💍19 : Seoul, Korea

2.8K 59 11
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

FLYNN

"You are too handsome," bungad sa akin ni Bella sabay halik sa pisngi ko. Ngumiti kaagad ako dahil nakita kong paparating ang mommy niya. Nakangiti itong sumandal sa pinto ng makitang hinalikan ako ni Bella.

"You are... too... beautiful tonight Bella," nakangiting sagot ko sa kanya at nakita kong namula agad ang pisngi nito. Naalala kong nasaktan at iniwan ko siya ng makita kong hinimatay si Steffi. Dapat lang na bumawi ako sa kanya lalo pa at malaki rin ang naitulong niya sa akin.

"Mabuti naman at naisipan mong sundiin ang anak ko," nakangiting sinabi ng mommy niya habang papalapit sa amin ni Bella. Agad akong ngumiti at hinalikan sa pisngi ang mommy niya.

"She deserves to be treated like a princess, tita." Nakita kong mas lumapad ang ngiti ng mommy niya. Yumuko si Bella at pilit tinatago sa akin ang pamumula ng pisngi nito.

Minsan lang at piling tao lang ang nakakaalam ng totoong buhay ni Bella, isa na doon sina Kate at Steffi. Nag-iisang anak si Bella ng mga Cristobal ngunit masasabi kong kulang pa rin siya sa atensyon.

Palaging wala ang daddy nito at napakaistrikto. Ang mommy naman niya ay isang frustrated doctor kaya pinilit niyang magdoktor si Bella kahit BS Architecture ang gustong kunin nitong kurso. Napagalaman kasi ng mommy ni Bella na magdo-doktor si Steffi at susunod sa yapak ng kanyang amang cardiologist.

She's not happy with her life. She only found little happiness when she met her best friends, Kate and Steffi. She has no talent but to cry. She's living a life like a robot because she needs to follow her parents' golden rules.

"Mommy we have to go," magalang nitong sinabi at napatango naman kaagad ang mommy niya. Agad ko siyang inalalayan pamunta sa kotse ko. She is somehow important to me as a friend.

PAPUNTA NA KAMI sa venue ng event, tahimik lang akong nagmamaneho ng binasag ni Bella ang katahimikan. "Where is she?" tanong nito habang nakatingin sa side mirror ng kotse.

"Who?" wala sa loob kong tanong habang nagmamaneho.

"Steffi," matipid niyang sagot.

Bigla akong napapreno ngunit agad kong inayos ang pagmamaneho ko. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko.

"Nasa venue na siya." sagot ko sa kanya habang nakapokus sa daan.

"I'm sure iba ang kasama niya ngayon and I bet masaya siya." Napalunok ako sa sinabi ni Bella. Mas binilisan ko ang pagmamaneho at hindi ko na siya pinansin pa.

"She changed a lot Flynn. Grabe! Hindi na siya ang Steffi na kilala ko. And besides, she left you. I don't think you still have feelings for her." dagdag pa nito. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at lumapit sa akin. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon kahit hindi ako komportable.

"Let's not talk about it," kumunot-noo kong sinabi. Bigla niya naman niyang binitawan ang kamay ko. Bumuntong-hininga ako at binilisan nalang ang pagmamaneho.

NAKARATING KAMI sa Hotel, ito ang venue na napili ng hospital para sa dance contest at formal party na gaganapin. Inalalayan ko ulit sa Bella sa pagbaba niya sa sasakyan. Yumuko ako at inalok ang kamay ko sa kanya. Napatingin ako sa gawing kanan ng makita kong may mga amerikanong pumasok sa venue ng formal party, siguro doktor din sila dito sa bansa.

Muli kong tiningnan si Bella at ng makalabas na siya sa kotse ko ay agad ko naman ni-locked ang pinto nito.

"Flynn, look!" biglang sabi sa akin ni Bella. Napalingon naman ako sa kanya at napatingin sa tinuturo nito.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon