UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018After all the stops and starts, I'm coming back home. Babalik na ako sa kahapong iniwan ko.
Napahinga ako ng malalim ng makita ko ulit ang bahay kung saan nag-umpisa ang lahat. Naramdaman kong biglang sumikip ang dibdib ko. Kamusta na kaya ang mga taong naging parte ng masaya kong buhay noon?
Napapikit ako at isa-isang inalala ang mga mukha nila na masaya at kasama ako.
"It's been 5 years," bulong ko.
Limang taon akong nawala sa buhay nila nang hindi man lang nakapagpaalam. Hindi man kapani-paniwala ngunit matagal ko nang gustong makita silang lahat. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog ng maayos dahil alam kong marami ang nasaktan ko. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba nila ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung makikilala pa kaya nila ako. Bumabagabag din sa isip ko na sa tinagal-tagal kong nawala baka kinalimutan na nila ako. Pero masisisi ko ba sila? Hindi.
Umalis ako nang hindi man lang nakapagpaalam at walang iniwan kahit isang sulat man lang. Mas mabuti nga talagang kalimutan nalang nila ako sa ginawa kong 'yon.
Nasa tapat ako ng mansyon, isang lugar kung saan nagsimula akong maging masaya. Huminga ulit ako nang malalim at dahan-dahang naglakad patungo sa gate nito ngunit bigla kong narinig na tumunog ang phone ko kaya natigilan ako saglit. Tiningnan ko kung sino ang tumawag.
Anna is calling...
Nang makita ko ang pangalan niya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kaagad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello?" pagsagot ko.
"Steffi, where the hell are you? Kanina pa ako tumatawag sa'yo hindi kita ma-contact, you're oncall right? I need you here. Now! We have an emergency!" sigaw sa akin ni Anna mula sa kabilang linya. Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil pinatay niya kaagad ang tawag.
Oncall nga pala talaga ako.
Nakalimutan kong on call ako dahil kung naalala ko lang, hindi na muna sana ako pumunta sa mansyon na ito. Tiningnan ko ulit ang mansion nang may panghihinayang. Hindi ko na naman nagawa ang gusto kong gawin. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa tuwing binabalak kong bumalik, may mga bagay naman na pilit akong pinipigilan sa gusto kong gawin. Nakakainis na nakakagalit dahil hindi ako makahanap ng magadang tyiempo. Napayuko at napailing na lamang ako. Dahan-dahang bumagsak ang balikat ko at napilitan na lang akong tumungo sa ospital.
💍
Hindi pa man ako nakakapasok sa emergency room, bumungad na sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kevin sa gate nito kaya agad ko siyang nilapitan.
"What's with that face? Huwag mong ipahalata sa folks ng mga pasyente na natataranta ka at hindi mo alam ang gagawin. Stop it." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga kamag-anak ng mga pasyente na nakaupo sa tapat ng ER. Kinalma niya muna ang sarili niya bago siya yumuko at napatango sa harapan ko.
Ayaw na ayaw kong nakikita siyang napanghihinaan nang loob sa tuwing nasa emergency situation kami.
"I'm sorry, dok," sagot niya sa ma-awtoridad kong bungad sa kanya pero hindi ko na iyon pinansin. Kaagad kong binuksan ang pinto ng ER at sinalubong ako ng isang nurse na may dala-dalang laboratory results, ecg at 2D echo results.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...