CHAPTER 54

637 11 2
                                    

Kinagabihan ay tinawagan ni Franco si Yael mula sa telepono. Sinabihan niya ito na ito muna ang bahala sa kompanya. Madali naman siyang naunawaan ni Yael at mukhang excited pa nga ito sa binabalak niya. Ikinuwento niya kasi rito ang kasal na pinaghahandaan niya. Hinding-hindi na niya papayagan na makawala pa si Kamille sa kaniya kaya aasikasuhin na niya iyon sa mas lalong madaling panahon.

"Mahal sinong kausap mo?" tanong sa kaniya ni Kamille na kasalukuyang binibihisan ang anak nilang si Mathew. Kakatapos lang nitong linisin ang anak nila.

"Si Yael," tipid naman na sagot niya rito. Gusto niyang sorpresahin si Kamille kaya hindi muna niya pinapaalam dito ang tungkol sa kasal.

"Daddy I want to sleep with Lola Mama," ani Mathew. Nakasuot na ito ng ternong pantulog, kulay asul ang pajama nito na sonic ang design.

"Why kay Lola Mama? Ayaw mo ba kaming katabi ni Mommy?" tanong niya sa anak at sumampa sa kama.

"But Lola told me na manonood daw kami ng cartoons sa malaking TV niya sa room, gusto ko po doon."

Napailing na lang sila ni Kamille sa anak nila. Nakita siguro nito ang malaking TV sa kwarto ng lola nito kaya na-excite ito. Dito kasi sa room nila ay sakto lang ang laki ng flatscreen na TV, samantalang sa kwarto ng Mama niya ay tila nasa sinehan ka kapag nanood ka.

"Okay ihahatid na kita," pagsuko niya sa anak.

"Goodnight mommy!" Humalik ito sa pisngi ni Kamille at pagkatapos ay sa kaniya.

"Goodnight Daddy!"

Napangiti siya habang buhat-buhat ito at inihatid na sa room ng Mama niya. Agad naman itong sinalubong ng Mama niya na tuwang-tuwa rin sa apo.

"Ma, huwag po kayong masyadong magpuyat ni Mathew," paalala niya dito.

"Oo naman Franco," sagot ng ina niya.

Tumalikod na siya sa mga ito at bumalik na sa silid nila ni Kamille.

Nagpapahid ng lotion sa binti si Kamille pagbalik niya.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito.

Masaya siya at pakiramdam niya wala na siyang mahihiling pa. Nasa kaniya na ang mag-ina niya at nagmamahalan sila ni Kamille.

Tumabi siya rito at pinanood ito habang nakahiga at nakatukod ang siko sa kama.

"What are you doing?" wari ay tanong niya.

"Ano pa eh ’di nagpapahid ng lotion," sagot naman nito.

"Bakit kailangan mo pa niyan eh makinis ka na."

Inamoy niya ang bote ng hawak nitong lotion, victoria's secret ang nabasa niya at mabango iyon. Napapangiti siya habang hinahaplos ni Kamille ang magagandang hita nito.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Wala, ang ganda ng mahal ko eh."

"Binobola mo pa 'ko."

"Of course not!" mabilis na wika niya at hinapit ito sa baywang kaya napahiga ito.

"Franco ano ba?!"

"Just one kiss," parang batang naglalambing na aniya at sinakop ang labi nito.

Marahan lamang ang halik na ginawa niya sa labi ni Kamille hanggang sa bigla niyang palalimin ang halik.

"Franco akala ko ba one kiss lang?"

Humiwalay ito sa halikan nilang dalawa. Ngumiti siya at muling hinalikan ang labi nito. Hindi siya papayag na hindi ito maangkin, paraan lang niya iyon para patigilin na ito sa ginagawa nito dahil kanina pa siya nasasabik dito.

Sweet Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon