CHAPTER 58

476 12 1
                                    

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig niya mula labas. Tumingin siya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog niya?

Napailing na bumangon siya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan niya iyon at tumambad sa kaniya si Franco.

Ang nakakunot niyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan niya ang lalaki.

Lumilinga-linga ito sa paligid at tila balisa ito.

"Franco..." nakangiting sambit niya sa pangalan nito.

Tumingin ito sa kaniya at seryoso ang mukha nito. Wala man lang bakas ng ngiti doon.

"Nagpunta lang ako dito para ibigay 'tong pera," anito sa kaniya at iniabot sa kamay niya ang isang sobre. Sinilip niya ang laman niyon, puro sanglibong buo.

"Magkano 'to?" taas ang kilay na tanong niya kay Franco.

"Fifty thousand," sagot ni Franco sa kaniya at muling luminga sa paligid.

Sa tantya niya ay tumakas lang ito sa mansyon at kay Kamille para puntahan siya. Umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Pasok ka muna sa loob," anyaya niya rito pero mabilis naman itong tumanggi.

"Hindi na aalis na ako," sagot nito at akmang tatalikod pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito.

Hinila niya ito sa loob ng bahay at pagkatapos ay mabilis niyang inangkin ang labi nito.

Naramdaman niya ang kamay ni Franco na tumutulak sa kaniya pero hindi siya nagpatinag, mas pinalalim niya ang halik at niyakap ang katawan nito.

Miss na miss niya si Franco at gusto niyang may mangyari ulit sa kanila.

"Paula tigilan mo na to!"  mariin na wika nito sa kaniya.

Pilit nitong inihiwalay ang katawan sa kaniya at madilim ang mukhang tumingin ito sa mga mata niya.

"Franco iwanan mo na si Kamille, tayo na lang ang magsama para kay Amirah, ako ang nauna kaysa sa kaniya!" wika niya kay Franco.

"Ano? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Paula?" may halong galit sa tinig ni Franco kaya bumuntong-hininga siya.

"Bakit? Hindi ba't totoo naman? Ako ang nauna kaysa sa kanya–"

"Mahal ko si Kamille!" putol nito sa sinasabi niya at tiningnan siya ng masama. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Franco kahit pilit nitong iwinawaksi ang kamay niya.

"Mahal kita Franco, mahal pa rin kita," nagsusumamong sambit niya sa binata pero inalis nito ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi nito.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon