UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018STEFFI
Two years have passed...
"Flynn, tama na 'yan. Antok na antok pa yung anak mo." saway ko sa kanya ng makita kong nilalaro niya pa rin si Adam, isa sa triplets namin.
"Hindi naman antok si baby eh, diba? Antok pa rin ba si baby Adam? Hindi na kaya kami inaantok, mommy." Napailing nalang ako at napairap sa mala-bata nitong pagsagot sa akin.
Napahakbang ako ng kaunti mula sa kama ng mga triplets at napatingin sa mga photo frames na nakadisplay sa kwarto. Napangiti ako sa litrato ni Flynn habang hinahawakan at hinahalikan niya ang triplets.
Adam.
Adriel.
Aeden.
PAGKALIPAS ng dalawang taon masasabi kong mas naging maayos na ang lahat at wala na akong mahihiling pa. Kontento at masaya na ako sa mayron ako. May husband akong maalaga, responsable at sobrang mapagmahal. At may tatlong prinsipe naman akong biyaya galing sa langit sina Adam, Adriel at Aeden.
Sa kasalukuyan, si Flynn pa rin ang hospital administrator ng Mendrez Hospital. Siya na rin ang nagtalaga kay Stephen para maging head physician ng cardiology department. Si Anna naman ay nakapagpatayo na ng isang birthing center. Si Kevin naman ay naging mas aktibo pa sa programa niya tungkol sa lung cancer prevention.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...