💍41 : Chasing Time

3.9K 70 9
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

BELLA

HINDI KO MAPIGILAN ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang nakaluhod at nakayuko sa harap ng puntod. Humahagulgol siyang humihingi ng tawad sa anak niya. Halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa tindi ng pag-iyak niya. I can't stand seeing him like this.

Halos isang buwan na siyang ganito. Nagpapakalunod siya sa alak sa loob ng kwarto ni Steffi at pumupunta dito sa puntod ng anak niya araw-araw humihingi ng tawad. Nakakalimutan na niyang kumain minsan. Hindi siya lumalabas sa loob ng kwarto ni Steffi dahil doon niya lang daw maaamoy ang bango nito.

Napapadalas na din siyang umabsent at kung hindi naman, nagra-rounds siya na parang wala sa sarili. Hindi siya kinakausap ng mga kapwa naming doktor dahil natatakot sila sa napakaseryoso nitong mukha araw-araw. At kahit nasa loob kami ng operating room nawawala pa rin siya sa sarili niya kahit gaano pa kakomplikado ang operasyon.

Maaga akong nagising para ipagluto siya ng pagkain. Nasabi kasi sa akin ni nanay Aida na kahit anong lutuin niya hindi kinakain ni Flynn. Nagluto ako ng beef steak para sa kanya.

"Flynn? Open the door. Please?" sabi ko habang nakatayo sa harap ng pinto. Ikatatlong sigaw ko na ito ngunit wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Nilagay ko sa maliit na mesa di kalayuan sa pintuan ang tray na hawak-hawak ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinalubong kaagad ako ng mabahong amoy ng alak. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama na may hawak na isang beer at sa kaliwang kamay nito ay hawak-hawak niya ang isang singsing. Nakatulala lang siya sa singsing at halos di siya gumagalaw.

Kinuha ko ang tray na ipinatong ko sa maliit na mesa. Ngumiti ako ng malapad sa kanya habang lumalapit. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya narinig ko na ang sinabi niya.

"What are you doing here? Get out." Pulang pula ang mga mata nito ngunit wala siyang emosyon na ipinakita. Halatang kulang siya sa tulog at pahinga.

"Flynn, ipinagluto kita ng beef steak. Ang sabi kasi ni nanay hindi ka daw kumakain." sagot ko naman sa kanya. Hindi ko pa man nalalapag sa kama ang tray na hawak ko sinumbatan na niya kaagad ako.

"Sa tingin mo ba, kakain ko yan? Stop acting like Steffi, dahil hindi mo siya magagaya! Hinding-hindi mo makukuha ang loob ko. Itapon mo nalang yan." malamig ang boses nito at nakakatakot. Kinakabahan at nasasaktan man ako ngunit hindi ako tumigil.

"Flynn, alam kong hindi ito kasing sarap ng niluluto ni Steffi pero sana tikman mo man lang. Kainin mo lang, para may laman ang tiyan mo-" Paliwanag ko pa sa kanya ngunit natigilan ako ng tumayo siya bigla.

Galit na galit niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa pinto. Ininda ko lang ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Sinabi nang umalis ka! Get out of my sight!" galit na galit niyang sigaw. Yumuko ako ngunit hindi ako umalis sa harap niya.

"Ano?! Ano pang gusto mong mangyari? Umalis kana!" buong lakas niyang sinigaw. Tumulo bigla ang mga luha ko pagkatapos kong marinig iyon.

Ibang-iba siya sa Flynn na kilala ko. Hindi siya ganito noong iniwan siya ni Steffi noon kahit naisipan pa niyang magpakamatay. Kung hindi ko lang siya kilala, aakalain kong hindi si Flynn ang nasa harap ko.
"Sige! Sige, alis na ako kung yan ang gusto mo! Pero ito ang tandaan mo Flynn, iniwan ka niya ulit. Kahit ano pang gawin mo dyan kahit patayin mo pa sarili mo hindi na siya ulit babalik!" sigaw ko pabalik sa kanya. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko. Mayamaya pa, nabigla ako ng bigla niya akong sampalin. Napayuko ako at napahawak sa pisngi ko. Ni minsan hindi ako napagbuhatan ng kamay ni Flynn.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon