CHAPTER 55

686 11 1
                                    

"Anak mag-stay naman muna kayo dito kahit mga tatlong araw pa."

Napangiti si Franco sa paglalambing na iyon ng kaniyang ina. Masyado itong natutuwa sa apo kaya halos ayaw na silang pauwiin. Iyon naman talaga ang binabalak niya, hindi naman talaga sila uuwi agad.

"Opo Ma, sa isang araw pa po siguro kami aalis since kailangan ’kong paghandaan ang kasal namin ni Kamille," pabulong na wika niya. Namilog naman ang mga mata ng ina niya dahil sa narinig.

"Really? Pakakasalan mo na si Kamille?" Kumislap ang mga mata nito at nababasa niya roon ang labis na kasiyahan. Nakangiting tumango siya sa ginang. Wala ng dahilan para pakawalan pa niya si Kamille, ito ang tanging babae na iniibig niya mula noon hanggang ngayon.

"Yes Ma, siya lang ang babaeng mahal ko."

Ngumiti ang Mama niya at hinaplos nito ang kamay niya.

"I'm happy for you anak," makahulugan na sabi nito.

"Thanks Ma," sambit niya.

Nasa labas si Kamille at ang anak nila kaya hindi nito maririnig ang pinag-uusapan nilang mag-ina. Palagay niya ay naroon na naman sa garden si Kamille dahil tuwang-tuwa ito sa mga bulaklak na naroon.

Tumayo na siya upang puntahan ang mag-ina niya na nasa labas.

"Ma, puntahan ko muna si Kamille sa labas," paalam niya sa ina at tumango naman ito sa kaniya.

"Sige anak, pupunta muna kami ni Sylvia sa grocery store para mamili. Kayo na muna ang bahala sa bahay ha," anang Mama niya at tumayo na rin ito.

"Ingat ka Ma," pahabol na sabi niya bago lumabas at tinungo ang kinaroroonan ng mag-ina niya.

Naabutan niya si Kamille na nagtitingin ng mga halaman, habang si Mathew naman ay nakaupo sa bermuda grass at inaayos nito ang bike.

Madali siyang lumapit sa anak nila.

"Anong nangyari sa bike mo, anak?" tanong niya kay Mathew na kasalukuyang kinakalikot ang bandang gulong niyon.

"Daddy ayaw niyang umandar," kunot ang noong sagot ng anak niya. Niyuko niya ito at tiningnan ang gulong. Naipit pala iyon kaya ayaw gumalaw. Mabilis niya itong inayos kaya naman tuwang-tuwa si Mathew.

"Ang galing mo Daddy!" masayang sabi ni Mathew at tila bilib na bilib ito.

"Small thing baby," he winked.

Lumapit sa kanila si Kamille na mukhang tapos ng tingnan ang mga halaman.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong nito sa kanila.

"Wala, inayos ko lang ang bike niya," sagot niya at hinalikan ang pisngi ni Kamille. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Yung ginawa nito sa kaniya kagabi ay patuloy na naglalaro sa utak niya.

"Bakit ganyan ka makangiti?" takhang tanong nito sa kaniya.

Umiling siya at humawak sa baba niya. Kapag binanggit niya kay Kamille iyon ay siguradong pamumulahanan ito ng mukha.

"Mommy gusto ko po ng cupcakes!" biglang sabi ni Mathew habang hinihila ang laylayan ng suot na bestida ni Kamille. Naglalambing na naman ang anak nila at paborito daw talaga nito ang mga bini-bake ni Kamille. Sabagay masarap naman talaga ito mag-bake.

"Masyado ka ng nahihilig sa matamis Mathew, baka sumakit ang ngipin mo," ani Kamille. Humaba ang nguso ni Mathew kaya naman hinagod niya ang likod ni Kamille.

"Pagbigyan mo na ang anak natin, naglalambing lang naman siya."

"Isa ka pa kunsintidor," sagot ni Kamille at umingos sa kaniya. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa loob ng bahay.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon