UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018
DALAWANG ARAW na ang nakalipas simula ng dumating kami ni Flynn dito sa Korea. Pareho kaming naging busy at pagod nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa summit. Ni wala kaming oras para gumala, at kung gumala man kami ay saglit lang iyon."Are you ready?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang ayusin ang neck tie niya. Nakatakda kaming bumalik sa loob ng Convention Hall dito pa rin sa loob ng Hotel. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon at dahan-dahang tumayo.
"Let's go," sabi niya ulit sabay labas sa pinto ng room namin. Sinundan ko lang siya at hindi na ako umimik dahil masyado siyang tahimik habang papunta kami sa Convention Hall.Hindi ko mapigilang tingnan siya dahil hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya. Maraming babae ang napapalingon sa kanya habang naglalakad kami. Nakasunod lang ako sa likod niya kaya hindi halatang magkakilala kami at isa pa hindi rin kami nag-uusap.
Napatigil siya sa paglalakad ng makarating kami sa tapat ng elevator. Pinindot niya ang up button at mayamaya pa bigla naman itong bumukas. Lumakad kami papasok sa elevator at maraming nakisabay sa amin kaya siksikan.
Ayoko ko mang dumikit sa kanya dahil baka ayaw niya ngunit siksikan ang elevator kaya halos magkadikit kami.
Huminga ako ng malalim dahil hindi ako makahanap ng hangin. Hindi ako sanay sa siksikan at makitid na lugar. Huminga ulit ako ng malalim, pinipilit kong hindi ipahalata sa kanya na hinihingal ako.
Maya-maya pa naramdaman ko ang kamay niyang dahan-dahan lumalapit sa kamay ko.
He edged his hand towards mine ever so slightly, until I felt his fingertips brush my hand. I unfurled my fingers and let his slip around mine until I could feel the heat of his palm pressed against my own.
Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko, bigla akong nanlamig ng matanto kong magkahawak-kamay kami ngayon. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niya.
Ang paghawak niya sa kamay ko ay paraan niya noon pa man, para ipahiwatig sa akin na kasama ko siya kaya wala akong dapat ipag-alala.
Dahan-dahan akong tumingala sa kanya at tumambad sa akin ang mukha niyang walang emosyon. Nakatitig lang siya sa pintuan ng elevator na para bang hinihintay niyang bumukas agad ito. Napayuko ako at nakita ko ang kamay naming dalawa at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Kasabay ng pagbukas ng elevator ay ang pagbitaw niya sa kamay ko at unti-unting lumabas na ang ibang sakay nito. Lumabas kami at tumambad sa amin ang napakaraming doktor. May mga iba't ibang pagkain na nakahain sa magkakabilang lamesa.
Napalunok ako ng bigla akong nakaramdam ng hiya. Nagulat ako at ng biglang hinawakan ulit ni Flynn ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay napakamahigpit ng pagkahawak niya para bang ayaw niya akong kumawala.
Magkasabay kaming lumakad papasok sa main event. Bawat hakbang ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakita kong ngumiti siya noong nakita niya ang mga nagkukumpulang pilipinong doktor, marahil ay kilala niya ang mga ito.
"Flynn! I didn't expect that you are here too! Long time no see, bro!" masayang bati sa kanya ng isang maputi at matangkad na doktor. Ngumiti siya at nakipagkamayan sa kanila.
"Hindi ko rin ini-expect na nandito ang isang katulad mo, Lance. Nagpatuloy ka pala sa pag-aaral. Akala ko mambabae ka nalang, eh." Natatawang sagot sa kanya ni Flynn. Tumawa ng malakas ang doktor na kausap niya.
"Nagbago na ako, eh. Siya nga pala, this my girlfriend Micelle." Agad niyang hinawakan ang kamay ng girlfriend niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Natatawang yumuko si Flynn kay Lance at nginitian niya si Micelle.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...