UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018DALAWANG LINGGO na ang nakalipas at mas tumindi ang pag-distansya ni Flynn sa akin. Halos hindi na kami nagkikita sa isang araw kahit pa na nasa iisang hospital lang kami.
Umaalis siya kaagad sa tuwing papasok ako sa call room namin. Umiiwas siya sa tuwing pupunta ako sa nurse station kung nasaan nandoon din siya. At higit sa lahat, halos hindi na rin kami magkita o magkasalubong sa bahay. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Things will get better in time. Maiintindihan niya rin ako. Maaayos din namin ito. Papakinggan niya rin ako at babalik kami sa dati. Pero sa ngayon ay kailangan ko ring dumistansya sa kanya para kahit man lang sa ganitong paraan ay mabawasan ang sakit na idinulot ko sa kanya.
Napahinto ako sa paglalakad nang marating ko ang kwarto ng batang pasyente ko. Siya ang inoperahan ni Flynn noong nakaraang linggo.
Mababa ang platelets ng bata kaya hindi siya agad isinalalim sa operasyon. Kailangan kasing normal ang platelets nito bago operahan dahil baka magkaroon ng bleeding sa kalagitnaan ng operasyon at maging komplikasyon pa ito. Napakadelikado.
Kinatok ko ang pintuan at dahan-dahang pumasok. "Good morning! Kamusta na ang pinakagwapo kong pasyente," masayang bati ko sa kanya at ngumiti na naman siya nang malapad.
"Okay na po ako, dok ganda. Kailan ba talaga ako uuwi?" Alam kong sabik na sabik na siyang umuwi.
Madaling ma-trauma ang mga bata sa hospital. Ayaw nila ng syringes. Paparating palang ang medical team ay umiiyak na sila. Sa tuwing makikita nila ang scrubs suite na suot namin ay natatakot na sila. Takot silang masaktan. Hindi dapat nila nararanasan ang ma-hospital sa murang edad.
"Uuwi kana sa susunod na araw. Promise ko yan sa'yo! Mukha ba akong nagbibiro?" sagot ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Kaya tinawag ko ang mommy niya. "Ma'am makakauwi na po kayo sa susunod na araw. Tiningnan ko yung mga lab results, ecg at 2D echo niya at normal na lahat ng results. Pero kailangan niya pa ring bumalik dito para sa monthly check up niya," mahinahong sinabi ko sa kanya.
"Maraming salamat po dok." Sagot niya sa akin at napatingin ako sa batang pasyente ko.
"Ano? Naniniwala kana?" natatawang tanong ko sa kanya at agad niya akong niyakap.
Biglang nahulog ang wallet ko kaya nang makita nito ay agad naman niyang kinuha.
Masyadong luma na ang wallet ko kaya hindi nakakapagtataka na tiningnan niya muna ito bago ibigay sa akin.
"Asawa niyo po?" biglang tanong ng bata sakin. Tiningnan ko kung ano ang tinutukoy niya. Nakita kong tinitingnan niya ang lumang litrato namin ni Flynn. Napangiti lang ako sa kanya.
"Is he handsome?" nakangiting tanong ko sa kanya at agad siyang tumango sakin.
Pagkatapos nun ay agad naman niyang ibinigay ang wallet ko. Nakangiti akong lumabas ng kwartong iyon.
PAPUNTA na ako sa call room nang biglang tumunog ang phone ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Steffi, wala kaming lahat sa call room. Wala rin kami sa cafeteria. Hindi rin kami nagra-rounds. Pero nandito kami sa loob ng hospital. Ang tanong, nasaan kami?" Bugtung-bugtungan yata ang hanap ni Anna.
Kahit papano nababawasan ang bigat na nararadaman ko sa tuwing kasama ko sila Anna at Kevin. Natural na kasi sa kanila ang maging masayahin.
"Pinagtri-tripan mo ba ako? Busy ako eh, mamaya ka na mangulit." Giit ko.
"Ang seryoso mo talaga, kainis. O siya, pumunta ka dito ngayon sa board room dahil may magandang balita si Dr. Ramirez." Masayang sagot nito sa kabilang telepono.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...