💍15 : Revelation: A Mother's Request

3.4K 68 12
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

NILIBOT NG MGA MATA ko ang paligid nang may pagtataka. Paano ako nakarating dito sa bahay? Paano ako nakarating sa kwarto ko? Hindi ko rin maalis-alis sa isip ko kung sino ang nagpalit ng damit ko.

Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang nangyari. Hindi ko kinaya ang sakit ng ulo ko noong nakaraang araw. Muling ipinikit ko ang mga mata ko at di maiwasang tumulo ang mga luha ko.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at unti-unting nawawalan na naman ako ng kontrol sa mga bagay-bagay. Tumaas ang mga balahibo ko ng maalala ang mga panahon na nasa loob ako ng isolated room.

Muling pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Ang manatili ng ganun katagal sa loob ng IR ay sobrang nakakakilabot. Hindi ko lubos maisip kung paano ako nakalabas doon at kung paano ko nalampasan ang pagsubok na iyon sa buhay ko.

Sa pag-alis ko sa BHI, ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako babalik sa ganoong buhay. Kinain ng pagdurusa ang limang taon kong pananatili doon at ayoko nang maranasan ulit iyon.

Pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin hindi ko alam kung kaya ko yun panindigan. Kinakain ako ng takot ko dahil unti-unting bumabalik ako sa sitwasyon. Kahit pigilan ko man ay wala akong takas. At lalong-lalo na wala akong magagawa.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina ng bahay. Pinilit kong ngumiti nang makita ko si nanay. Ayokong mag-aalala siya sa akin dahil batid kong alam niya ang nangyari sa akin.

Nakangiting binati at nilapitan niya ako.

"Magandang umaga, iha! Gising kana pala, o kamusta ang pakiramdam mo? Sobrang nag-alala kami lahat sayo." Aniya.

"Okay na po ako, maraming salamat po sa pag-alaga niyo sa akin," nakangiting sagot ko sa kanya. Kumunot noo ito at hinawakan niya ang balikat ko.

"Mas magpasalamat ka kay Zeke dahil siya talaga ang nag-alaga sa'yo," Nabigla ako sa isinagot niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Nakita ka daw niyang nawalan ng malay kaya agad ka niyang inuwi dito," dagdag pa niya.

Ibig sabihin si Flynn ang naaninag kong papasok sa call room bago pa ako nawalan ng malay sa mga oras na iyon. At siya ang nagligtas sa akin at agad niya akong inuwi dito sa bahay ibig sabihin iniwan niya ang babaeng kasama niya mailigtas lang ako.

Nakakapagtaka ang mga kinikilos ni Flynn nitong mga nakaraang araw ngunit hindi pa rin maalis sa isip kong nagpapaka-civil lang siya at kailangan ko ng tulong kaya tinulungan niya ako. Normal lang na sagipin niya ako dahil nawalan ako ng malay.

Hindi ko dapat lagyan ng malisya iyon, lalo pa at wala akong nakikitang pag-asa na babalik sa dati ang lahat. Masyadong nahuli ako para ayusin ang relasyon namin. Ang magagawa ko lang ngayon ay namnamin ang nalalabing oras na kasama ko siya. Masyadong malabong magkakabalikan kami.

"Iha nandito pala ang tita Amy mo. Tinawagan siya ni Zeke kaninang umaga para pumunta rito," Natigilan ako sa sinabi ni nanay. Naglakad pa ako ng kaunti papasok sa kusina at nakita ko si tita Amy na nagluluto. Nagulat siya ng makita niya ako.

"Steffi," nakangiti niyang sinabi ang pangalan ko ngunit napansin kong nangigilid ang mga luha sa mata niya.

Ngumiti ako sa kanya at agad ko siyang niyakap. Hindi niya napigilang humagulgol habang yakap-yakap ko siya. Kaya sinubukan ko siyang pinakalma.

Siya ang mommy ni Flynn at magiging mother-in-law ko sana kung natuloy lang ang kasal namin. Wala akong mommy kaya siya na ang naging nanay ko ng maging kami na ni Flynn. Tinuring niya rin akong parang tunay na anak.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon