano ka ba? Bata lang naman ’yan si Mathew maiintindihan niya iyon," sabi niya.

"Mahirap kaya magdamdam ang mga bata," sagot naman nito.

Hindi na siya kumibo, kunsabagay ay matampuhin nga si Mathew.

"Magaling ka pala mag-bake?" tanong niya sa kaniya habang tinitingnan ang ginagawa niya
 

"Ah, oo pinag-aralan ko," sagot niya naman.

Hindi sinasadya na nagtama ang mata nila, pakiramdam niya ay tila may apoy na pumaso sa kaniya dahil sa tingin na iyon.

Mabuti na lamang at dumating si Mathew at hinila-hila si Franco.

"Tito Franco game na ulit!" sabi ni Mathew at wala nang nagawa si Franco kundi ang sumunod.

Para siyang binunutan ng tinik dahil doon. Pinawisan ang noo niya.

Pinagpatuloy ng dalawa ang paglalaro ng video-game at paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa mga ito. Ngumingiti sa kaniya si Franco pero hindi niya man lang ito magantihan ng ngiting totoo, siguro ay dahil may sakit pa rin sa dibdib niya ang nangyari sa pagitan nila noon.

Ang laki na talaga ng pinagbago ni Franco, hindi niya akalaing magiging isa itong sikat na tao, naging matagumpay at malamang na mas maraming babae ngayon ang nagkakandarapa dito.

Nagkakasala na ba siya? Pakiramdam niya ay may kumurot sa damdamin niya dahil sa isiping iyon.

Naalala niya pa ang sinabi nito sa kaniya noon na kapag napalapit ito sa kaniya ay hindi na nito gugustuhin pang lumayo, ngunit hindi natupad dahil ito ang biglang nawala. Ito ang biglang nang-iwan. Hindi niya alam kung sinadya ba nito iyon. Gusto niya itong sumbatan ngayon at saktan hanggang sa mapagod siya, pero ano bang magagawa no’n? Nagkaroon na siya ng sariling pamilya kaya mas mabuting manahimik na lang siya at hindi na ibalik pa ang nakaraang iyon. Wala rin namang mangyayari eh. Malamang na may girlfriend na rin itong si Franco hindi niya lang alam kung ito pa rin at ang nobya nito pagkatapos ng tatlong taon, pero mas malamang na papalit-palit ito ng babae, at kahit gaano niya pa ka-gustong saktan ito ay hahayaan niya na lang muna ang kaligayahan ng anak niya. Kahit narito sa kaniya ang kaba dahil walang alam si Franco sa katotohanan.

May sari-sarili na silang naging buhay ngunit alam niyang dadating ang panahon na hindi niya na magagawa pang takasan ang katotohan, lalo na ngayon at malapit na sa isa't isa ang dalawa.

Patawarin rin sana siya ni Edward, nawala ito ng hindi niya naipagtatapat ang totoo tungkol sa tunay na ama ni Mathew. Balak niya naman talagang sabihin dito ngunit naghahanap pa siya ng tamang tiyempo. Ang alam lamang ni Edward ay isang hardinero ang ama ni Mathew ngunit wala itong alam na si Franco iyon. Hindi rin naman aakalain ng kahit sino iyon dahil isang successful na tao na ngayon si Franco Esquivel. Isang hardinero na ngayon ay matagumpay na.

"Mommy gutom na ako pwede na po ba ’yan?" Naputol ang pag-iisip niya dahil sa tawag na iyon ni Mathew.
 
"Ah, oo anak, Franco magmiryenda muna kayo," sabi niya at tumalima naman ito kasama si Mathew.

Naupo ang mga ito sa harap ng lamesa at agad na nilantakan ang gawa niya.

"Ang sarap Mommy! You're the best!" masiglang sabi sa kaniya ni Mathew.

Tiningnan niya si Franco at nakangiting sumulyap ito sa kaniya.

"This is so good ang sarap," sabi nito habang ngumunguya.

"Salamat," sagot niya at pinaghanda ang mga ito ng juice.

Pakiramdam niya sa tuwing tatalikod siya ay may mga matang nakamatyag palagi sa kaniya at si Franco iyon. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam sa tuwing magtatama ang paningin nila kaya palagi niya na lang itong iniiwasan.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon