💍46 : Lantern's Wish

4.2K 56 4
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang gate ng mansyon. Napangiti ako habang tinitingala ang mansyon mula sa harap nito. Hindi ko lubos maisip na magkakakulay na naman ito sa muling pagdating ni Steffi. Sinulyapan ko siya sa tabi ko at hinayaan ko siyang alalahanin ang paligid. Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa niya patungo sa hardin.

Hinahaplos ng kamay niya ang mga halaman habang naglalakad siya patungo sa pintuan ng mansyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinahaplos ng kamay niya ang mga halaman habang naglalakad siya patungo sa pintuan ng mansyon. Tahimik lang na nakasunod ako sa likod niya. Hindi mawala-wala ang mga titig ko sa kanya na tila hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.

Mayamaya pa lumiko siya at dinala siya ng mga paa niya sa garahe. Dahan-dahan siyang tumungo sa isang kotse at hindi niya napigilang hawakan ito. Kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Kotse mo yan, yan yung ginagamit mo sa tuwing pumupunta ka sa Mendrez." kwento ko sa kanya. Tumango lang siya at dahan-dahan binuksan ang pinto ng kotse.

"Matagal na ba tong hindi gumagana?" tanong niya.

"Luma na kasi 'yan eh, siguro mga tatlong taon na yang hindi nagagamit." sagot ko naman.

"Noong akala mo patay na ako, hindi mo na pinakialaman pa?" tanong niya ulit.

Natigilan ako sa tinanong niya. Pagkatapos ng klase niya kanina sa university nagkausap kami at doon kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat. Hiniling ko na sumama siya sa akin sa pag-uwi dito sa Manila. Nung una nag-aalangan pa siya mabuti nalang at nandyan si Bella nakumbinsi namin siyang sumama sa akin kaya magkasama kami ngayon.

"Araw-araw kong nililinisan 'yan. Hindi rin pumasok sa isip kong ibenta. Oo, hindi ko na pinakakialaman pa dahil importante sa akin ang may-ari niyan. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga." sagot ko. Napatingin siya sa akin at yumuko ngunit bago siya yumuko ngumiti muna siya sa akin.

Unti-unting umusbong ang mga ngiti sa mukha niya habang hinahaplos pa rin ang bumper ng kotse niya.

"Noong isang araw nanaginip ako, malakas ang ulan tapos may nakita akong kotse papalayo sa akin hindi ko alam kung bakit pero hinabol ko. Tapos, lumabas yung driver ng kotse galit na galit na hinarap ako." aniya.

Umiling siya ng ilang beses habang nakatitig sa kawalan habang kinukwento niya sa akin ang panaginip niya.

Hindi iyon isang simpleng panaginip lang dahil tandang-tanda ko pa ang araw na yun. Hindi ko yun makakalimutan. Isa yung sa napakaraming beses na nagpakatanga ako. Iyon ang araw na pinakapinagsisisihan ko.

Tinitigan ko lang siya at wala ng kahit anong salita ang lumabas sa mga labi ko ngunit may sinasabi ang utak ko.

"Kung pwede ko lang ibalik ang pagkakataon na yun siguro hindi tayo humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi ka napilitang umalis. Magkasama tayong hinarap ang mga pagsubok sa buhay mo at buhay natin dalawa." Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya pagkatapos kong marinig mula sa utak ko ang binubulong nito.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon