💍36 : Falling Leaf

2.9K 68 8
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

"You are the father of my deceased daughter."

NABITAWAN KO ANG basong hawak ko at nabasag ito. Nakita ko sa salamin ang sarili kong nakatulala at halos hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Ako yung ama? Namatay yung baby? I don't get it. Hindi pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay kong nagtitimpi sa galit. Pinilit kong maging kalmado kahit sabog na sabog na ang puso ko.

"Tell me another story. A tragic story that can make me cry and believe in you. Come on, I'll listen." sagot ko sa kanya. Wala akong emosyon na ipinakita sa kanya. Punong-puno na ako sa mga kwentong sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam kung saan sa mga sinasabi niya ang totoo.

Nakita kong sunud-sunod pumatak ang mga luha sa mata niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Bagsak ang balikat niya na parang nawalan siya ng pag-asa.

"Totoo ang sinabi niya sayo!" sigaw ni Tim na hanggang ngayon duguan at nakaupo pa rin sa gilid ng kama.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" sigaw ko din sa kanya.

Tinitigan ko si Steffi ng humahagulgol siyang hinawakan ang kamay ko. Panay punas siya sa mga mata niya.

"N-naalala mo yung gabing ipinagluto mo ako? Pagkatapos nun ay humiga tayo sa kama mo, tinanong kita kung bakit ako yung pinili mo, sinagot mo akong binigay ako ng Diyos sayo. At that night, may nangyari sa ating dalawa diba?" umiiyak niyang sinabi. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya, mas napapahigpit ang paghawak niya sa kamay ko na parang kumukuha siya ng lakas sa akin.

NAGISING AKONG kinakapa-kapa ang kama. Kumunot noo muna ako bago ko dinilat ang mga mata ko. Wala siya sa tabi ko. Napangiti ako dahil baka nauna lang siyang gumising at nagluto kaagad ng agahan sa baba.

Natulog ulit ako ng ilang oras. At nang magising ulit, nagtaka na ako kung nasaan siya. Alas dies na pero bakit hindi niya ako ginising? Nakaramdam na din ako ng gutom kaya nagpasya akong bumaba sa kusina.

Hinihimas-himas ko ang mga mata ko habang pababa ako sa hagdan. Natigilan ako bigla ng mapansin kong napakatahimik ng paligid. Nilibot ko ang paningin ko at wala akong makitang tao.

"Love?" sigaw ko pa habang papalapit sa mesa. Walang Steffi na sumagot sa akin.

"Love?" sigaw ko ulit. Walang sumagot sa akin. Nagtataka akong kinuha ang phone ko. Baka nagtext siya o di kaya nag-iwan ng mensahe kung saan siya pumunta kagaya ng parating niya ginagawa sa tuwing busy siya pero wala, wala akong ni isang message na natanggap.

Nilagay ko nalang sa bulsa ko ang phone ko at napagpasya akong tawagan si Kate at Bella dahil baka alam nila kung saan siya pumunta.

"Nawawala? OA mo naman, Flynn. Baka naman may pinuntahan lang." natatawang sagot sa akin ni Kate.

"Ugali niyang magpaalam sa akin kung saan siya pupunta. Ngayon lang siya hindi nagpaalam sa akin." sabi ko naman.

"Possessive mo, grabe. Kilala ko din yun, noh. Chill ka lang baka lumabas lang siya saglit." sagot naman ni Kate.

Nagpasalamat ako at ibinaba ko ang telepono. Buong araw ko siyang hinintay sa may garden ngunit dumilim lang ang kalangitan hindi pa rin umuuwi.

Lumipas ang mga araw at patuloy ko siyang hinintay sa may garden, panay tingin ko sa phone ko dahil baka nagtext na siya pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon