💍35 : False Hopes

2.9K 65 10
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

PINATAY KO ANG makina ng kotse ng marating namin ang mansyon. Pinagmasdan ko kaagad siya habang natutulog sa tabi ko. Nag-away kami kanina sa airport dahil ayaw niyang dalhin ko siya sa hospital. Hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon inaapoy pa rin siya ng lagnat. 

"Love gising na, nandito na tayo." bulong ko sa kanya sabay kinapa ko ulit ang leeg niya. Mainit pa rin gaya ng inaasahan. Minulat niya ang mga mata niya at ngumiti siya sa akin. Pinilit niyang tumayo kahit parang matutumba na siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para alalayan siya papunta sa kwarto niya.

"Kamusta ang bakasyon niyo sa Maldives? Ano? Umuoo na ba siya? Matutuloy na talaga ang kasal? Kailan tayo maghahanda?" Hindi ko mapigilang ngumiti ng malapad habang tinatanong niya ako. Kung pwede lang bukas na bukas maghahanda na kami kaagad ang kaso nilalagnat si Steffi. 

"Ano? Naku, kinakabahan ako sa ngiti mong 'yan Zeke ha!" dagdag pa ni nanay. Tumawa ako saglit bago ko siya sinagot.

"We're getting married!" sigaw ko pa sabay yakap sa kanya. Binuhat ko siya at umikot-ikot kami sa buong sala. 

"Salamat sa Diyos at pinakinggan niya ang dalangin ko." naiiyak na sinabi niya nung binitawan ko siya. 

"Salamat po sa pag-intindi at pag-alaga niyo sa amin. Salamat sa pagiging nanay at tatay niyo lalo na kay Steffi. I know how much she loves you, nay. Si tatay din." sagot ko sa kanya at halos maluha siya sa sinabi ko sa kanya.

"Eh, ano na ang plano niyo?" tanong niya.

"Kapag gumaling si Steffi, pupuntahan namin si mommy. Pagkatapos, maghahanda tayo para sa kasal." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Tuwang-tuwa siya sa plano ko. Pero kung tuwang-tuwa siya mas lalo na ako. 

I've waited this for five years. 

KAAGAD KONG PINUNTAHAN si Steffi sa kwarto niya at nanlaki ang mga mata ko ng wala siya sa kama niya. Nilibot ko ang kwarto niya ngunit wala talaga siya.

Natigilan ako ng marinig kong may umuungol sa sakit sa loob ng banyo. Dahan-dahan kong inilapit sa pinto ang tenga ko. Alam ko si Steffi ang nasa loob ng banyo at kung hindi ako nagkakamali sumusuka siya.

Sinasabi na nga ba, kailangan na talaga niyang magpaospital. Malala na ang lagnat niya. Bakit ko pa kasi siya pinayagang magswimming sa dagat kahit alam kong makakasama iyon sa kanya.

Agad kong binuksan ang cabinet niya at kumuha ako ng paracetamol at pain reliever. Dali-dali din akong bumaba at kumuha ng tubig para sa kanya. Nakarating lang ako ulit sa kwarto niya pero hindi pa rin siya lumalabas sa loob ng banyo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at natigilan ako ng makitang hinang-hina na siya. Halatang nagulat ko siya. Tiningnan niya ang hawak kong gamot at tubig.

Kaagad akong lumapit sa kanya at binigay ang gamot na hawak ko.

"Inumin mo to para gumaan ang pakiramdam mo." sabi ko sabay bigay ng gamot sa kanya. Hinawakan niya pa ng matagal ang mga gamot bago niya ito ininom. Pinainom ko siya kaagad ng tubig at pinahiga sa kama niya.

"Sigurado ka bang ayaw mong  magpa-ospital? I'm a doctor and I can tell that you are really sick." mahinahon kong sinabi sa kanya habag hawak ko ang kamay niya.

Nakapikit siyang umiling at hinawakan ang pisngi ko.

"I'm a doctor too and this is my body. If I will give myself a diagnosis, it's a simple flu." sagot niya sa akin habang nakangiti kahit halata sa mukha niyang pagod na pagod siya.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon