💍11 : Unfaithful

3.2K 69 25
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018


GULAT NA GULAT si Kate sa isinagot ko sa kanya. Batid kong hindi niya inaasahan ang magiging sagot ko sa kanya."What did you say? You saw them? Ibig sabihin bumalik ka?" Naguguluhang tanong ni Kate. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"I came back three years ago." Yes, I did. I came back. I came back because I want to fix everything sooner but I failed.

"Iha saan ka ba talaga bababa? Kanina pa tayo ikot ng ikot dito eh." Reklamo ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Napadungaw ako sa bintana at nakita ko sa di kalayuan ang mansyon namin ni Flynn. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sabik na sabik akong yakapin siya.

Handa na rin akong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako umalis. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Kinakabahan ako dahil baka hindi na tulad ng dati. Posible iyon. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari pero buo na ang desisyon ko.

"Manong, dito nalang po ako," sagot ko sa driver at agad ko siyang binayaran.

Ilang beses akong huminga nang malalim dahil ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko sa kaba. Nasa kabilang parte ako ng kalye kung saan natatanaw ko ang front view ng mansyon. Inihakbang ko ang aking mga paa, bawat hakbang ay napakabigat at mahirap.

Maya-maya pa may naaninag akong kotse na paparating kaya huminto ako sa paglalakad. Nakita kong huminto ang kotseng iyon sa tapat ng mansyon. Nagulat ako nang makita kong bumaba si Flynn. Hindi pamilyar sa akin ng kotse kaya hindi ko inasahan na siya iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mas nagkaroon ako ng lakas na loob na lumapit at magpakita sa kanya.

Agad niyang binuksan ang pinto ng front seat. Dahan-dahang bumaba si Bella habang inalalayan ni Flynn. Paliko-liko ang paglakad ni Bella kaya hindi maitatago na lasing ito. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

"Bella hold my hand." Narinig kong sinabi ni Flynn ngunit ang mukha nito ang hinawakan ni Bella.

"Uhm. You are my life Flynn. Don't do it again, okay?" Nakangiti ngunit umiiyak na sagot ni Bella. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang mga lumalabas sa labi niya.

Napakunot ang noo ni Flynn ngunit nabigla ako ng ngumiti siya.

"I will never do it again. Just be okay." Mahinahong sagot ni Flynn habang hinahaplos ang buhok ni Bella. Dahan-dahang lumapit si Bella sa kanya at nakita ko kung paano siya niyakap ng mahigpit ni Flynn.

"I'll make you happier. Just love me back." Naiiyak na sinabi ni Bella.

Gusto ko mang magpakita kay Flynn sa mga oras na iyon ngunit hindi kinaya ng mga paa kong lumapit sa kanilang dalawa. Mas humina pa ang mga tuhod ko nang makita kong ngumiti si Flynn at dahan-dahan niyang inianggat ang mukha ni Bella. Gusto kong sumigaw. Gusto kong pigilan sila pero biglang nanigas ang buong katawan ko nang makita ko ang sumunod na nangyari.

He bent down and kissed her gently. The soft gentle kiss gradually turned into a deep passionate kiss. I didn't so much regain consciousness as I began sensing pain. And pain sheeted through my veins with a terrible intensity. I cannot believe she took him from me. My world collapsed. Tears are words too painful for a broken heart to speak.

Nakita kong sunud-sunod tumulo ang luha ni Flynn kasabay ng pagbitaw nito. Napayuko siya sandali at inalalayan si Bella papasok sa bahay. Hindi ko na kayang lumapit pa sa kanya. Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa kaya agad akong umalis.

Bumalik agad ako sa BHI. Inisip ko nalang siguro hindi pa iyon ang tamang oras. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto ko nang makita ako ni Stephen. "Steffi? Akala ko bumalik kana sa inyo?" nagtatakang tanong ni Stephen.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon