UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018Nagising ako ng 4:00am ng umaga gusto kong matulog pa pero didilat at didilat pa rin ang mga mata ko kaya naisipan ko nalang bumangon at ipagluto ang sarili ko. Mag-isa lang ako sa condong kinuha ko. Dahan-dahan akong pumunta sa kusina at agad kong binuksan ang refrigerator.
Wala akong nakitang pwedeng makain maliban sa sandwich at isang saging. Hindi pala ako nakapag-grocery nitong mga nakaraang araw dahil sobrang busy ko sa hospital. At isa pa, gipit ako sa pera ngayon dahil nilaan ko sa mas importanteng bagay ang perang pinamana sa akin ni Daddy bago siya namatay. Ako na siguro ang pinakamahirap na doktor.
Nilagay ko sa oven ang sandwich para mainit ito kapag kinain ko at habang naghihintay umupo muna ako sa mesa nang biglang tumunog ang phone ko.
"Are you okay? Bakit hindi kita nakita buong araw? Alam mo bang solo flight ako sa shift ngayon gabi? Ako na nag-rounds sa mga pasyente mo. Sige, magpahinga kana dyan."
Nagtaka ako sa text na natanggap ko galing kay Stephen. Napakunot ang noo ko sa text niya at ilang beses ko itong binasa para maintindihan ko. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng maalala kong noong isang araw pa pala ako on call ibig sabihin natulog ako ng buong araw!
💍
Dali-dali akong nagpunta sa Mendrez. Inis na inis ako sa sarili ko dahil sobrang nakakahiya kay Stephen. Napaka-iresponsable ko namang doktor. Nakuha ko pa talagang matulog ng lampas twelve hours! Alam kong hindi ko sinasadya pero nakakainis pa rin!
Ayaw na ayaw ko pa naman makausap si Stephen ng matagal. Sobrang mabait sa akin si Stephen ngunit minsan hindi ko na gusto ang pagiging mabait niya sa akin.
Paliko na ako papuntang heart station ng makasalubong ko sa hallway si Anna. Halatang pagod na pagod na siya. Hinihimas-himas niya ang batok niya habang nakatingala sa kisame. Gumuhit ang isang masiglang ngiti sa mga labi niya ng makita niya ako.
"Lagot ka kay Dr. Lee. Hala ka." pang-aasar pa niya.
Pagod na pagod na siya pero nagawa niya pa rin akong inisin. Wala naman akong nagawa kundi hayaan siya sa mga sinasabi niya dahil maging ako asar na asar na sa sarili ko.
"Kawawa naman ang gwapong doctor iniwan na naman ng partner niya." pang-iinis pa nito sakin.
"I overslept and because of that I missed my 24-hours duty. I'm not okay with that. I am ridiculously stupid! Where is Stephen?" sagot ko naman sa kanya. Napatigil siya sa pang-aasar sa akin ng malaman niya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok sa trabaho.
Parati akong sinasalo ni Stephen kapag nangyayari to'. Sanay na si Stephen na mag-double time sa tuwing lumalampas sa tamang oras ang pagtulog ko. Naiinis ako sa ideyang sanay na siyang gawin yun dahil sa kapabayaan ko.
Hindi ko naman sinasadya, hindi ko maramdaman ang alarm clock ko. Matagal nang sira na ang body clock ko. Hindi ko na talaga makontrol ang oras ng pagtulog ko.
I am very aware that my sleeping habits was not healthy anymore. I know there is something wrong with me but as of now, I don't have time to care because I am very busy lately and I don't have so much time for myself anymore.
Ang ginagawa ko nalang sa tuwing lumalampas sa tamang oras ang pagtulog ko ay umiinom nalang ako ng gamot para rito. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing nasosobrahan ako sa tulog pero alam ko naman na normal lang 'yon.
So it's fine Steffi. It's fine.
"Wala siya sa heart station, nasa kabilang building siya." sagot ni Anna sa akin habang kinakamot ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...