UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018
STEPHENHAHAKBANG NA SANA ako sa hagdan ng makita kong may sinisilip sina Flynn at James mula sa pintuan ng dialysis room. Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi ni James.
"Kailangan niyo talagang mag-usap. Lapitan mo na siya, bro." pagpupumilit pa ni James kay Flynn ngunit nananatiling nakatayo at tulala lang si Flynn habang pinagmamasdan mula sa kinaroroonan nila si Steffi. Tiningnan ko kung nasaan si Steffi at nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa desk ng OB Nurse Station na parang may hinihintay.
"Ayoko siyang makausap," malamig na sagot ni Flynn sa kanya. Napailing ng ilang beses si James sa tabi niya.
"Eh paano kung sa'yo naman pala iyon? Ayoko lang naman na may pagsisisihan ka sa huli kaya pakibabaan mo na yung pride mo. Alam ko naman na hanggang ngayon si Steffi pa rin laman niyan," sabi ni James sabay turo sa dibdib ni Flynn ngunit ni hindi man lang siya kinibo nito.
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni James. Ano ang ibig niyang sabihin? May nalalaman ba siya? May alam ba ako sa pinaguusapan nila? Napaiwas ako ng tingin ng maalala kong imposible dahil itinago iyon ni Steffi sa lahat, pwera nalang kung inamin na niya ito kay Flynn.
"Sa tingin mo ba kung alam kong sa akin yun magkakaganito ako? At kung ako nga ang tatay, bakit niya ako iniwan? Unless, if there is another reason."
Nabigla ako sa sinabi niya. Ibig sabihin alam na niya na may anak si Steffi pero hindi siya tiyak kung sino ang ama? Gago. Bigla akong nagalit sa pangangatwiran niya. Paano niya malalaman ang lahat kung hindi niya kakausapin ng matino ang fiance niya? Belib din ako sa katigasan ng ulo niya.
Nananatili akong nakatayo ng biglang lumingon si Flynn at nagtama ang mga mata namin. Halata sa mga mata niya ang pagkagulat. Marahil tinatanong niya ang sarili niya kung narinig ko ba ang pag-uusap nila.
"Stephen, kanina ka pa ba dyan?" gulat na gulat na tanong ni James sa akin. Imbes na bumaba ako sa hagdan lumapit nalang ako sa kanila. Patay malisya akong ngumiti at bumati sa kanilang dalawa. Masyadong maaga pa para pag-initan ko ng ulo si de Silva.
"Yes, why? Do we have a problem?" sagot ko sa kanya. Titig na titig ako sa mga mata ni James. Napaiwas siya ng tingin at pilyong ngumiti sa akin.
"Wala naman, bro. Flynn punta lang ako sa Annex may pasyente pa ako. Mauna na ako sa inyo, Stephen." paalam niya sabay tapik ng likod ni Flynn at ngiti sa akin.
Aalis na din sana ako ng bigla siyang magsalita.
"May narinig ka ba?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang tanong niya. Nakangiting umiling muna ako bago ko siya hinarap ulit.
"Kung may narinig man ako, problema ba yun sa'yo?" sagot ko. Lumapit siya sa akin at parang humahanap ng bwelo sa sasabihin niya.
"Alam mo bang may anak si Steffi?" Halatang-halata sa mga mata niya na interesado siyang malaman ang totoo. Biglang sumeryoso ako ng marinig ko ang tanong niya.
"Alam mo de Silva, kung gusto mong malaman ang totoo siya mismo ang kausapin mo. Wala ako sa lugar para sabihin sa'yo ang mga nalalaman ko." sagot ko sa kanya sabay talikod at naglakad papalayo.
"Paging Dr. Lee to the delivery room please."
BINILISAN KO ANG paglalakad papunta sa delivery room. Agad kong binuksan ang pinto nito at tumambad sa akin sina Anna at Steffi kasama ang tatlong nurse.
"Stephen, pakitingnan mo nga ang respirator kung gumagana kanina pa namin ni Dr. de la Torre tini-try ibalik sa dati ang paghinga ng pasyente pero wala eh." seryosong sinabi ni Anna habang pinuputol ang pusod ng sanggol.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...