💍39 : Beast's Cry

3.5K 67 9
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas simula ng umalis ako sa mansyon. Maraming nagbago at tuluyang nawala pero yung sakit na nararamdaman ko hindi nawala. Ni hindi ito nabawasan sa paglayo ko sa kanya, mas lalo pa nga itong sumakit at bumigat. The impact of what we had and what she did to me was terribly painful. Kahit ano mang gawin ko hindi siya mawala-wala sa isip ko.

Nakasandal ako sa shivel chair habang hinahawakan ang engagement ring namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi niya noong umalis ako sa mansyon. Halos hindi ako nakapagsalita sa harap niya. Gusto ko mang iwanan siya at umalis ngunit hindi kayang umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kahit basang-basa na ako lalo na siya mas pinili kong pakinggan siya.

I was faceless while she was talking. Nauutal at pahinto-hinto siya habang nagsasalita. Bawat salitang lumalabas sa labi niya, tinatamaan ako, isa yun siguro sa mga dahilan kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. My eyes began to shed tears when she held my hand and give the ring to me.

Hindi ko alam kung nahalata niya dahil masyadong malakas ang ulan. Para akong binawian ng kaligayan. Para niyang tinangihan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero iyon ang kasunduan na ako mismo ang gumawa kaya wala akong karapatang manghinayang at masaktan ng ganito kasi ako may kasalanan.

"Paging Dr. de Silva to the OPD-ER please..."

Napatayo kaagad ako ng marinig ko iyon. Nilagay ko sa bulsa ko ang singsing at nilisan ko ang office ko. Hindi maiwasang mapansin ko ang mga nurses, midwives at iba pang staff ng hospital na nagbulung-bulungan. Siguro alam nila ang nangyari sa amin ni Steffi. I can't blame them, siguro nga kasalanan ko talaga pero kailangan kong gawin to para sa sarili ko.

"Hi, doc! Pinatawag ka po namin, meron kasi ditong nanay hinahanap nila yung resident na naka-assigned sa kanila noong nagpa-opera yung anak niya." sabi kaagad ng isang nurse sa akin. Lumapit ako sa kanya at kaagad siyang tinanong.

"Anong petsa ba siya nag-undergo ng surgery? Anong pangalan niya?" tanong ko naman.

"Teka lang po titingnan ko sa medical records." Aniya.

Tumalikod siya sa akin at pumunta siya sa likurang bahagi ng kwarto. Mayamaya pa dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa akin na may hawak na mga papeles.

"Peter Ferrer po ang name ng bata, dok. In-operahan siya three months ago. Ay, ikaw naman po pala ang surgeon niya that time." nakangiting saad niya habang hawak-hawak pa rin ang papeles.
Tumango ako at inalala ko kung may na-operahan ba akong bata sa mga nakalipas na buwan. Napahinga ako ng malalim ng maalala kong meron at si Steffi ang doktor na hinahanap ng nanay.

"Si Dr. dela Torre ang resident na nag-handle sa bata. Anong kailangan nila? Bakit nila siya hinahanap?" sunud-sunod kong tanong sa kanya ng maalala kong si Steffi ang resident na nag-claim sa bata noon.

Natigilan ang nurse na kausap ko ng marinig niya ang sagot ko. Napatingin ang ibang nurse na nakarinig ng pag-uusap namin. Hindi ko na nalang pinansin ang mga titig niyang nang-iinsulto.

"Ahm, kay Dr. dela Torre daw po sila magpapacheck up, eh." nag-aalangang sagot niya sa akin.

Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Hindi pa pwedeng tumanggap ng pasyente si Steffi. At isa pa, nag-resign na siya.

"Ako nalang ang kakausap sa kanila." walang gana kong sinaad. Kaagad niya namang tinuro sa akin ang mag-nanay na nakaupo sa bench.

"Good morning po, ma'am. I am Dr. de Silva, ako po yung titingin sa anak niyo." Pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon