💍38 : Heaven's Cry

3.3K 77 22
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

NAPAHAWAK AKO SA ULO ko ng maramdaman kong masakit ito. Inimulat ko ang mga mata ko at hindi ko mapigilang mapakunot noo ng ma-realize kong sa sofa ako natulog. Napatanong ako sa sarili ko at saka ko lang naalala na uminom ako kagabi sa bar.

Pero paano ako nakauwi? I have no idea. Dahan-dahan akong umupo at yumuko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang kumot na nakabalot sa akin. Halata ko rin na nakadamit pambahay nalang ako.

Natigilan ako habang pinuproseso ng utak ko ang mga nangyari kahapon. Nakipagsuntukan ako kay Stephen at nagpunta ako sa bar. Wala na akong maisip, iyon lang ang natatandaan ko.

Napatingin ako sa kwarto niya sa hindi ko malamang dahilan. Sarado ang pinto nito gaya ng inaasahan. Hindi man ako sigurado pero may kutob akong siya ang nagbihis sa akin. Napatulala ako sa sahig dahil sa naisip ko.

Napakurap ako ng biglang lumiwanag ang bintana at sinundan ito ng malakas na kulog. Mayamaya pa bumuhos na ang malakas na ulan. Mas lumamig paligid kahit nakasarado na ang lahat na pinto at bintana ng mansyon.

Napagpasya kong tumungo sa kwarto ko. Dali-dali akong umakyat sa hagdan. Papalapit na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang malakas na kalabog galing sa kwarto ni Steffi. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa sarado niyang pinto.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit saglit lang iyon. Namayani pa rin ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko namalayang nasa harap na ako ng kwarto niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla kong maalala ang mga pagsisinungaling niya. Hawak ko na ang door knob ngunit bigla ko itong binitawan at napaatras ako.

Ang tanga-tanga ko talaga. At dahil sa katangahan ko, hindi ko na hahayaan pang mahulog sa mga patibong niya. Ayoko nang umikot-ikot sa palad niya. Nakakapagod na.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kinuha ang maleta ko. Kung hindi siya aalis sa bahay na 'to, ako ang aalis ng tuluyan. Ayoko na. Sumusobra na siya.

Binuksan ko ang cabinet ko at sinimulan kong kunin ang mga damit ko. Natigilan ako ng makita ko ang isang kahon na naglalaman ng mga relong koleksyon ko. Dahan-dahan ko itong ipinatong sa kama ko. Hinawakan ko ang relong binigay sa akin ni Bella.

Naalala ko na naman ang mukha ni Steffi ng makita niya ang relong iniregalo sakin ni Bella. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang nakitang pinipigilan niyang umiyak. At minsan pinipilit niyang ngumiti kahit halata naman na sobrang nasasaktan na siya.

Pinagmasdan ko ang art piece na nakapatong sa maliit na lamesa. Tumayo at hinawakan ko ito, hinaplos ko pa ang bawat sulok ng frame. Palipat-lipat ang tingin ko sa maleta ko at art piece na hawak ko. Napahinga ako ng malalim at binitawan ko ang art piece sa mesa.

Hinawakan ko ang magkabilang zipper ng maleta at unti-unti itong sinarado. I have never done this in my whole life. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na maglayas at iwanan ang bawat sulok ng mansyon na to. Kahit pa wala na itong bakas ni Steffi, nanatili pa rin ako. For five years, naghintay lang ako sa muling pagbabalik niya. Naghintay ako para lang sa ganito. Imagine the years I've wasted just for this. I don't know if I deserve it.

HAWAK KO ANG BARIL habang umiiyak akong umaakyat sa hagdan. Gulong-gulo na ang isip ko, if I can't find her, mas mabuti nalang na mamatay ako. Patuloy na umaagos ang mga luha galing sa mata ko. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa rooftop.

Inianggat ko ang baril at tinutok sa ulo ko. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Nawalan na rin ng pag-asa ang mga pulis na mahahanap na siya. Lahat sila sinasabi sa akin na huwag ko na siyang hintayin, mapapagod lang ako.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon