💍40 : Life And Death

4.1K 88 9
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

HINDI KO SIYA nadatnan sa loob ng kwarto. Tanging ang nakakahalimuyak niyang bango ang sumalubong sa akin. Nakatunganga lang ako sa kama niya at iniisip kong nakahiga siya at ngumingiting naghihintay ng halik ko katulad ng parati kong ginagawa sa kanya.

Lumapit ako sa lampshade at pinatay ko ito. I am so helpless. Guilt, fear and regrets covered my entire body. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.

Natawag ng atensyon ko ang isang envelope at voice recorder sa gilid ng lampshade niya. Nangiginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope. I don't know what to feel. Kung noon umalis siyang hindi nakapagpaalam at walang iniwan ngayon may ibinilin siyang sulat at mas tumindi ang panghihinayang ko.

Flynn,

By the time you are reading this, umalis na ako sa mansyon. For good. For you. Don't wait for me, love. Huwag mo na rin akong hanapin dahil masasaktan ka lang. Just live or restart your life again. Katulad nga ng sinabi ko, you can go now and find someone else. I'm letting you go.

Me and our angel Scianna loves you so much.

Steffi♑

Nabitawan ko ang sticky note na nakadikit sa voice recorder pagkatapos ko itong binasa. Pumatak ang luha sa mga mata ko. Sa ikalawang pagkakataon, iniwan ako ni Steffi. At masakit, mas masakit pa 'to ngayon kumpara sa unang pag-alis niya.

Kung tinanggap at hinayaan ko lang sana ang sarili kong mahalin siya hindi sana mangyayari 'to ngayon. Ilang beses man akong magsisi, hindi pa rin maibabalik ang kahapon. Hindi ko na maitatama pa ang pagkakamali ko.

Pinindot ko ang play button ng voice recorder at pumula ang ilaw nito. Napaupo ako sa gilid ng kama niya at nakatulala sa voice recorder. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Naubo pa siya bago siya nagsimulang magsalita.

"Love? Love I don't know what to say first. Limang taon ko tong pinaghandaan pero na-realize ko kahit anong paghahanda at kahit pagandahin ko pa ang sasabihin ko sa'yo alam kong masasaktan pa rin kita. I'm so sorry." Her voice cracks and it suddenly rip my heart. Nananatiling nakatingin lang ako sa voice recorder ng huminto siya saglit sa pagsasalita.

"I'm sorry, I leave you once again. I know it would be more painful to you, at alam kong isinusumpa mo na ako ngayon. I'm sorry again...I don't know if babalik ka pa dito sa mansion at papasok ka pa ulit dito sa kwarto ko...pero gagawin ko pa rin ito bago ako aalis ngayon. Ngayon ang huling araw ko dito sa mansyon ayon sa pinagkasunduan natin, exactly three months. Pinatapos ko muna ang natitirang isang linggo bago umalis kasi umaasa pa rin akong babalik ka...at magbabago ang isip mo." Narinig kong sinubukan niyang linawin ang lalamunan niya.

"Ang hirap palang maghintay lalo na kung walang kasiguraduhan kung babalik ang hinihintay mo. Kaya sobrang naiintindihan kita kung ganon nalang ang galit mo sa akin. Nagmakaawa ako sayo na magstay ka kahit isang linggo na lang dahil...uhm." Narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Kahapon yung 4th death anniversary ng baby natin. Gusto ko sanang pumunta tayo ng magkasama sa puntod niya. First and last visit natin sa kanya na magkasama tayo kung nagkataon. Pasensya kana kung nagpumilit ako at pinigilan kang umalis. I am so selfish not to let you go...pagsisisihan ko yun hanggang sa kabilang buhay." Napapikit ako sa sakit ng mga sinasabi niya.

"Bago ako mawala, gusto kong sabihin sayo ang mga bagay na dapat mong malaman...mga paliwanag at sagot sa mga tanong mo. Noon ko pa sana gustong ipaliwanag sayo ang lahat-lahat kaso wala ako parati sa timing eh...nauuna ang kaba ko at ang hesitations ko, napapatulala at pinipilit ko nalang ngumiti sa tuwing sinusubukan kong magpaliwanag sa'yo kasi nagagalit ka. But my time is over I really need to go now, ayaw ko man sabihin sayo ang lahat sa ganitong paraan pero I have no choice, mahina na ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pang bumyahe papunta sa bahay niyo.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon