💍13 : Unbearable Pain

3.1K 73 26
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

PAGKATAPOS ng meeting namin sa board room agad na kaming nagtungo sa call room. Mabuti at hindi ako toxic ngayon kaya maagang natapos ang pag-rounds ko sa mga pasyente ko.

"Pabibo ka rin Stephen, ano? Hindi mo man lang ba naisip na sobrang nakakapagod para kay Steffi ang maging doktor at maging dance instructor at the same time? Nangigigil ako sayo!" galit na galit nitong sigaw kay Stephen.

Tama si Anna, kung ngayon ay nagagawa ko pang umupo dito sa call room at makipagkwentuhan sa kanila, alam kong sa mga susunod na araw ay hindi ko na magagawa ito. Mahihirapan akong pagsabayin ang pag-aalaga sa mga pasyente ko at pagtuturo sa kanila ang sayaw. Lalo pa at ilang taon na rin simula ng tumigil ako sa pagsasayaw.

"Nawala sa isip ko, Anna. Pagkarinig ko ng dance contest si Steffi agad ang sumagi sa isip ko." nakayukong nagpapaliwanag si Stephen.

Hindi na ako sumali sa pag-aaway nilang dalawa. Wala rin namang patutunguhan dahil opisyal na ang pasya ni Dr. Ramirez at tinanggap ko naman iyon kahit labag sa kalooban ko.

Hindi ako galit kay Stephen o kahit Flynn dahil ako ang inirekomenda nila para sa contest na iyon. Nag-aalangan lang ako dahil matagal na akong hindi sumasayaw. Nagpapasalamat nga ako dahil pinaalala nila sakin na dancer ako noon. Dahil sa totoo lang, muntik ko nang makalimutan ang bagay na iyon. Puro malungkot na nakaraan nalang ang nananatili sa isip ko. Nakalimutan ko nang maging masaya.

"I'm sorry Steffi," sabi ni Stephen. Makikita ko sa mukha niya ang sobrang pagsisisi.

"Wala yon, excited nga akong sumayaw ulit eh." nakangiting sagot ko sa kanya.

Nag-aalangan man ngunit minsan ko naging mundo ang pagsasayaw simula ng lisanin ko ang mundo ng pagiging atleta. BS Medical Laboratory Science palang ang kurso ko noon at sa ibang bansa pa ako nag-aaral. Hindi ko pa kilala si Flynn ng maging atleta ako. Tumigil ako sa buhay atleta ng may masamang nangyari sakin. Simula nun ay ibinaling ko nalang ang oras ko sa pagsasayaw.

"Marunong din akong sumayaw. Gusto mo dalawa nalang tayo maging dance instructor? Mabait naman ang head namin eh. Alam kong papayagan niya ako kapag tutulungan ko kayo." alok ni Anna. Lumapad ang mga ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Really? Thank you so much!" Hindi ko napigilang yakapin siya. Kahit papano ay nabawasan ang pag-alala at kaba ko.

"Wala kasi akong tiwala sa'yo. Kasalanan 'to ni Stephen at Flynn eh. Hindi bagay sayo magdouble job, risk taker ka pa naman," pilyang sagot niya sa akin. Sanay na sanay na ako kay Anna. Kaya hindi ako basta-basta napipikon o nagagalit sa kahit anumang sabihin niya.

ALAS-SIETE na nang matapos ko ang pagra-rounds. Agad kong tiningnan ang phone ko at gaya ng inaasahan, binaha ako ng text ni Anna at ng ibang cardiologist. Ako nalang ang hinihintay nila sa Medical Arts Building kung saan kami mag-eensayo.

Pumunta ako sa call room para magbihis. Naka jogging pants lang ako, nakaloose t-shirt at naka-ponytail lang ang buhok ko. Agad na akong nagtungo sa MAB para simulan na ang ensayo.

Nang makarating na ako sa MAB ay agad ko nang sinimulan ang pagtuturo sa kanila. Walang oras na dapat masayang lalo na at alam kong hindi lang ako ang pagod kundi kaming lahat.

Kasalukuyang nakatayo ako sa harapan nila. Sinimulan ko ang pagtuturo ng ilang basic steps, sinasabayan nila ako sa mga galaw ko. Nakakagaan ng loob magturo dahil mabilis silang matuto at hindi sila nagrereklamo hindi gaya ng inaasahan ko.

Nakakapagod turuan ang mga kapwa ko doktor dahil hindi lahat marunong sumayaw. Marami sa amin ang book nerd, walang hilig sa exercise at walang hilig sa mga bagay katulad ng pagsasayaw. Kaya madalas nasasabi niyong boring ang buhay namin.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon